"CHAPTER THIRTEEN"
Hindi na Kayang Itago sa Media ang Katotohanan na ang Bansa ay Humaharap sa Isang Malaking Pagsubok sa Kakayahan ng mga Militar na Ipagtanggol ang Buong Bansa,Naging masyadong Mapusok ang mga Dayo at Ipinaramdam nila sa mga Tao na Handa silang Lumusob makuha lamang ang Gusto.Ngunit ang Problema hindi alam ng mga Tao ang Tunay nilang Pakay,Kung Kaya Magkaiba ang nabubuo sa Isip ng Bawat lahi.Ang mga Dayo ay Iniisip nila na Matatakot ang mga Tao at ibibigay sa kanila ang Prinsipe Samantalang ang mga Tao naman ay nag iisip na gustong Sakupin ng mga Dayo ang Mundo.
Kabi kabila ang Balita sa Radyo man o Telebisyon,Lahat ay Pareho ang ibinabalita Sasakupin ng mga Dayo ang Bansang Pilipinas Pagkatapos ay Buong Mundo.Maging ang mga Pinuno ng Pamahalaan Ngayon ay Gumagawa na ng Estratehiya upang sa susunod na Pagsalakay ay Ang mga Tao naman ang Magkaroon ng Kalamangan.
Nasa may Bintana si Win nakatanaw sa Labas at nag iisip kung Ano ang Dapat nilang Gawin,Sa Totoo lang nawawalan na ng Pag asa ang Lahat dahil sa Tuwing Gagawa ng Hakbang ang mga Dayo ay nakakakuha sila ng mga Taong nagiging bihag nila.Kailangan niyang Pumunta kay Tatay Domeng ang Matandang na kaka kilala kay Ismael kailangan niyang Alamin kung Ano ang Pagkakakilanlan ng anak ni Ismael.Nasaan ito Ngayon at Paano nila matatagpuan ang Prinsipe.Nararamdaman niya na may Kailangan siyang Gawin upang Matahimik na ang Buong Bayan maging ang Buong Pilipinas.Sumakay siya ng Revo at Nag Drive Patungo sa Bahay ng Matanda.
'Nani nakita mo ba si Win' sabi ni Bright
'Hindi' sagot ni Nani
'Saan yun Nagpunta' sabi ni Bright
Samantalang si Win ay Patungo na sa Bahay ng Matanda Kailangan niya iton makausap may Pakiramdam siya na Alam nito kung Ano ang Dapat Gawin upang tuluyan ng umalis ang mga Dayo.Nadatnan muli ni Win ang Matanda sa Kanyang Paboritong Tambayan ang labas ng kanyang munting kubo.
'Magandang Umaga po Tay Domeng' sabi ni Win
'Magandang Umaga din sayo Binata'sabi ng Matanda
'Tay Domeng kayo po higit sa lahat ang Nakakaalam sa Buhay ni Ismael Maari po ba ninyo kaming Tulungan upang malaman kung Nasaan ang Anak niya' sabi ni Win
'Bakit mo Gustong Malaman kung Nasaan ang Anak ni Ismael' sabi ng Matanda
'Nasabi po ninyo sa amin na walang masamang Pakay ang mga Dayo at Gusto lang nilang mahanap ang Prinsipe baka po Pagnakita nila ang Prinsipe ay Umalis na sila at tuluyan ng Tumahimik ang buhay nating mga Tao'sabi ni Win
'Isusuko mo sa mga Dayo ang Prinsipe na walang Alam sa Totoo niyang Pagkatao' tanong ng matanda
'Kung Magiging Tahimik po ang Mundo Opo' sabi ni Win
'Isusuko mo siya kahit na Alam mong ikapahamak din niya kapag nakita siya ng mga Dayo' sabi ng Matanda
'Paano po ang Gagawin natin hindi sila Aalis sa mundo hanggang hindi nila Dala ang prinsipe' sabi ni Win
'Tama ka hindi sila aalis hanggang hindi nila Kasama ang Prinsipe Pero ang Tanong ko Binata Kaya mo bang Isuko ang isang Inosenteng Prinsipe na hindi nalalaman ang tunay niyang Pagkatao,Hahayaan mo ba siyang Mag Sakripisyo ng Buhay alang alang sa mga Tao kahit pa ang buong Buhay niya ay sa mundong ito na nakatali' sabi ng matanda
'Kung Yun ang Paraan' sabi ni Win
Nakaraan...
Bago Bawian ng Buhay si Ismael ay Ipinangako no Hanna naPaglalayuin niya ang magiging anak nila,Ang Babae ay Palalakihin ni Hanna at ang Lalaki ay Ilalayo niya sa Tanay Malayo sa Lugar kung Saan naroon ang kanyang Pamilya.Isang Buwan na siyang Nakakapanganak at hindi pa rin niya magawang ilayo ang Sanggol sa kanya Naawa siya sa Bata wala itong Kasalanan maliban sa Pagkakaroon niya ng Dugong Alien.Naging Mahirap para kay Hanna ang Lahat Ulila siya sa nga Magulang at wala silang Kamag anak sa Tanay kung kaya ang tanging Tao na tumutulong sa kanya ay si Mang Domeng ang Matandnag kumukupkop kay Ismael Ng kanyang Asawa.
'Tay Domeng Maari bang pakibantayan si Yhen' sabi ni Hanna
'Sige' sabi ni Domeng
Umalis si Hanna na Dala ang Sanggol na lalaki sa kanyang bisig at sa di Kalayuan ay nakakita ito ng isang Jeep na Puno ng Kalakal at sa Unahan ng Jeep ay may isang Lalaki na inisip niya na Driver ng Sasakyan at isang Babae na abala sa Pagtulong sa lalaki dahil mukang sila ay nasiraan.Sumilip si Hanna sa Jeep at nakita niya na Puno ito ng mga Prutas at Gulay.Ibinaba ni Hanna ang Sanggol na natutulog at Nagtago siya sa may Puno sa di Kalayuan.Mayamaya pa ay Maririnig ng Lalaki at Babae ang Iyak ng Sanggol kung kaya sila ay bahagyang nagulat at natakot dahil nasa Gitna sila ng Daan at wala naman Dumaraan sa Kalsada Paanong may Iiyak na Sanggol.
'Narinig mo ba yun Berting'Tanong ng Babae
'Oo' Sagot ng Lalaki
Hinanap nila ang Pinagmumulan ng Iyak at laking gulat nila na may isang Sanggol na nakahiga sa Loob ng Kanilang Jeep at isang Sulat ang makalagay sa Sanggol
Sa Makakakuha ng anak ko,Hindi ko Kayang Alagaan ang Dalawang Sanggol kung Kaya hinahabilin ko sa inyo Ng isa sa aking Anak,Sana sa Kanyang Paglaki ay itago ninyo ang kaniyang Pagkatao para sa kanyang Proteksyon Ituring ninyo siyang Tunay na Anak.Nawa ay Pagpalain kayo ng Ama sa Pagkupkop ninyo sa kanya hindi ko na siya Pinangalanan upang hindi na niya malaman kung Sino ang Kanyang Pinagmulan.
Ina ng Sanggol
Binuhat ng Babae ang Sanggol at Niyakap
'Salamat po Panginoon natupad na ang Matagal ko ng Dalangin na Magkaanak' sabi ng Babae
'Patingin anong Kasarian niya' sabi ng Lalaki na tuwang tuwa sa nakita nilang Sanggol
'Lalaki' sabi ng Babae
'Win yun ang itatawag natin sa Kanya ang ating Anak na si Win' sabi ng lalaki
Tumingin sa Paligid ang Mag asawa at wala silang nakitang Tao,hindi nila alam na isang Ina ang Nagtatago sa Likod ng Puno na Lumuluha at Nadudurog ang Puso,Kailangan niyang Paglayuin ang Kambal upang hindi sila Matunton ng mga Kalahi ng Kanyang Namatay na Asawa.Umiyak si Hanna sa Habag sa Kanyang Anak na hindi man lang niya binigyan ng Pangalan sa takot na baka maging dahilan pa yun upang Matunton ng Pina Ampon niyang Anak ang tunay niyang Pinagmulan.
'Natupad ko na ang Gusto mo Ismael Nailayo ko na ang anak natin Sana lang Mapatawad niya ako kung sakaling ipahihintulot na Magtagpo muli ang aming Landas na Mag ina' sabi ni Hanna sa Puntod ng kanyang Asawa
Kasalukuyan...
Naputol ang Pag iisip ni Domeng alam niya kung Sino ang Prinsipe Ngunit hindi niya magawang sabihin sa Kausap kung Sino nga ba ang Hinahanap ng mga Dayo
'Alam po ba ninyo ang Pagkakakilanlan ng anak ni Ismael' sabi ni Win
'Oo nakikita ko ang Nakaraan at Alam ko ang Kasalukuyan Ngunit hindi ko pwedeng Pakialaman ang Daloy ng Buhay dahil hindi ako ang magtatakda ng Hinaharap Binata Hayaan mong ang Maylikha ang Magtakda kung Kailan maaari ng Magtagpo ang Dayo at ang Prinsipe na magtataglay ng Dugong makakapagligtas sa buong kalahian ng mga Dayo' sabi ni Domeng
'Paano po matatapos ang gulo kung hindi natin hahanapin ang Anak ni Ismael' sabi ni Win
'Mahahanap mo siya at sa kanilang lahat ikaw lang ang tanging makakahanap sa kanya' sabi ni Domeng
'Paano' sabi ni Win
'Hanapin mo ang isang Pagkakakilanlan ang bituin sa Batok na nakatatak sa Isang Dayo'sabi ni Domeng
'Bituin'tanong ni Win
'Oo bituin meron silang nakaukit na Bituin sa Batok'sabi ni Domeng
'Tattoo' sabi ni Win
'Sa Pagsilang pa lang ng isang Dayo ay may Palatandaan na sila ng kanilang Antas sa Kanilang Lipunan ang Bituin ay tanda na galing siya sa Angkan ng Hari na Namumuno sa kanilang Planeta' sabi ni Domeng
Hindi nakapag salita si Win hindi siya makapaniwala sa kanyang Narinig na ang Pagkakakilanlan sa Prinsipe ay ang Palatandaan na Bituin sa batok nito,At alamna niya kung Paano Matatagpuan ang nawawalang Prinsipe Ngunit hindi niya Maunawaan Paanong siya ang naging Prinsipe,Paanong siya ay Naging Ampon hindi siya Makapaniwala sa Nangyayari.Kailangan niyang Alamin ang katotohanan Ano nga ba ang pagkatao niya Sino nga ba Siya.
(Ano ang Gagawin ni Win Ngayong alam na niya kung Sino ang hinahanap ng mga Dayo,Paanong Nangyari na sa Tanay ang Kanyang Pinagmulan samantalang Sa Maynila siya Lumaki)
Abangan....
BINABASA MO ANG
"Dayo"
FanfictionKaya mo bang Mag Sakripisyo Para sa Kaligtasan ng mga Taong Bihag ng Dayo at Yakapin ang Iyong Pagkatao ng Buo Para sa Kapayapaan ng Mundong Kumupkop sayo. Kalahating Tao Kalahating Dayo Anong Pagkatao ang Yayakapin mo ---> BrightMetawin O