Chapter 22

11 1 0
                                    

"sakin to eh!" pilit na kinukuha yung bola sa batang babae

"this is mine" iyak ng iyak yung bata

"hey! Big guy you have to share it with princess"

Rinig kong sabi nung tatay sa batang lalaki pero I can't see his face napakalabo. Iyak pa rin ng iyak yung batang babae habang nakayakap sa Daddy nito.

"pero Dad.." angal ng batang lalaki

"Ano sabi ni Daddy? About sharing?"

"Sharing is Caring" sabi nito

"and what did I always say about your sister?"

"always take good care of her especially when you're far away even mommy" tinignan ang kanyang kapatid tsaka ito niyakap.

"I'm sorry princess. Here you can take my ball" sabay abot sa bola sa batang babae.

"Anak.."

"Anak.... Gising na!" napamulat ako ng kanina pa pala ako ginigising ni Mommy.

"Ma?" kinusot kusot ko ang mata ko. "I wish I have a brother"

Napatingin sakin si Mommy. Maybe she's wondering why all of a sudden.

I hugged her. "wala lang. I just thought of having a brother. Atleast may kasama tayo dito kapag nasa malayo si Daddy gaya ngayon at para kompleto yung King, Queen, Prince and Princess. Oh di ba?"

Napatingin ako sa kanya ng may maramdaman akong luha galing sa taas. "Ma? Bakit ka umiiyak?"

"Wala to anak. I just miss your Dad so much just like you" Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Don't worry Ma. I'll be your princess, your prince and I'll be your king na rin habang wala pa si Daddy. Tsaka binilin ka kaya niya sakin" nakangiting sabi ko kay Mommy

"Ikaw talaga! O sige na magbihis ka na at kakain na tayo" she kiss me at ako naman bumangon na rin.

11AM nang makarating kami ni Mommy sa mall nagtaxi nalang kami since coding yung sasakyan niya. We had a Mother and Daughter bonding. Window shopping, Visit sa Derma, Manicure and Pedicure at kung anu-ano pa. past 1pm na nang makaramdam ng gutom si Mommy maski ako gutom na rin. We decided to have pasta for our late lunch ng may tumawag sakin.

"Liyah!"

"Christian" Dali dali itong lumapit sakin nakipagbeso. "Anong ginagawa mo dito?"

"ah sinamahan ko lang si Carol may binili lang saglit"

"Jah!" si Carol naman ang lumapit samin at sinalubong ako ng yakap at beso. "anong ginagawa mo dito?"

"ah kasama ko si mommy!"

"Ma si Carol at Christian po pala. Guys mommy ko"

"hello po tita" excited na bati ni carol kay mommy tsaka ito bumeso

"Hello po" sabi ni Christian na nagmano naman.

"Hello. May mga kaibigan pala tong si Jah na maganda't pogi"

"Ohmygodd! Jah I like tita na so much" yumakap ulit ito kay Mommy na mas lalong ikanatuwa ni Mommy.

"Naglunch na ba kayo?" tanong ni Mommy.

"Opo tita ta..." sagot ni Christian.

"Not yet po tita. Actually eto kasing si Christian kape lang nilibre sakin. Ang kuripot po kasi" pang-aasar ni Carol sa pinsan niya.

"Actually tita pauwi na po kami.." sabay hila kay Carol

Natatawa ako kasi halata namang nahihiya na si Christian sa pinaggagawa ng pinsan niya.

"naku! Why don't you join us for lunch?" aya ni Mommy.

"Oo nga" I second the motion.

"I know somewhere na masarap ang pasta nila. Favorite nga namin ni Christian eh" suggestion ni Carol

"Sakto we're craving for pasta" natutuwa namang sagot ni Mommy at nauna na nga silang maglakad ni Carol.

"Pagpasensiya mo na si Carol ha" nahihiyang sabi ni Christian.

"Ano ka ba? Natutuwa nga si Mommy sa kanya eh. Tsaka ganun naman talaga si Carol simula nung makilala ko siya. Totoo siya" sabi ko at sumunod na kami sa kanila.

Nasa Olive Garden kami an Italian Restaurant.

"We've never been here" sabi ko nang makaupo kami.

"Actually Jah nirecommend lang din sakin ni pinsan ito and then from then on dito na kami kumakain everytime we crave for pasta" sabi ni Carol

Tumingin kami sa menu at nagorder na rin. Habang hinihintay yung pagkain. Kwentuhan lang kami.

"So Christian iho may girlfriend ka na ba?" tanong ni Mommy

"wala po tita" agad naman sagot nito

"Oh bakit naman? Sa gwapong yan?" nagtatakang tanong ni Mommy

"Sus tita! You won't believe it. First time in the history wala siyang girlfriend for a month and I think because of..." hindi na natuloy ni Carol nang subuan siya ni Christian ng pasta.

Natawa naman kami ni Mommy sa dalawa.

We had a wonderful lunch. Nanood din kami ng sine. And after ihahatid kami ni Christian at Carol since wala kaming dalang sasakyan.

"Ohmy! I forgot. I promise Sophie na sasamahan ko siya to buy gift for Carl. Birthday niya on Saturday" paalala ni Carol samin.

Binaba namin siya sa coffee shop kung saan sila magkikita ni Sophie.

"I'll see you Jah on Monday okay? Tita thank you po sa lunch ha and It was really nice meeting you po" tsaka siya bumeso samin. At umalis na rin kami

Nang marating namin ang bahay niyaya ni Mommy si Christian para magmerienda. Tumanggi ito nung una pero napapayag din siya ni Mommy. Palabas na ko sa garden nang makita ko silang nagtatawanan. Hindi ko alam kung bakit masaya ako sa nakikita ko. Madalas nakakapagbiruan din naman ni Mommy si Brian pero seeing her laugh with Christian makes me so ecstatic. Kakaibang saya siguro dahil ang tagal kong di nakita si mommy tumawa ng ganun simula umalis si Daddy.

"princess, anak ano ginagawa mo jan" tawag sakin ni Mommy. Lumapit na ko sa kanila.

"mukhang masaya pinag-uusapan niyo ah" sabi ko sakanila

"Kinukwento ka kasi ni tita simula bata ka pa" natutuwang sabi ni Christian.

"si Mommy talaga. Baka mamaya nyan maikwento mo na lahat kay Christian ah"

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano di rin nagtagal nagpaalam na rin si Christian samin.

"Bakit hindi ka nalang dito maghapunan?" aya ulit ni Mama sa kanya

"Naku! Wag na po tita sobra na po yung lunch tsaka merienda. Okay na po ako" nahihiyang sabi nito

"You're always welcome dito samin iho. Anytime!" masayang sabi ni Mommy Halata namang nawiwili siya kay Christian.

"Thank you po tita. It was nice meeting you po" tsaka eto bumeso kay Mommy.

Hinatid ko na rin ito sa gate.

"Thank you Christian ha."

"Para saan?"

"for making my Mommy so happy. Ngayon ko lang ulit kasi siya nakita na tumawa ng ganun"

"Ikaw din naman ang dahilan kung bakit siya tumatawa ng ganun. She's so very proud of you Liyah."

Niyakap ko siya tsaka ito umalis.

Forever I'll Be Yours (slow-update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon