"CHAPTER TWENTY-FIVE"

28 3 0
                                        

"CHAPTER TWENTY-FIVE"

Sinikap ni Win na Maging Matatag sa Gitna ng Kalungkutang Nadarama,Malayo siya sa Taong Pinakamamahal niya.Malayo kay Bright,Jessie at sa Magulang niya.Inabala niya ang sarili sa Pagtulong sa mga Pangkaraniwang antas na Naninirahan sa Ireteryo.Ang Buong Ireteryo ay tulad din ng Mundo na kanyang Sinilangan,May mga Paaralan,Naglalakihang Gusali at Batas na Pinatutupad sa buong Ireteryo.Maganda ang Pamamalakad ng mga Namumuno isang Perpektong Mundo na Dinadalangin ng Maraming Tao.Mabubuti ang mgaTao at ang mga Bata ay nakatuon sa Pagpapalawak ng kanilang Kaalaman upang Pagdating ng Panahon ay magkaroon sila ng Ambag sa Pag unlad ng Ireteryo.Kung wala siyang Iniwang Mahal sa Buhay sa Mundo ng Mga Tao ay nanaisin niya na dito na Tumira.Ngunit ang Alaala ni Bright,Jessie at ng Kanyang Magulang ang Pwersang humihigop sa kanya Pabalik sa mundong Sinilangan.Matapos ang Maghapon na Pagpapagod niya upang Palipasin ang Araw ay makikita si Win na nakatanaw sa Langit na para bang may Pinagmamasdan

'Kamusta ka na Baby,Na mimiss mo ba ako' bulong ni Win

'Hintayin mo ako Malapit na akong Bumalik' muling sabi ni Win

'Goodnight Baby' sabi pa niya at saka tumalikod at Nahiga sa kanyang Higaan.

Sa Isang Bahagi ng Palasyo na Tinutuluyan ni Win ay Maririnig ang Pag uusap ng Mahal na Reyna at ng kanyang Pinagkakatiwalaang Kanang Kamay

'Mahal na Reyna Inulat ng mga Scientists na Matagumpay na nilang nabuo ang Gamot' sabi ng Kanang Kamay ng Reyna

'Mabuti naman kung Ganun st sa Wakas ay malulunasan na ang Epidemya na Bumabalot sa Buong Ireteryo'sabi ng Reyna

'Paano po ang Mahal na Prinsipe' sabi ng Kanang Kamay

'Hindi natin siya Maaring Pigilan sa kanyang Pagbalik sa mundo ng mga Tao,Wala dito ang makakapagpasaya sa kanya at hindi rin natin yun kayang Ibigay sa kanya'sabi ng Reyna

'Maari nating Kunin ang mga Taong mahalaga sa kanya at dito na sila Manirahan' sabi ng Kanang Kamay ng Reyna

'Hindi Maari Malinaw ang Aming Kasunduan at Tutupad tayo sa Kasunduan kaya ihanda mo ang Sasakyan na Magbabalik sa Prinsipe sa Mundo ng mga Tao' sabi ng Mahal na Reyna

Bagama't Bukas na ang Komunikasyon ni Win sa mga Dayo may kakayahan ang mga Dayo na Harangan ito upang hindi marinig ni Win ang Usapan ng Reyna at ng kanyang Kanang kamay.

Gumising si Win at Nagtaka siya sa kanyang Paglabas ng Silid ay isang Tagapamahala ng Palasyo ang Nagsabi na hinihitay siya ng Mahal na Reyna sa Bulwagan.

'Anong Problema' tanong ni Win sa Tagapamahala

'Naku wala po Mahal na Prinsipe' sabi ng Tagapamahala

'Bakit Kailangan ako sa Bulwagan' sabi ni Win

'Nagkakatipon po Doon ang mga Pantas at Matataas na Pinuno ng Ireteryo' sagot ng Tagapamahala

Bago pa makapagtanong si Win ay Bumungad na sa kanya ang Komusyon ng mga taga Ireteryo lahat ay Masaya siyang Sinalubong at Nagbigay Galang.

'Pagbati Mahal na Prinsipe' Sabay sabay na sabi ng mga Dayo at Yumuko sila bilang Pag Respeto sa Kanilang Prinsipe ang Taga Pagmana ng Trono.

'Magandang Umaga sa Inyong Lahat At Taos Pusong Pagbati sa Inyo'Sagot ni Win sa mga Dayo

Nagsalita ang Reyna

'Ang Buong Ireteryo ay Nagagalak at Nagpapasalamat Sayo Mahal na Prinsipe sa Kabutihang Loob na Ipinakita mo sayong Buong Lahi kung Kaya naman ang Pagkilala sayo bilang Aming Importanteng Pinuno na may Pinaka Mataas na KaTungkulan ay aking Iginagawad sayo sa Kapangyarihan na Ibinigay sa Akin ng Namayapang Reyna na Ina ng iyong Namayapang Ama' sabi ng Reyna

"Dayo" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon