"CHAPTER ONE"

151 8 0
                                    

CHAPTER ONE

Sa kahabaan ng Daan Patungo sa Bayan ng Tanay Lalawigan ng Rizal ay makikitang bumabagtas ang Isang Jeep na Punong Punong Sakay Huling Byahe na sa Araw na yun kaya naman isinakay na ng Driver ang lahat ng mga Naghihintay sa Pila ng Jeep.Habang papalapit sila sa Bayan ng Tanay biglang nagloko ang Jeep at bigla na lang itong tumigil sa Gitna ng Kalsada.

'Anong nangyari'sabi ng konduktor

'Hindi ko alam bigla na lang nawalan ng Kuryente' sabi ng Driver

'Ano ba yan kung kailan nasa Liblib tayong Lugar saka pa nasira' sabi ng Konduktor

'Buksan mo ang Flashlight ng Cellphone mo at Tanglawan mo ako' sabi ng Driver na kakamot kamot sa ulo

Halos kalahating Oras na sa Pagkukumpuni ang Driver katulong ang kanyang Konduktor ng isa sa mga Pasahero ang Nagsalita

'Manong matagal pa ba yan' sabi ng Ginang na may hawak na Sanggol

'Pasensya na po medyo matagal pa po ito' sabi ng Driver na medyo hindi na rin maganda ang Hininga dahil bukod sa maaantala ang dating nila sa Tanay eh Sigurado siyang Bubungangaan na naman siya ng Asawa niya na Maghihinala na naman sa kanya at katakot takot na Pagbubunganga na naman ang aabutin niya sa Bungangera niyang Asawa.

Biglang anu ano ay nakarinig sila ng Ingay na tila ba nanggagaling sa itaas kaya naman tumingala sila Ngunit Tanging mga Bituin lang naman ang nakikita nila sa Langit ni Walang Eroplanong dumadaan.Biglang lumakas pa ang ingay na animo ay nasa Tapat lang nila ang sanhi ng Ingay.

'Ano ang Ingay na yun' sabi ng Konduktor

'Parang nanggagaling sa Taas' sabi naman ng Driver

Maging ang mga sakay ng Jeep ay bumababa na dahil natatakot sa Ingay na Naririnig nila.

'Ano ba yun' sabi ng Isang lalaki na sakay ng Jeep

'Hindi nga rin namin alam' sabi ng Driver

'Magsisakay na kayo patapos na ito dali kailangan natin makaalis sa lugar na ito baka tayo ay na Napaglalaruan ng Engkanto' sabi ng Driver

Nagsisakayan na ang lahat Papaandarin na niya ang Jeep ay biglang lumiwanag ang Tapat mismo ng Jeep na para ba silang nakapasok sa isang ilaw na nakatutok sa kanila.Walang anu ano ay narinig na naman nila ang Ingay at sa kanilang mga tenga ay naririnig nila ang isang tunog na para bang sirang radyo na ang tanging naririnig lang nila ay hugong.Tumingin sila sa itaas ng ilaw at laking Pagtataka nila ng makakita sila ng isang bagay na parang bilog na may mga ilaw at nakatutok sa kanila ang Pinaka malaking Ilaw nito.Nagulat sila sa Nakita hindi maaring Eroplano ito bilog siya na kung susukatin mo ay kasing Laki ng Philippines Arena Ngunit sa Kanila lamang nakatutok ang ilaw nito.Namangha ang Mga Tao sa Nakita ng Biglang isang Mas malakas na Tunog ang narinig sa Paligid at Nawala ang Ilaw na nakatutok sa Kanila.

Umaga Dalawang Police Patrol ang nakatigil sa tabi ng Daan at ang Mga Pulis ay inaalalayan ang mga sakay ng Jeep Patungo sa Police Patrol upang dalhin silang Lahat sa Malapit na Ospital.Tulala ang lahat ng sakay ng Jeep at hindi nila makausap.At ang Nakakapagtaka wala ang Driver ng Jeep maging ang Konduktor nito.Pawang mga Babae at mga Bata lamang ang sakay ng Jeep.At sa tingin naman nila ay Walang Pagnanakaw na naganap kaya hindi nila maaring sabihin na Magnanakaw ang Driver at Konduktor nito ang Nakapagtataka pa ang Susi ng Jeep ay naka saksak pa sa Susian.

'Ano kayang Nangyari dito Sir' sabi ng Isang Pulis sa isa Pang Pulis na mas mataas ang Katungkulan sa kanya.

'Yan ang Aalamin pa natin'sabi ng Pulis

'Bakit tulala ang mga sakay ng Jeep' sabi muli ng isa Pang Pulis

'Mahirap ito Paano natin sila matatanong kung wala sila sa mga sarili nila'sabi ng Isa pa.

"Dayo" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon