"CHAPTER FIFTEEN"

29 4 0
                                    

"CHAPTER FIFTEEN"

Sumapit ang Gabi hinihintay ng Lahat ang Pagdating ng Dayo sa Eksaktong Oras kung Saan sila Dumarating ang Window Time kung Saan maririnig ang Ingay at Hangin na nagmumula sa Itaas ng Kalangitan,Ngayong Gabi ay Puno ng mga Bituin na nagsisilbing Liwanag sa Gabi.Ngunit ang mga Sundalo ay nakaabang Sa mga Lugar na hiling Sinalakay ng Mga Estrangherong Nilalang na Kumukuha ng mga Kalalakihan at Noong huli ay pati mga Kababaihan Matanda Bata wala silang Pinalagpas.Ang mga Media ay nakaabang din ang Camera upang Makunan ang Pagdating ng Malalaking Spaceship Ngunit ng Huling Nagparamdam ang mga Dayo sa Pagkakarinig ng Ingay na nagmumula sa Kanilang Sasakyan ay siya rin Pagkawala ng lahat ng Kuryente at Signal sa Buong Bayan ng Tanay Maging sa mga Kalapit na Bayan,Parang may Kung Anong Pwersa na Pansamantalang nagpaantala sa Daloy ng Kuryente at maging mga Satellite na Malapit sa Lugar ay naapektuhan kung Kaya walang Sino man Ang nakakuha ng Eksaktong Laki at Hitsura ng Spaceship.

'Mang Domeng Alam ko po na Naguguluhan kayo sa Biglaan naming Pagpapatawag sa Inyo Ngunit wala na kaming ibang Solusyon at kahit Anong Paraan ay amin pong Gagawin magkaroon lang ng Komunikasyon sa mga Dayo'sabi ni Col.Mendiola

'Matagal ko ng Inaasahan ito' sabi ng Matanda

'Ano pong Ibig ninyong Sabihin Mang Domeng' Tanong ni GL

'Matagal ko ng Inaasahan na Makikipag Usap ako sa kanila,Ngunit Hinihintay ko lang ang Tamang Panahon hindi ako pwedeng Makialam sa Tadhana ang Magagawa ko lang ay Maging Gabay at Magsilbing Tagapagpa abot ng inyong gustong sabihin at Ganun din sila'sabi ni Mang Domeng

'Sa Tingin po ba ninyo na Ligtas ang Mga Tao na Tinangay nila' sabi ni Col.Mendiola

'Ligtas sila hindi naman masasamang Nilalang ang mga Dayo katulad din natin sila na gagawin ang Lahat ma Protektahan lamang ang Kanilang Lahi' sabi ni Mang Domeng

'Bakit kinukuha nila ang mga Kalalakihan kung hindi sila Masamang Nilalang' sabi ni Col.Mendiola

'Dahil umaasa sila na sa mga kalalakihang makukuha nila ay makakasama na ang anak ni Ismael Ngunit Masyadong Matalino si Ismael alam niya at Na Plano na ang Gagawin bago pa man siya Mamatay at ang Asawa nitong si Hanna ang Tumupad ng Plano' sabi ni Domeng

'Nasaan na po si Hanna' sabi ni GL

'Wala na Matagal na siyang Patay halos Sampung Taon na' sabi ni Domeng

'Nasaan po ang mga Anak ni Ismael' tanong no GL

'Tanging ang Lalaking anak na lang ni Ismael ang Nabubuhay at wala ako sa Posisyon upang sabihin ko sa Inyo kung Sino siya Hayaan ninyong Siya ang Mag desisyon kung Magpapakita ba siya o hindi sa kanyang mga Kalahi' sabi ni Domeng

'Bakit po hindi makilala ng mga Dayo kung Sino ang kanilang Prinsipe Bakit Parang kahit sila ay hindi kilala ang anak ni Ismael'tanong ni Col.Mendiola

'Dahil hindi bukas ang Pintuan ng Kaisipan ng Prinsipe kung kaya Nananatil siyang Ligtas at hindi makikilala ng mga Dayo maliban na lang kung ang Prinsipe mismo ang magbubukas ng Komunikasyon niya sa mga Kalahi niya upang Malaya silang Magkausap' sabi ni Domeng

'Ibig sabihin hindi minana ng anak ni Ismael ang kakayahan ng kanyang Ama'sabi ni GL

'Nakalimutan na ba ninyo na Kalahating Dayo lamang ang dugong nananalaytay sa Ugat ng Prinsipe maari nating Isipin na Baka mas nakakalamang ang Dugo ng Kanyang Ina kung kaya mas mahirap para sa mga Dayo na Matunton siya'sabi ni Domeng

'Sa Tingin ba ninyo may Pamilya na ang Prinsipe o kaya yung anak na Babae baka nagkaroon na siya ng Pamilya'sabi ni Col.Mendiola

Nagkatinginan si Bright Win Nani at Dew nakikinig lamang sila sa Pag uusap dahil umaasa sila na hindi mababanggit ang tungkol kay Yhen dahil kung Mangyari yun madaling magkakaroon ng Idea ang mga Opisyal na ang anak ni Bright ay may Dugong Dayo.

'Patay na ang anak na Babae ni Ismael kaya Hindi na siya Kailangan pa ng mga Dayo ang nais nilang makuha ay ang Prinsipe' sabi ni Domeng

'Anong Gagawin nila sa Prinsipe'sabi ni GL

'Yun ang hindi natin alam ang tangi kung alam ay mahalagang makuha nila ang Prinsipe'sabi ni Domeng

Kung Mahalaga ang Prinsipe sa mga Dayo gahamitin itong Advantage ng mga Opisyal upang Pakawalan ang mga Tao,Kailangan nilang Makuha kung Sino man ang tinatawag nilang Prinsipe.

Lumakas ang Hangin at Narinig sa Buong Paligid ang Ingay na nagmumula sa Kalangitan ang mga Mamamayan ay Nagtatago na sa Kani kanilang Bahay at hindi hinahayaang makalabas ang Loob ng Bahay ang Pinaka Ligtas na Lugar para sa kanila.Nakipag usap si Domeng sa mga Dayo sa Pamamagitan ng Kanyang Isip.

'Pagbati mula sa Aming Lahi'sabi ni Domeng

'Pagbati' ang Tugon ng Pinuno ng mga Dayo

'Ako si Domeng ang Taong naging Kaibigan ng Inyong Prinsipe Amir Noong Una siyang Dumating sa Aming Mundo'sabi ni Domeng

'Gusto naming malaman kung Nasaan ang anak ni Prinsipe Amir' sabi ng Dayo

'Ipagpaumanhin mo Ngunit hindi ko nakitang Lumaki ang bata Itinago siya ni Prinsipe Amir' sabi ni Domeng

'Hanggang sa Huli Sarili lang ng Prinsipe ang kanyang Iniligtas Hinayaan niyang Mamatay ang Amang Hari at Inang Reyna na Nangungulila sa kanya' sabi ng Dayo

'Naging Mahirap din sa Prinsipe ang buhay niya sa Aming Mundo,Ipinanganak siyang Dugong Bughaw sa inyong Mundo ngunit dito ay Pangkaraniwang tao lamang siya at Walang alam sa buhay na Dadanasin niya'sabi ni Domeng

'Bakit itinago niya sa amin ang kanyang anak'sabi ng Dayo

'Dahil Ama siya na Hindi makakapayag na Masaktan ang kanyang Anak'sabi ni Domeng

'Sinong may sabi na Sasaktan namin ang Prinsipe'sabi ng Dayo

'Kung Ganun ano ang Plano ninyo sa kanya at sa mga Taong bihag ninyo'sabi ni Domeng

'Ibabalik namin ng Ligtas ang mga kalahi ninyo kung ibabalik din ninyo ng ligtas ang aming Prinsipe ' sabi ng Dayo

'Paano kung ayaw sumama ng Prinsipe' sabi ni Domeng

'Hindi niya maaring talikuran ang kanyang tungkulin sa kanyang Lahi at siya lamang ang makakapagligtas sa Pagkaubos namin'sabi ng Dayo

'Paano kung kagaya ng kanyang Ama ay ayaw din niyang kunin ang Tungkulin na yun at mas Gusto niyang mamuhay sa aming mundo'sabi ni Domeng

'Hindi maari amin ang Prinsipe sa aming Lahi siya nabibilang at hindi sa inyong lahi'sabi ng Dayo

'Nakalimutan na ba ninyo na nabibilang din siya sa lahi ng Tao dahil ang Kanyang Ina ay Tao' sabi ni Domeng

'Kung kailangan na mauwi sa Dahas para lang makuha namin ang Prinsipe ng Aming Lahi ay Gagawin namin' sabi ng Dayo

'Ngunit hindi rin namin kilala ang Anak ni Prinsipe Amir' sabi ni Domeng

'Bibigyan namin kayo ng Limang Araw upang Ilabas ang aming Prinsipe kung hindi ninyo ilalabas ay Uubusin namin ang mga Tao sa isang Iglap at wala kaming Ititira sa inyong lahi'sabi ng Dayo na halatang Galit na

'Kung Gagawin ninyo na uubusin ninyo ang mga Tao maaari ninyong mapatay ang Prinsipeng Hinahanap nijnyo' sabi ni Domeng

Naging tahimik ang Pinuno ng mga Dayo hindi nila pwedeng Ipagsapalaran ang buhay ng Prinsipe kailangan nila ito ng Buhay at kung Mamamatay ito ng dahil sa padalos dalos nilang Desisyon ay tuluyan ng Mawawala ang kanilang Lahi.

'Hanapin ninyo ang aming Prinsipe at Ibabalik namin ang mga Tao na kinuha namin' sabi ng Dayo

At Pagkasabi nito ay Umalis ang mga Spaceship nakatanaw ang mga Sundalo wala silang Ideya kung anong Napag usapan ni Mang Domeng at ang mga Dayo dahil nag usap lamang sila gamit ang Isip.Sinabi ni Mang Domeng lahat ng Punag Usapan nila maliban sa isang Bagay ang tungkol sa Anak na Babae ni Ismael hindi niya hahayaang malaman ng mga Dayo o ng mga Tao ang tungkol sa babaeng anak ni Ismael na nagkaroon na ito ng anak.Kung Protektahan ng mga Dayo ang Prinsipe at Protektahan ng mga Opisyal ang mga Tao siya bilang Tapat na Kaibigan ay Protektahan niya ang Batang apo ng kanyang Kaibigan.Hindi kailanman sa kanya Manggagaling na Bylod sa Prinsipe ay may Batang Prinsesa na nagtataglay rin ng dugong kailangan ng mga Dayo.

(Hanggang kailan maitatago ni Domeng si Jessie at Sino ang Mag sakripsiyo alang alang sa Batang Prinsesa)

Abangan...

"Dayo" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon