"CHAPTER EIGHT"
Naging Matamlay ang mga Kasundaluhan sa Pagkawala sa ilan sa mga Kasamahan nila,Hindi maiwasan na Magkaroon ng Usap usapan Tungkol sa Nangyari Kagabi.Ngunit Maliwanag ang Instructions ni Col.Mendiola Lalaban sila at hindi Susuko Alang alang sa mga Taga Tanay at Sangkatauhan.
Umalis muli ang Grupo nila Bright upang Puntahan ang Bahay ng Matandang Nakausap nila.Ngunit sa Pagtataka nila parang Sadya silang Hinihintay ng Matanda sa Labas ng Bahay.
'Dinalaw na naman kayo Kagabi' sabi ni matanda
Nagkatinginan sina Win at Bright
'Paano po ninyong Nalaman' sabi ni Bright
'Maaaring wala akong Paningin Ngunit Malakas ang Aking Pandama at nakikita ko ang hindi ninyo nakikitang mga Pangkaraniwang Tao' sabi ng Matanda
'Tay may alam po ba kayo tungkol sa mga Dayo' sabi ni Win
'Hindi sila mananakit kung hindi ninyo sila sasaktan' sabi ng matanda
'Paano ninyong nalaman' tanong ni Dew
'Dahil yun ang sinasabi nila sa Inyo kagabi sa mga Isip ninyo Ngunit bilang tao hindi ninyo sila naiintindihan' sabi ng Matanda
'Paano ninyo sila naiintindihan at saka malayo po ang bahay ninyo sa Head Quarter ng Militar' sabi ni Nani
'Hindi kailangan maging Malapit upang maintindihan ko sila dahil ang sinasabi nila ay Ipinapasa nila sa mga Tao sa Pamamagitan ng Telepathy at katulad ninyo naririnig ko rin sa Isip ko ang sinasabi nila Ngunit ang kaibahan lang ay Nauunawaan ko sila' sabi ng Matanda
'Pwede po ba kayong Makipag Usap sa Kanila' sabi ni Bright
'Hindi ko pa nasusubukan' sabi ng matanda
'Baka pwede po ninyong Subukan para makatulong para malutas ang Pagkawala ng mga kalalakihan' sabi ni Dew
'Ligtas ang lahat ng kinukuha nila huwag kayong Mag alala meron silang higit na kailangan kapag nabawi na nila yun sa mga Tao ibabalik nila ang mga Kinuha nila' sabi ng Matanda
'Ano po ba ang kinuha ng mga Tao sa kanila' sabi ni Win
'Gusto mo ba talagang malaman Handa ka na ba' sabi ng matanda kay Win
'Nasaan ang Prinsesa' sabi ng Matanda
'Prinsesa' sabay sabay na Tanong ni Bright Win Nani at Dew
'Oo ang Prinsesa na itinakas ninyo Noon' sabi ng Matanda
'Wala po kaming kilalang Prinsesa' sabi ni Dew
'Wala nga ba talaga' sabi ng Matanda
'Sino po ba ang Prinsesa' tanong ni Nani
'Ang Prinsesa ay ang Batang Babae na anak ng Kaisa Isang Prinsipe na Umalis sa Kanilang Daigdig upang Takasan ang Pagkamatay ng mga Kalalakihan sa kanilang Planeta' sabi ng Matanda
'Bakit parang ang Dami ninyong Alam tungkol sa mga Alien' sabi ni Bright
'Dahil ako ang Nagligtas sa kanya pagkatapos bumagsak sa Dagat ng kanyang Sasakyan'sabi ng matanda
'Ako ang Tanging Tao na nakakita sa Pagbagsak ng kanyang Sasakyan sa Dagat' sabi ng Matanda.
Nakaraan...
Maliwanag ang Gabi dahil Punong Puno ng mga Bituin ang Kalangitan at Natatanglawan siya ng liwanag na galing sa Bilog na Buwan.Naging Ugali na ni Domeng ang Pumunta sa Tabing Dagat at Pakinggan ang paghataw ng Alon sa Dalampasigan.Nililibang niya ang kanyang sarili sa Pakikinig ng ingay ng Dagat at huni ng mga Kuliglig sa Paligid.Ipinanganak man siyang walang Paningin ay Biniyayaan naman siya ng Matalas na Pakiramdam at Pang amoy kasama pa ang Espesyal na abilidad na kanya daw minana sa kanyang yumaong Lolo.Ngunit inilihim ni Domeng sa lahat ang mga di Pangkaraniwang Nakikita niya kahit sa Kanyang Magulang dahil ayaw niyang madagdagan pa ang pagiging iba niya sa lahat ng tao.
Walang Anu ano ay isang Ingay ang kanyang narinig mula sa Itaas,Bagama't Bulag siya sa Pangkaraniwang mata ay nakakakita naman siya sa kanyang Pangatlong mata ngunit ang nakikita ng Pangatlong mata niya ay di Pangkaraniwan.Nararamdaman niya ang Lahat ng nasa Paligid at kilala niya ang bawat isang tao na nasa Paligid niya sa Pamamagitan ng Pang amoy.
Walang Anu ano ay may Bumagsak sa dagat isang malakas na Pagbagsak na parang may kung anong malaking bagay ang biglang Bumagsak gsaling sa Kalangitan.Nakiramdam si Domeng hanggang may isang Amoy na bago sa kanya ang Sumagi sa kanyang Ilong kaya naman hinanap niya ang Pinanggagalingan ng Amoy.
'Sino ka' sabi ni Domeng
Umupo si Domeng at kinapa kapa ang Paligid hanggang isang Kamay ang Humawak kay Domeng.
'Sino ka Magsalita ka' sabi ni Domeng
'Tulungan mo ako' sabi ng Lalaki kay Domeng na hindi bumubuka ang Bibig Ngunit Naririnig ni Domeng sa kanyang Isip ang sinabi nito
'Anong nangyari sayo' sabi ni Domeng
'Tulungan mo ako kailangan kung makalayo sa aking Sasakyan' sabi muli ng Lalaki sa Isip ni Domeng
'Halika Doon tayo sa Bahay ko Malayo dito' sabi ni Domeng sa hindi nakikitang Estranghero
'Sandali sisiguraduhin ko muna na Lumubog ang aking sasakyan upang hindi ako Masundan' sabi ng Estranghero
Lumubog nga ang Sasakyan ng Dayo at Kasabay ng Paglubog nito at nawala din ang Komunikasyon ng Dayo sa mga Humahabol sa kanya at sa Kanyang Pinagmulang Daigdig
'Hindi ka Tao' sabi ni Domeng habang inaabot sa Dayo ang Damit
'Oo ngunit kaya kung Gayahin ang Wangis ninyong mga Tao' sabi ng Estranghero sa Isip ni Domeng
'Sige Gayahin mo na lang kaming mga tao para hindi sila matakot sayo' sabi ni Domeng
'Hindi ka ba natatakot sa akin' sabi ng Estranghero sabi sa Isip ni Domeng
'Hindi kasi hindi naman kita nakikita Nararamdaman lang kita Naamoy at Nauunawaan ko ang sinasabi mo sa Isip ko'sabi ni Domeng
'Gusto mo bang makakita' sabi ng Estranghero kay Domeng
'Oo kung sa Oo pero Masaya na ako sa Ganito baka Pag nakakita ako mawala naman ang mga Abilidad ko' sabi ni Domeng
Matagal na nag Usap ang Estranghero at si Domeng bago tuluyang nakatulog si Domeng.At sa Paggising nito ay naramdaman niya na may Kumikilos sa kanyang Kusina kaya Pumunta siya sa Kusina.
'Gising ka na Pala kumain na Tayo'sabi ng Estranghero
'Marunong kang Magluto' Tanong ni Domeng
'Kaya kung Gayahin ang lahat ng tungkol sa inyong mga Tao kaya kung Mamuhay bilang tao na hindi Mapagkakamalan na hindi ninyo ako Kauri.
At Simula nga Noon ay Namuhay na ang Estranghero na parang Isang Tao Naging kasama siya ni Domeng na Ipinakilala bilang kanyang Pamangkin na si Ismael.
Kasalukuyan...
'Kung Ganun po Nasaan na si Ismael'sabi ni Bright
'Patay na siya bago pa isilang ang kanyang .ga anak'sabi ni Domeng
'Mga Anak' sabay sabay na sabi ng mga P.I
'Oo ang kanyang mga Anak Ngunit inilayo sila dito'sabi ng Matanda
'Inilayo sila Sino po ang Naglayo' sabi ni Win
'Ibinilin ni Ismael sa kanyang Asawa na huwag papalakihin ang kanilang mga anak ma Magkasama kailangan nilang magkalayo upang hindi sila matunton ng mga Dayo' sabi ng Matanda
'Sila ibig sabihin Dalawa ang anak ni Ismael' sabi ni Bright
'Oo ang Prinsesa at ang Prinsipe'sabi ng Matanda
Nagkatinginan ang mga P.I sa Rebelasyon na kanilang nalaman.Ngayon na mas Maliwanag na sa kanila ang Lahat makakagawa na sila ng Hakbang upang Maibalik ang mga Taong kinuha ng Dayo.
(Paano nilang maibabalik ang Prinsesa kakayanin ba ni Bright na ibalik ang Anak ng Prinsesa at ang Kaisa isa niyang anak)
Abangan...
BINABASA MO ANG
"Dayo"
ФанфикKaya mo bang Mag Sakripisyo Para sa Kaligtasan ng mga Taong Bihag ng Dayo at Yakapin ang Iyong Pagkatao ng Buo Para sa Kapayapaan ng Mundong Kumupkop sayo. Kalahating Tao Kalahating Dayo Anong Pagkatao ang Yayakapin mo ---> BrightMetawin O