"CHAPTER TWENTY-THREE"

26 2 0
                                    

"CHAPTER TWENTY-THREE"

Maagang Nagising si Win at Agad siyang Nagpunta sa Pribadong Kusina na Ginagamit nila sa Second Floor.Nakahiwalay ang Kusina nila sa mga Sundalo Kaya Malayang Nakapagluluto si Win ng Pagkain na Para sa kanila.Inabala niya ang Sarili sa Pagluluto ng mga Paborito ni Jessie,Bright at Nani.Matalik niyang Kaibigan si Nani at masakit sa Kanya na Pansamantala siyang Lalayo dito Upang Tuparin ang Kasunduan.Habang Nagluluto si Win ay Pumasok sa Kusina si Mang Domeng upang Magtimpla ng Kape.Nakasanayan na rin niya ang Pansamantala niyang Tahanan.

'Gising ka na pala' sabi ni Mang Domeng kay Win

Bahagyang Nagulat si Win sa Di inaasahang Pagsasalita ni Mabg Domeng sa Pintuan ng Kusina

'Ginulat naman po ninyo ako Mang Domeng' sabi ni Win

'Ilang Araw ang Hihintayin mo bago mo tuluyang Tuparin ang Kasunduan ninyo' sabi ni Mang Domeng

'Hindi ko pa po Alam Mang Domeng Pero sa Madaling Panahon,Ayaw ko rin po na Matagalan ang mga Magulang ko na Bihag ng mga Dayo' sabi ni Win

'Mukang Desidido ka na talaga' sabi ni Mang Domeng

'Wala na po itong Atrasan at Sana po kayo na ang Bahalang Magpaliwanag sa mga Magulang ko ng lahat at Ganun din po kay Bright' sabi ni Win

'Mahal mo ang Ama ng iyong Pamangkin kaya ba kinakaya mong Isakripisyo ang Kakigtasan mo para sa Kapayapaan nila'sabi ni Mang Domeng

'Hindi ko po itatanggi na mahal ko si Bright,Ngunit ang Tunay na Dahilan kung bakit ko tutulungan ang mga kalahi ng aking Ama ay dahil Pakiramdam ko na Obligasyon yun na nakaatang sa Balikat ko na hindi ko kayang Talikuran'sabi ni Win

'Humahanga ako sa Iyong Katapangan Nakuha mo yan sa Iyong Ina' sabi ni Mang Domeng

'Talaga po'tanong ni Win

'Oo matapang na babae si Hannah kinaya niya ang lahat ng Obligasyon na ibinigay sa kanya ng iyong Ama,Inilayo ka niya sa Piling niya upang Higit kang Mapabuti'sabi ni Mang Domeng

Tumingin si Win kay Mang Domeng Alam niya na wala siyang Alaala ng kanyang mga Magulang Maging ng kanyang Kakambal Ngunit meron siyang Pamangkin na magiging Alaala niya sa kanyang Pag alis sa Mundong Sinilangan.

Sabay sabay na Pumasok sa Kusina sina Bright Jessie Dew Nani Alma at Glenda.Sa Pintuan pa lang ay Naaamoy na nila ang Masarap na Almusal na Inihanda ni Win.

'Pinapabilib mo talaga kami Disney Princess'biro ni Nani sa Kaibigan

'Wow Papa ang Sarap naman po ng Almusal natin Ngayon' sabi ni Jessie

Inabutan ni Win ng Kape si Bright at Ngumiti ito ng bahagya

'Hmmmm ang sarap naman ng Kape Baby tamang tama ang Timpla'bulong ni Bright kay Win

Sinubuan ni Win si Bright ng Sinangag na may Tapa at Itlog

'Kumain ka ng Marami ng Tumaba ka at wala ng Babaeng ma inlove sayo' biro ni Win kay Bright

'Kahit Ma inlove sila sa akin Sayo lang naman Ako Inlove Baby'sabi ni Bright

'Sana lang Alam ninyo na may Kasama kayo sa Lamesa' sabi ni Nani sabay Tawa

'Ang Aga aga Puro Landian kumain na kayo'sabi ni Dew

'Inggit lang kayong Dalawa' sabi ni Bright

'Teka Bakit ako Ma iinggit eh may Alma naman ako'Biro ni Dew

Nagkatinginan si Win at Bright

'Wait lang meron ba kaming hindi AlamX' sabi ni Win

'Aba ewan ko sa inyo'sabi ni Dew

"Dayo" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon