"CHAPTER THIRTY"

30 2 0
                                    

"CHAPTER THIRTY"

Nagmamadali si Win Inaayos niya ang Damit ni Jessie,Nilalagay ang Neck Tie ni Bright.

'Baby Relax hindi tayo mahuhuli sa Kasal ni Dew at Alma' sabi ni Bright

'Sabi ko kasi sayo kagabi Matulog tayo ng Maaga para magising tayo ng Maaga Pero Anong Ginawa mo'sabi ni Win

Lumapit si Bright kay Win at may Ibinulong

'Sabihin mong hindi mo gusto ang Ginawa ko baby' sabi ni Bright na inaamoy amoy pa ang Leeg ni Win

Namula si Win ng Maalala ang Mainit na Gabi nila Kagabi ni Bright,Hindi sila Inistorbo ni Jessie dahil Abala ito sa Pag aalaga sa bago nilang Alaga na si Ame.

Saint Paul Cathedral..

Bumukas ang Pinto ng Simbahan at Makikitang Naglalakad ang Napakagandang Bride na Suot ang Napaka Eleganteng Gown na Punong puno ng Swarovski Crystal na Kumikinang sa Tuwing Nasisikatan ng Araw,Ang Saint Paul Cathedral ay Makabagong Simbahan na Pinagdarausan ng Kasal ng mga Sikat at Kilalang Mga Personalidad sa Pilipinas.Matatagpuan ito sa Isang Pribadong Hotel na Pawang Mayayaman lang ang Makikita na Nag Check in sa Hotel o Nagdadaos ng Event.Makikitang Nagsasabog ng Bulaklak ang isang Batang Babae na Napakaganda sa Suot niyang Pink na Gown,Abot abot ang Ngiti nito habang Hinahagis ang nga Bulaklak sa Dadaanan ng Bride.Nang Tumapat ang Bata sa Upuan ng Dalawang Matanda Ngumiti siya at Kumaway sa mga ito.

'Ang Gandang Bata talaga ng Ating Apo'sabi ni Aling Susan

'Oo nga at Kamukhang Kamukha siya ng ating Anak'sabi ni Mang Berting

Naglalakad ang Bride Patungo sa Altar habang Naghihintay ang Groom na Umiiyak na hindi makapaniwala na Ikakasal na siya sa Babaeng Nagpatibok muli ng Kanyang Puso matapos itong Mabigo sa Unang Pag ibig.Sa Katabi niya ay Nakatayo naman ang kanyang Best Friend na Nakatingin naman sa Kanyang Pinakamamahal na Nakaupo sa Unahan na Upuan ng Simbahan.

'I Love You' sambit ni Bright na walang lumabas na Boses kundi ibinuka lang ang bibig para sabihin ang salitang I Love You

'I Love You Too' sabi naman ni Win

'Ang Lalandi baka nakakalimutan ninyo na Kasal ito ni Dew at Alma huwag kayong Maglandian sa harap ko'sabi ni Nani

'Ayun si Glenda bakit di mo rin landiin'sabi ni Win na tinuro ang kaibigan

'Ikaw talaga Disney Princess marunong ka ng Makipag asaran' sabi ni Nani

Habang Naglalakad si Alma sa Altar nakatingin si Win sa Kanya.

'Mararanasan ko rin kayang ikasal'sabi ni Win sa Sarili

'Oo naman' sabi ni Nani

'Tingin mo' sabi ni Win

'Maniwala ka Mahal na Mahal ka ni Bright kaya Sigurado akong Pakakasalan ka niya' sabi ni Nani

Tumingin si Win kay Bright at Ngumiti ito sa Huli,Madaming Nangyari sa kanila ni Bright hindi Perpekto ang mga Desisyon nito sa Buhay Ngunit kung Tatanungin siya kung Gusto niya itong Pakasalan at Makasama Habang Buhay Sigurado siyang Oo ang Sagot.

Sa Paglabas ng Simbahan Ibabato na ng Bride ang Bulaklak Kung Kaya ang mga abay ay Kinikilig kung Sino ang Makakasalo at Sunod na Ikakasal.Ihahagis na sana ni Alma ang Bulaklak ng Maglakad ito Patungo kay Win at Inabot ang Bulaklak

'Bakit sa Akin' tanong ni Win

'Dahil sa Tingin ko Ikaw ang Susunod na Ikakasal' sabi ni Alma

'Disn..' hindi na ituloy ni Nani ang sasabihin dahil Kinurot siya ni Glenda

'Ikaw talaga Tigilan mo nga ang Pagtawag sa Kanya ng Disney Princess hindi yun bagay sa kanya' bulong ni Glenda

'Anong Bagay sa Kanya'sabi ni Nani

'Ken dahil kasing Gwapo siya ni Ken' sabi ni Glenda na Kumikinang pa ang mata sa kilig sq kaibigan

'Kung Gawin kaya kitang Manika Honey' sabi ni Nani

'Sino naman ako yung Japanese Version ng Barbie na si Blythe' tanong ni Glenda

'Hindi'sabi ni Nani

'Sino naman' tanong ni Glenda

'Si Annabelle yung kapatid ni Chuckie- sabi ni Nani na Binibiro ang Girlfriend

Sumimangot si Glenda

'Nakakatawa'sabi ni Glenda at Inirapan si Nani

'Nagbibiro lang ako Honey pikon ka naman agad hindi na nasanay' sabi ni Nani

'Sa Lahat ng Pwedeng Manika si Annabelle pa talaga ang Napili mo'sabi ni Glenda

'Magandang Manika si Annabelle Pinapangit lang siya sa Movie kaya ang Naiisip natin kapag sinasabing Annabelle Doll eh yung Bad na Manika' sabi ni Nani

'Kahit anong Paliwanag mo Pangit pa rin yung Joke mo'sabi ni Glenda

'Sorry na Honey nagbibiro lang naman' sabi ni Nani

Nang tinanggap ni Win ang Bulaklak nagulat na lang siya ng Biglang Lumuhod si Bright sa harapan niya at Hawak ang isang Singsing

'Baby Will You Marry Me' sabi ni Bright

'Yes Papa Yes'sigaw ni Jessie habang buhat ng kanyang Lolo Berting

Tumingin si Win sa mga Magulang at sabay na Tumango ito bilang Pag Sang Ayon na kung Saan Masaya ang Anak ay Susuportahan nila

'Baby' sabi ni Bright dahil di agad Sumagot si Win

'Yes kahit Saang Simbahan kahit sa Ireteryo pa Pakakasalan kita'sabi ni Win.

Bago ang Kasal..

'Alma' tawag ni Bright kay Alma

Lumingon si Alma sa may Pintuan

'Bright ikaw pala' sabi ni Alma na Nagtataka dahil Pumunta si Bright sa Kwartong Tinutuluyan niya

'May hihingin sana akong Favor'sabi ni Bright

'Ano yun'sabi ni Alma

'Mamaya kapag ibabato mo na ang Bulaklak Pwede bang kay Win mo Ibigay'sabi ni Bright

Nagtaka si Alma Bakit kay Win niya ibibigay ang Bulaklak eh dapat ibabato niya ito at kung Sino ang Makasalo ay may Kasabihan na siyang Isusunod na ikakasal

'Gusto ko sanang Mag Propose kay Win at naisip ko na Itapat ito sa Oras na Ibabato mo ang Bulaklak para hindi magkaroon ng Ideya si Win sa Plano ko'sabi ni Bright

'Okey yun lang pala sige ibibigay ko sa kanya at sa Oras na Tanggapin niya saka mo Ibigay ang Singsing'sabi ni Alma

At ganun nga ang Nangyari Hinintay ni Bright ang Pagkakataon na Masabi niya kay Win ang Mahiwagang Salita.Ang Pakasalan siya ni Win at maging Isang Buong Pamilya na Sila.

Dalawang Buwan ang Lumipas Isang Malaking Spaceship ang Nakita sa Kalangitan,At Tila ito ay may Hinahanap dahil walang Tigil ang ilaw nito sa Pag tanglaw sa Paligid ng Malawak na Kapatagan.Ngunit Hindi kagaya ng Una nitong Pagbisita sa Mundo ng mga Tao ang Spaceship ay hindi na nagdadala ng Ingay at malakas na hangin Panatag lang itong nakalutang sa Kalangitan.At Mayamaya pa nga ay Tinangay Pa itaas ang lahat ng Tao na Nasa Ibaba ng Spaceship.Kabilang sa mga Tinangay ay si Bright,Win,Jessie,Nani,Glenda,Dew,Alma,GL Jewell, Zeny,Drake,Mang Domeng,Aling Susan,Mang Berting,Col.Mendiola,Nuñez at ang Isang Mahalagang Tao na Kakailanganin ng mga Dayo upang Maisagawa ang Kanilang Plano Para sa Kanilang Prinsipe.

(Anong Panibagong Plano na naman ng mga Dayo para sa mga Tao at Bakit nila Tinangay ang mga tao. Hindi pa ito ang Wakas para sa Pag iibigan ni Bright at Win sa Special Chapter natin malalaman ang Panibagong Dala na naman ng mga Dayo sa Buhay ng mga Tao)

Abangan...

"Dayo" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon