"SPECIAL CHAPTER"
Sinalubong ng mga Dayo ang mga Bagong Dating na Bisita sa kanilang Planeta,Magalang nilang Binati ang Prinsipe at ang Munting Prinsesa
'Pagbati sa Inyong Pagdating Mahal na Prinsipe' sabi ng Mahal na Reyna
'Pagbati din sa inyo Mahal na Reyna' Sagot ni Win sa Pagbibigay Respeto ng Mahal na Reyna sa kanya
'Pagbati aming Munting Prinsesa' sabi ng Reyna na nakatingin kay Jessie
Ngumiti ang Bata at Inabot ang Kamay ng Mahal na Reyna
'Mano po Mahal na Reyna' sabi ni Jessie at Nilapitan niya ang iba pang Opisyal na kasama ng Mahal na Reyna sa Pagsalubong
'Yan po ang Paraan ng Pagbati sa aming Planeta bilang Pagbibigay Galang Mahal na Reyna' Nakangiting sabi ni Win
'Napakabait na bata pala ng Munting Prinsesa Binabati kita sa Magandang Pagpapalaki mo sa Iyong anak at sa Anak ng Yumaong Prinsesa' sabi ng Mahal na Reyna na Tumingin kay Bright
'Pagbati po Mahal na Reyna Salamat po sa Magandang Pagsalubong ninyo sa Amin' sabi ni Bright
'Pagbati sa Inyong Lahat Alam ko na Natatakot kayong Pumunta sa aming Planeta dahil sa mga Nakaraang Pangyayari humihingi ako ng Kapatawaran sa Naging Aksyon namin sa inyong mga Tao' sabi ng Mahal na Reyna
'Nakalipas na iyon ang mahalaga Natapos na ang inyong Problema at nakabalik na ang lahat ng tao maging si Win sa aming Planeta' sabi ni Col.Mendiola
'Kung Ganun Halika na Kayo sa Palasyo sana ay maging Maganda at Masaya ang Sandaling Pagtapak ninyo dito sa Ireteryo' sabi ng Reyna
Namangha ang lahat sa nakitang ganda ng Buong Ireteryo ito ay sa Loob pa lamang ng nasasakupan ng Palasyo,Madaming Matataas na Building at Magaganda ang mga Puno at Bulaklak.Sariwa ang Hangin at Malilinis ang Dagat at Ilog.Isang Perpektong Mundo.
Sa Pagtuntong nga nila sa Ireteryo ay Nakita ni Bright na Totoo ngang Isang Perpektong Lugar ang Pinagmulan ng lahi ni Win at ng Kanyang Anak na si Jessie.Nakita rin nila na sa maiksing Panahon na Naagapan ang Epidemya sa Ireteryo ay Ngayon may mga Kababaihan na nagpapakita ng Senyales na sila ay nagdadalang Tao.Hindi pa man Halata ang kanilang mga tiyan dahil bago pa lang ang kanilang Pagbubuntis sinabi sa kanila ng Reyna na may ilan ng Kababaihan ang Magsisilang ng mga Sanggol sa Paglipas ng ilang Buwan.Ang Huling Isinilang sa Ireteryo ay ang Ama ni Win at Pagkatapos Noon ay hindi na nasundan ng kung may mabubuntis man ay hindi ito ganap na naisisilang o kung maisilang man ay hindi ito tumatagal na buhay.Ngayon nga ay Malusog na ang mga Sanggol sa tiyan ng kanilang mga Ina at Umaasa ang Mahal na Reyna na ito ang Simula ng Bagong Buhay sa kanilang Planeta.
Dinaos ang Kasal ng Prinsipe at ni Bright ang mga Tao ay Bisita ng Palasyo at Bilang Pagbibigay Galang sa Kanilang Prinsipe na siya sanang Magmamana ng Korona ng Yumaong Hari Inihanda ng mga Taga Ireteryo at ng Mahal na Reyna ang Pinaka Magandang Piging na Para sa Pinakamataas na Antas na lahi ng Buong Ireteryo ang kanilang Prinsipe Win.
'Bakit ba Palakad lakad ka diyan Maupo ka nga'sabi ni Dew
'Kinakabahan ako' sabi ni Bright
'Ganyan talaga ang Pakiramdam ng ikakasal bok' sabi ni Dew
'Kinakabahan din ako' sabi ni Nani
'Bakit' sabi ni Dew
'Baka after nito Ayain na ako ni Glenda na magpakasal'sabi ni Nani
'Loko ikaw dapat ang Mag aya ng Kasal bakit si Glenda' sabi ni Sarawat
'Alam mo naman yun minsan lagi akong Pinapangunahan' sabi ni Nani
BINABASA MO ANG
"Dayo"
FanfictionKaya mo bang Mag Sakripisyo Para sa Kaligtasan ng mga Taong Bihag ng Dayo at Yakapin ang Iyong Pagkatao ng Buo Para sa Kapayapaan ng Mundong Kumupkop sayo. Kalahating Tao Kalahating Dayo Anong Pagkatao ang Yayakapin mo ---> BrightMetawin O