"CHAPTER TWENTY-SEVEN"

34 2 0
                                    

"CHAPTER TWENTY-SEVEN"

Sa Opisina..

Sikreto pa kina Dew,Alma,Glenda,Drake at GL ang Pagbabalik ni Win,Nagsimula ang Araw sa Ahensya na Abala ang lahat sa Pag rerebisa ng kanilang mga hinagawakang Kaso,Nakaupo si Bright at Nakatingin sa Cellphone habang Nakangiti.

'Bakit parang iba ang Aura ngayon no Bright' bulong ni Glenda kay Alma

'Oo nga eh kanina nagkasabay kami sa Elevator Ngumiti siya at Nag Good Morning pa' sabi ni Alma

'Tingin mo may nagpapasaya sa Kanya' sabi ni Glenda

'Malamang tingnan mo ang Ngiti abot Tenga eh simula ng Mawala si Win Daig pa niya ang Pinaglihi sa Dragon' sabi ni Alma

'Huwag mong sabihin na may Bago na siyang Jowa' sabi ni Glenda

'Jennifer' sabay na sabi ng Dalawang Babae

'Oh No hindi Maari' sabi ni Alma

'Hindi yun Mangyayari hindi Pwede' sabi ni Glenda

'Ano bang Punag uusapan ninyong Dalawa' Tanong ni Dew

'Tingnan mo ang Best Friend mo Love' sabi ni Alma kay Dew

Tumingin si Dew kay Bright at Nakita niya na Nakangiti si Bright na Parang kinikilig habang may tinitingnan sa Cellphone.Nagpunta si Dew sa Likuran ni Bright na hindi napapansin ng Huli.At nakita niya na Nanonood si Bright ng Video ni Win at Jessie na Naglalaro sa Park.Naisip ni Dew na baka Old Video lang ito na Ginagawang Way ni Bright para Magkaroon ng Maayos na Araw,Pagod na rin siguro ang Kaibigan na Mag halimaw sa Lahat ng Nasa Paligid niya.

'Nanood lang ng Old Video ni Win at Jessie' sabi ni Dew ng makabalik sa Pwesto

'Pero Love iba ang Aura niya Ngayon at saka Binati niya ako ng Magkasabay kami sa Elevator' sabi ni Alma

'Love baka naman nag uumpisa na siyang bumalik sa Dati' sabi ni Dew

'Masaya siya dahil In love siya'sabi ni Nani

'Kanino' sabay sabay na sabi ni Glenda,Dew at Alma

'Kanino pa eh di Doon sa Prinsipe ng mga Dayo na Disney Princess sa Totoong Buhay'sabi ni Nani saka Ngumiti at Pinataas pa ang kilay

'Kailangan natin siyang Libangin para hindi Mabaliw kapapanood ng Old Video ni Win' sabi ni Alma

'Tama' sabi ni Glenda

'Mag Outing kaya tayo' sabi ni Dew

'Tama Magpunta tayo sa Beach' Sabi ni Glenda

'Okey Magandang Plano Bright Sa Saturday Mag Beach Tayong Lahat Sagot mo' sabi ni Nani Sabay Kindat kay Bright

'Okey sige' sabi ni Bright

'Payag ka' sabi ni Dew

'Oo' Sagot ni Bright

Nilapitan ni Dew si Bright

'May Sakit ka ba Bok' sabi ni Dew kay Bright

'Wala Sabi ni Nani sagot ko eh di Sige Sagot ko' Sabi ni Bright

Nagkatinginan si Dew,Alma at Glenda at si Nani naman ay Lihim na napapangiti Perpekto ang Plano nila ni Bright para Surpise ang mga Kaibigan sa Pagbalik ni Win.

Beach Day...

Napagkasunduan ng Lahat na Magkikita kita na lang sila sa Isang Private Beach Resort sa Batangas,Isinama nila si GL at ang iba pang Tauhan sa Ahensya.Sinagot ni GL ang Buong Expenses ng Beach Bonding ng Grupo.Isinama ni Bright Si Jessie at Jewell habang si Nani kasama ang kanyang Papa at mga Magulang ni Win.Hindi naman nagduda ang Lahat Dahil Alam ng Buong Ahensya na After Isama ng Dayo si Win si Nani na ang Tumitingin sa Mag Asawa kaya sinabi niya na Gusto niyang isama ang Dalawang Matanda upang hindi na siya Mag Worry pa dahil Dalawang Araw sila sa Batangas.

"Dayo" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon