Chapter 3

9.5K 258 3
                                    

Pag-akyat sa 31st floor ay naabutan niyang nag-aayos ng gamit si Dion.

"Sorry po nalate ako, sir."

Tumingin ito sa kanya. "Nope. Sakto lang ang dating mo. Kakarating lang ng piloto ko." nakangiting binitbit na nito ang bag nito.

"Nga pala. I filed you a leave for three days para makapag-adjust ang sleeping cycle mo. Para na rin medyo makapag-adjust ka na sa magiging pag-aalaga mo kay Brett." he ushered her to the rooftop kung saan andun na at naghihintay na ang helicopter.

May sumulpot na lalaki at kinuha ang backpack niya at ang mga gamit ni Dion. "That's Aston my.. butler? I don't know what to call him. All around kasi yan. Come on. Let's get in." inalalayan siya nito na makaakyat sa helicopter.

"Thank you."

Nag-sign of the cross siya habang kinakabitan siya ni Dion ng safety belts. Natawa ito. "My helicopter is safe. Maingat ang piloto ko." he patted her hair.

Napapikit siya nang unti-unti nang umangat ang helicopter sa ere. "Emeged!" napahawak siya sa gilid ng upuan.

Dion was laughing loudly as he watched her with an amused expression. "There's nothing to be scared of."

"Siyempre sinasabi mo yan kasi nakasakay ka na rito. Ako first time kaya! Huhu! Mama!" mahinang sambit niya.

Tawa lang ito ng tawa sa tabi niya. "Just open your eyes and enjoy the view then."

Dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. All she managed to say was, "Wow!"

"See? It isn't that bad. Makikita mo na lang malapit na tayo sa Golden Ridge."

Tumango siya. Her breath was taken away by the mind blowing scenery. Parang mga bituin na nagkikislapan ang mga headlights ng mga kotse sa highway. The city lights was adding liveliness to the scenery. Parang hindi pa madaling araw sa dami ng mga ilaw na nakabukas ng oras na iyon. She can't help but just stare out at her window.

MAHINANG pagyugyog sa balikat niya ang gumising sa kanya.

"Waaaah! Anong meron? Sunog? Sunog? Nasan ang sunog?" halos nasapak niya ang lalaking nasa harap niya.

Napakamot lang ito sa batok. "Andito na ho tayo sa Golden Ridge, ma'am!"

Ibinaba niya ang kamao niya. Nakita niyang halos maihi na sa tawa si Dion sa labas ng helicopter. "Tawa pa! Sige! Push mo yan! Kainis to." tinanggal na ni Manong ang safety belts niya at tinulungan na siyang bumaba. "Nasa Pilipinas pa ba talaga tayo?" tanong niya kay Dion.

"Unfortunately, yes. Nasa safe na lugar na tayo. Mahigpit ang security rito. Ito lang ang alam ko na lugar na pinaka-safe para kay Brett." inalalayan siya nitong pumasok sa puting van.

"Nasaan na nga pala si Brett?" she placed her backpack on her lap.

"Nasa bahay na siya. He's waiting for us. Sa bahay na tayo, Erning."

"Yes, boss!"

Napanganga siya nang makarating sa bahay na titirahan niya. It was so big na pagtapak niya sa loob ay parang nanliliit siya lalo. It was a very big and spacious house.. uhm.. mansion? Yes. Mansion. Sobrang lawak sa loob na pwede nang gawing arena. Lahat ng gamit doon halatang hindi biro ang halaga. Ang sahig pa lang na gawa sa marmol ay malamang nakakalula na ang presyo. Magaganda rin ang mga naglalakihang paintings na nakasabit sa mga dingding. May isang painting ng isang buong pamilya na nakangiti at isang malaking painting ng isang gwapong nilalang. Ang gwapo talaga! Jusko!

"Dion.. dito talaga ako titira? Mag-isa lang ako dito?"

"Nope. Dalawa kayo ni Brett." nakangiting inalalayan siya nito sa pagakyat sa mataas na hagdanan na nakikita mo sa mga fairytale. Ilang steps pa ba? Huhu. Hinihingal na ako!

Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon