"CHAPTER TWENTY-FOUR"
Masakit para kay Bright ang Pagkawala ni Win hindi dahil Nakita niya itong Unti Unti na Tinangay ng Dayo,Kundi dahil nalaman niya na Plano pala ni Win ang Pagsama niya sa mga Dayo. Pakiramdam niya ay hindi siya Pinagkatiwalaan ni Win sa Importanteng Misyon na haharapin ng huli.Naging mailap ang Pagtulog sa kanya dahil sa Tuwing Ipinipikit nito ang mga Mata ay Mukha ni Win ang Nakikita.Madami ang mga Tanong na Hindi niya malaman ang Sagot,Babalik pa ba si Win o Tuluyan na itong Umalis sa mundo ng mga tao upang makasama ang mga Dayo.Anong Meron sa Planetang Pinanggalingan ng Ama ni Win at nakaya niyang Iwan ang mga mahal nito sa Buhay ang Iwanan siya.
Lumipas ang mga Araw Linggo at Buwan na wala pa rin si Win sa Piling ni Bright.Bumalik na siya sa Trabaho Ngunit naging Mailap siya sa mga Tao.Nakikipag usap lamang siya tungkol sa trabaho at inilayo niya ang sarili sa lahat maging kay Dew na matalik niyang Kaibigan,Pagkatapos ng Trabaho ay Dumadaan siya sa Isang Bar na malapit sa Kanilang Ahensya at nagpapakalasing siya upang Pansamantalang makalimutan ang mga Nangyari,Ayaw niyang maalala ang unti uning Pag akyat ni Win sa Liwanag ng Sasakyan ng mga Dayo Patungo sa itaas kung Saan nakabukas ang Isang Bahagi ng Sasakyan.Maliwanag pa sa kanyang Alaala ang Lungkot ng mata ni Win.Malinaw sa bahagi ng Alaala niya na ang yakap ni Win ay maaring magiging huling Alaala ng Taong Mahal niya.
'Boss lasing na naman kayo'sabi ng Bartender sa Bar
'Kailangan kung Makalimot' sabi ng lasing na si Bright
'Para Saan po ba yung Paglimot ninyo Sir' Tanong ng Bartender
'Para Saan kamo Para sa Pag alis ng Taong Pinakamamahal ko at Para sa Pagtatago niya ng Sikreto na balak na pala niyang Lumayo' sabi ni Bright
'Naranasan mo na bang Magmahal' Tanong ni Bright
'Opo' sagot ng Bartender
'Huwag mong ibigay ang Isang Daang Porsyento dahil masakit kapag Iniwan ka at Ipinagpalit sa isang Obligasyon' sabi ni Bright na Lasing na Lasing na
Pasuray suray na naglalakad si Bright Patungo sa Sasakyan
'Bright' Tawag ni Jennifer
'Ikaw pala Anong Ginagawa mo dito' sabi ni Bright habang pinipilit na ayusin ang kanyang Tayo upang hindi siya Matumba
'Bright Bakit mo ba ito Ginagawa sa Sarili mo' tanong ni Jennifer
'Bakit Ano bang Ginagawa ko Nagpapakasaya lang naman ako'sabi ni Bright
'Bright sa Ginagawa mo sa Sarili mo Pwede kang Magkasakit'sabi ni Jennifer
'Eh di Okey para tapos na ang lahat' sabi ni Bright
'Tapos na Para sayo Paano ang Anak mo,Si Win lang ang Nawala sa Buhay mo Pero na dito pa ang Anak mo at Nandito pa ako' sabi ni Jennifer
Nilapitan ni Bright si Jennifer at bigla itong hinalikan sa Gitna ng Malawak na Parking Lot at sa Ilalim ng Maliwanag na Buwan,Naglapat ang kanilang Labi.Mapusok na halik ang ibinigay ni Bright kay Jennifer at itinulak nito si Jennifer sa nakaparadang kotse ni Bright at Patuloy na hinalikan isang Halik na Puno ng Galit.Halik na walang Kasamang Pagmamahal at Halik na Puno nagbibigay Pait sa Puso ng isang babaeng Tapat na nagmamahal.Itinulak ni Jennifer ng Buo niyang Lakas.
'Ano ba Lasing ka' sabi ni Jennifer
'Oo lasing ako Pero Alam ko na yun ang Gusto mo baka nga natutuwa ka pa na iniwan ako ni Win' sabi ni Bright kay Jennifer habang Pinupunasan ang kanyang Labi
Sinampal ng malakas ni Jennifer si Bright
'Hindi na ikaw ang Bright na nakilala ko'sabi ni Jennifer
BINABASA MO ANG
"Dayo"
FanfictionKaya mo bang Mag Sakripisyo Para sa Kaligtasan ng mga Taong Bihag ng Dayo at Yakapin ang Iyong Pagkatao ng Buo Para sa Kapayapaan ng Mundong Kumupkop sayo. Kalahating Tao Kalahating Dayo Anong Pagkatao ang Yayakapin mo ---> BrightMetawin O