Chapter 05

163 6 1
  • Dedicated kay Maireen Jade Namoro
                                    

FOREVER I'LL BE YOURS -Chapter 05

Christian's POV

Naglalakad kami ni Sev sa corridor papunta sa classroom nang biglang natumba si Brian. Dali-dali kaming tumakbo para buhatin siya nang biglang may lumapit na babae. Umiiyak. Nung una hindi namin siya pinansin pagkakaalam kasi namin isa lang sa mga toy-girl ni Bry. Inakay namin siya patayo at pinunta sa clinic.

Napansin kong nakasunod pa rin yung babae samin. Hiniga namin si Bry sa clinic bed at kinausap yung school nurse. Maya-maya narinig kong may umiiyak.

'Moe? Moe?' bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Lumapit ako sa kanya. Dun ko lang napansin na siya yung babae kanina sa corridor. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba sa kanya. Parang hindi ko kayang naririnig siyang umiiyak kaya biniro ko siya.

'ah excuse me miss? Wag ka nang umiyak hindi pa naman mamamatay si Brian eh' sabay tumawa ako.

'Ano naman nakakatawa dun?' mukhang nainis ata siya sa sinabi ko at pinunasan niya ang luha niya.

Damn! Bat ko pa kasi sinabi yun?

'Ah miss pagpasensiyahan mo na tong si Christian. Ganyan talaga yan. Wag ka nang umiyak. Okay lang si Brian nalipasan lang daw nang gutom kaya siya biglang nahilo. Ako nga pala si Xavier' sabi naman ni Sev sa kanya. At nakipagshakehands.

Ngumiti siya 'Jaliyah' sabi niya at nakipagkamay din kay Sev.

Napangiti ako pero di ko pinahalata nang nakita ko siyang ngumiti. May kakaiba sa babaeng to. At hindi ko alam kung ano.

'Wag ka sanang magagalit ah pero isa ka ba sa mga girlfriend ni Brian?' tanong ni Sev. Sumeryoso ako. Hinintay ko ang sagot niya. Hindi ko alam pero gusto kong malaman kung gf nga ba talaga siya ni Bry.

Bigla siyang natawa. 'Ah..hin-' ansarap pakinggan tawa niya. Hindi na niya naituloy kasi nagising si Bry.

'ELJ??'

'Moe? Okay ka lang?' Napatingin siya at halatang nag-aalala siya para kay Bry.

'Galit ka pa rin ba sakin?' tanong ni Bry sa kanya.

Ano kaya ibig sabihin ni Bry? May LQ sila?

'Hindi naman ako galit sayo ie, naiinis lang ako' sabi niya kay Bry at hinawakan ang braso niya. May naramdaman akong kirot na hindi ko maipaliwanag.

'Totoo? Di ka galit?'

'Oo'

'Totoong totoo?' makulit talaga tong si Brian.

'oo nga. Basta promise mo di na mauulit'

Ngumiti si Brian sa kanya. 'Promise! Di na mangyayari yun..'

Ngumiti din siya 'Promise mo yan ah'

'Ah-Ahem!' parinig ko naman sa kanila. Kala kasi nila sila lang ang tao sa loob ng clinic. Helo?! Andito kami noh. Inis na sabi ko sa sarili ko.

Forever I'll Be Yours (slow-update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon