"CHAPTER SEVENTEEN"

26 2 0
                                    

"CHAPTER SEVENTEEN"

Nagulat si Bright at Win sa Biglaang Pagpapatawag ng Meeting ng mga Opisyales hindi nila alam kung Anong Plano ba ang binuo ng mga ito habang nasa bayan sila upang tulungan si Mang Domeng na kumuha ng ilang gamit niya dahil Pansamantalang sa H.Q muna siya Tutuloy.

'Bok dalian ninyo Sumunod na lang kayo sa Conference Hall'sabi ni Nani

'Okey ano bang Pag uusapan' sabi ni Bright

'Malay ko nagulat nga din ako dahil sinabi ni Glenda at Alma sa akin na may Meeting daw' sabi ni Dew

'Baka may naisip na silang magandang Strategy' sabi ni Win

'Bok hindi naman sa Nega ako pero yung mga Kalahi ko milya milya ang lamang nila sa atin pagdating sa Digmaan eh tayo Gandang Lalaki lang ang meron ah sa amin lang pala yun kasi Disney Princess ka nga pala' sabi ni Nani

'Tingin mo nakakatawa ka' sabi ni Win

'Oo' sabi ni Nani

Binatukan ni Win si Nani at saka Umalis

'Sungit siguro may Regla ka ngayon' sabi ni Nani sabay Tawa

'Ikaw talaga Inaasar mo na naman si Win'sabi ni Dew

'Kung Puro Seryoso pag uusapan natin sigurado ako na makakalbo na tayo di pa rin tapos ang Problema natin'sabi ni Nani

Sa Meeting..

'Pinatawag ko kayo dahil may Nakarating sa akin na isang Mahalagang Impormasyon at Gusto kung Sa Inyo marinig ang Totoo' sabi ni Col.Mendiola

'Anong Totoo po ba yun Sir' sabi ni Dew

Tumingin si Col.Mendiola kay GL

'Nakarating sa amin na may Posibilidad na si Win ang Anak ni Ismael' sabi ni GL

Nagulat si Bright,Dew,Nani at Win hindi nila inaasahan ang narinig at hindi rin nila alam kung Paano ang Gagawin.

'Opo ako nga po' sabi ni Win

'Win' sabi ni Bright

'Hindi pa tayo sigurado Win ano ka ba' sabi ni Nani

'Huwag kang Padalos dalos Win hindi ka pa rin naman Sigurado' sabi ni Dew

'Pagod na akong Isipin kung Paano makakatulong sa Pagliligtas sa mga taong kinuha ng mga Dayo' sabi ni Win

'So Totoo nga'sabi ni Col.Mendiola

'Siguro' sabi ni Win

'Mawalang galang na po sa inyo Pero kung sakali mang ang Binata na ito ang Anak ni Ismael hindi natin siya basta basta dapat ipakilala sa mga Dayo alalahanin ninyo na Kalahi din natin siya Ang Ina niya na si Hanna ay isang Tao'sabi ni Mang Domeng

'Tama kayo Mang Domeng'sabi ni GL

'Saka Paano tayo makakasiguro na hindi mapapahamak si Win sa kamay nila'sabi ni Bright

'Bright totoo ba na ang anak mo na si Jessie ay may Dugong Dayo rin'sabi ni Col.Mendiola

'Huwag ninyong idadamay si Jessie hindi siya ang hinahanap ng mga Dayo ako lang kaya Protektahan ninyo ang Bata' sabi ni Win

'Paano ka' sabi ni Nani

'Kaya ko ang Sarili ko'sabi ni Win

'Pwede bang Magtanong Sir Sino po ang Nagsabi sa inyo'sabi ni Bright

'Si Jennifer' sabi ni GL

Nagkatinginan sina Bright Win Dew at Nani

'Wala rin naman kaming balak na ibigay ka sa kanila Win pero pwede nating malaman sa kaniila sa Pamamagitan ni Mang Domeng kung Ano ang Plano nila'sabi ni Col.Mendiola

'Kayo po ang bahala nagtitiwala ako sa Inyo'sabi ni Win

Matapos ang Meeting agad Pinuntahan ni Alma at Glenda si Jennifer

'Alam mo ikaw hindi ka na nga nakakatulong dito Ipinahamak mo pa si Win'sabi ni Alma

'Kaya nga sinabi ko sa kanila para Makatulong diba dahil wala akong ambag' sabi ni Jennifer na umirap pa kay Alma

'Makatulong o para masolo mo si Bright'sabi ni Glenda

'Feeling mo pag nawala si Win gugustuhin ka ni Bright'sabi ni Alma

'Oo naman dahil di naman ako mahirap mahalin' sabi ni Jennifer na Proud sa sarili

'Wish mo lang eh ang tagal tagal mo ng Inaakit si Bright Niligawan ka ba'sabi ni Glenda

Pumasok si Bright sa Kwarto ng mga Babae at nakita agad niya si Jennifer

'Bakit mo sinabi sa Kanila' sabi ni Bright na galit na galit

'Gusto ko lang Tumulong'sabi ni Jennifer

'Hindi ka nakatulong Ipinapahamak mo ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko Jennifer' sabi ni Bright

Biglang Pumasok si Nani kasunod si Dew at si Win sa Huli

'Tandaan mo ito Jennifer pagnapahamak ang Best Friend ko ng dahil sa Pagiging Makasarili mo kahit anak ka pa ng Secretary of Defense hindi kita Sasantuhin'sabi ni Nani

Pinigil ni Win si Nani

'Tama na' sabi ni Win

'Anong Tama na Maliwanag naman kaya niya sinabi na ikaw ang anak ni Ismael para ma solo si Bright'sabi ni Nani

'Hinding hindi ko Ipagpapalit si Win st Jessie sayo'sabi ni Bright sabay tingin kay Jennifer

'Halika na' sabi ni Win na inakay si Bright Papalayo sa kwarto ng mga Babae

'Ikaw sana ang Makuha ng mga Dayo pagbalik na dito tuwa lang naming lahat'sabi ni Alma

'Halika na nga Alma lumipat tayo ng ibang Kwarto ayaw kung makasama ang Babaeng yan baka takpan ko lang yan ng unan habang natutulog'sabi ni glenda

Lumabas si Alma at Glenda sa Kwarto nagsimula namang Dumaloy ang Luha sa mga mata ni Jennifer ngayon niya naisip ang sukli ng mga ginawa niya imbes na mapalapit siya kay Bright lalo itong Lalayo sa kanya at hindi niya alam kung Ano ang Gagawin pag tuluyang Nagalit si Bright sa kanya.

Nabulag siya ng Pag Ibig at dahil doon Lumiit ang mundo na Gagalawan niya Paano siya Haharap sa mga Kasama niya kung Lahat sila ay Galit sa kanya.

Gabi na naman sinabi ni Mang domeng na Limang Araw ang Palugit ng mga Dayo upang hanapin ang anak ni Ismael

'Pagod na ako'sabi ni Win

'Baby Lilipas din ang lahat' bulong ni Bright habang nakahiga sila para matulog

'Sana nga'sabi ni Win

'Kung kinakailangan na Lumayo tayo nila Jessie Gagawin ko Pumunta tayo sa Ibang Lugar o kaya sa Ibang Bansa'sabi ni Bright

'Tingin mo ba matatapos ang lahat kung hindi natin Haharapin' sabi ni Win

'Basta hindi ako Papayag na Kunin ka nila o si Jessie ' sabi ni Bright

'Hindi yun mangyayari baby kung ako lang ang kailangan nila ako lang ang madadala nila'sabi ni Win

'Hindi kita ibibigay Baby Protektahan kuta' sabi ni Bright

'Ako din' sabi ni Nani

Nagkatinginan si Win st Bright akala nila tulog na si Dew at Nani

'Protektahan ko din si Jessie' sabi ni Dew

'Teka bakit yung kaibigan ko hindi mo Protektahan' sabi ni Nani

'May Prince Charming na diba'sabi ni Dew

'Wow Si Disney Princess may Prince Charming na' sabi ni Nani sabay tawa

Natawa na rin si bright Win at Dew dahil sa Kalokohan ni Nani.Matagal ang Gabi Ngunit nananatiling Gising Si Win at Nag Iisip Kung hindi siya kikilos mas maraming makukuha ang nga Dayo at Natatakot siya na baka sa Susunod na Pagbalik ng mga Dayo ay mga mahahalagang Tao sa buhay niya ang makuha ng mga Dayo lung kaya Buo ang Desisyon niya sa Pagbabalik ng mga ito ay haharap na siya sa mga ito.

(Ang Pagkikita ni Win at ng kanyang mga Estrangherong Kalahi ano ang Mangyayari,Siya nga ba ang Mag sasakripisyo o isang mahalagang tao sa buhay ni Bright)

Abangan...

"Dayo" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon