"CHAPTER TWENTY-SIX"

27 2 0
                                    

"CHAPTER TWENTY-SIX"

Sa Kusina ay Makikitang Abalang abala na Naghahanda si Jewell ng kanilang Almusal,Kailangan niyang Bigyan ng Masarap na Almusal si Win dahil kababalik pa lang nito Galing Sa Planeta ng mga Dayo.At Naisip rin niya na baka Pagod ang kanyang Kapatid at si Win dahil Magdamag itong Magkasama sa iisang Kwarto,Napapangiti siya habang Nagluluto.

'Auntie Ano pong Almusal natin' tanong ni Jessie sa Tiyahin

'Madami akong Niluto Baby dahil Espesyal ang Araw na ito para sayo at sa Daddy mi' sabi ni Jewell sa Pamangkin

'Auntie may Bisita po ba Tayo bakit Sobra ang Plato' Tanong ni Jessie

'Buti pa Gisingin mo na Sila' sabi ni Jewell

'Sila' Nagtatakang inulit ni Jessie ang Salitang Sila

'Ibig kung Sabihin ang Daddy mo' Sabi ni Jewell

Umakyat si Jessie sa Second Floor kung Saan naroroon ang Kwarto ng Ama,Kumatok siya At saka binuksan ang Pinto dahil Alam niya na Tulog pa rin naman ang Ama.Paglapit ni Jessie sa Kwarto ay Napansin niyana Dalawa ang nakahiga sa Kama.Ang Daddy niya ay nakakumot na Hanggang Dibdib lang nito.At ang Isa naman ay Nakayakap sa kanyang Ama habang Yakap din nito ng Daddy niya.Ngunit nakatago ang Mukha ng Isa pang nakahiga kaya hindi niya ito makilala.Lumapit si Jessie sa Ama.

'Daddy Daddy Wake up' sabi ni Jessie

Hindi pa rin magising si Bright kaya naman Umakyat ito sa Kama upang makita rin niya ng Maayos kung Sino ang Katabi ng Daddy niya.Nagulat si Jessie ng Mamukhaan ang Lalaking nakayakap sa Daddy niya

'Papa' bulong ni Jessie na sa sobrang Tuwa ay Pinilit Isiksik ang Sarili sa Pagitan ng Daddy niya at ng Kanyang Papa.

Sabay na Gising si Bright at Win

'Daddy ang Daya mo talaga bakit ikaw lang ang Katabi ni Papa na Matulog'tanong Agad ni Jessie sa Ama ng makita na Nagmulat ito.

Yakap yakap ni Jessie si Win sabik na sabik siya sa Kanyang Papa kaya naman Pinupog niya ito ng Halik at niyakap ng mahigpit at tuwang tuwa naman si Win sa Pagiging Malambing ng kanyang Pamangkin.

'Papa na miss mo ba ako' tanong ni Jessie

'Oo naman Baby na miss kita ng Sobra' sabi ni Win

'Si Jessie lang' Tanong ni Bright na kunwaring Nagtatampo

'Ayan Daddy alam mo na na mas Mahal ako ni Papa kesa Sayo' Tukso ni Jessie sa Ama

Tumawa si Win dahil alam na alam ni Jessie kung Paano Asarin si Bright

'Sino ang Mas Mahal mo' Tanong ni Bright

Tumingin si Winkay Bright at napangiti

'Mas mahal ko ang Baby ko' sabi ni Win na Niyakap si Jessie

Tuwang tuwa si Jessie at tumingin kay Bright at Dinilaan ang Ama

'Bleeeeh' sabi ni Jessie sa Ama sabay Tumawa

Kiniliti ni Bright si Jessie

'Daddy Stop Please'Sigaw ni Jessie habang malakas na tumatawa

Ilang Minuto pa na nag asaran ang Tatlo hanggang makarinig sila ng Katok sa Pinto

'Bright,Win,Jessie Nakahanda na ang Almusal halika na kayo at baka Lumamig pa ang Pagkain' sabi ni Jewell

Tumayo si Bright at Nagpunta sa Banyo upang Mag Toothbrush at Maya maya ay si Win naman ang Sumunod.

'Baby Pwede ba akong humiram ng Damit'sabi ni Win

'Oo naman baby kahit Araw araw ka pang humiram ng Damit ko basta ikaw' nakangiting sabi ni Bright

"Dayo" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon