Chapter 5

9.2K 270 5
                                    

Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay kinuha niya ang bagong bili niyang pocketbook at dumiretso siya sa kwarto ni Brett. She made herself comfortable sitting on the couch facing the floor to ceiling glass window. Sinulyapan niya si Brett at ngumiti.

"Psst! Gwapo! Gising na. Ang ganda ng araw ngayon. Parang ang sarap maglakad lakad sa labas kasama ang mahal mo sa buhay at magkuwentuhan lang. Bigla ko tuloy namiss ang tatay ko." she removed her reading glasses and set her book down. "I remember my dad bringing me near the lake just to eat lunch. Magpapalipad lang kami ng pink na saranggola na gawa sa pink na plastic bag at mga stick na napulot namin. Manunungkit kami ng mangga sa puno ng kapitbahay namin para pagsaluhan namin. Magkukwentuhan kami at ikukukwento niya sa akin nang paulit-ulit ang love story nila ni nanay. Mangingisda kami sa lake.. tapos yun ang iihawin ni tatay habang nagtatampisaw ako sa tubig. Halos maglilimang taon na rin pala na wala na ang tatay.. parang kahapon lang. Nagpapasalamat na rin ako.. at least masaya na ang tatay ngayon sa piling ni nanay sa langit." a tear escaped from her eye. She wiped it and smiled. "Gumising ka na. Maraming nag-aalala sa'yo." hinawakan niya ang kamay nito at mahinang pinisil iyon.

"ALOHA! Andirito na ang pinakagwapong doktor sa buong Pilipinas!" ngiting ngiting bati ni Dion sa kanila ni Brett.

"Ang pagkakaalam ko talaga sa Macau ang conference mo hindi sa Hawaii." nakangiting inayos niya ang unan ni Brett at inayos ang pagkakahiga nito sa kama. Kakatapos lang niya kasing punasan at palitan ito ng damit.

He chuckled. "Tapos mo na bang pagnasaan ang kaibigan ko, Galban?"

Tumango siya. "Yup, Fidel. Kaso gusto ko yung gumagalaw at hindi iyong tuod." biro niya rito.

He just laughed and checked Brett's vitals. "Inalagaan ka bang mabuti ni Sarah? Brett.. hinahanap ka na ni Jonalynne.. ano nang gagawin ko?" mahinang kausap nito sa kaibigan nito.

Malungkot na ngumiti siya. Kailan kaya tutubuan ng enerhiya si Brett na gumising? Kapag naman nagising siya.. may happy ending na siya sa piling ni Jonalynne. Oh edi wow. Ako.. balik sa pagiging night shift nurse. Hay.. buhay.. parang layp! Charaught!

Siniko siya ni Dion. "Hoy! Anong iniisip mo dyan?"

She cleared her throat. "Wala! Nga pala. Napanuod ko yun.. nung ininterview sa TV yung fiancèe ni Brett. Ang ganda niya." Sige! Plastik ka bhe! Lulutang ka talaga sa baha.

"Oh. You saw it. She is pretty.."

Napakunot siya ng noo. "Bakit parang may gusto ka pang idugtong?"

Umiling ito. "Wala iyon. Nga pala. Free ka na today. Pwede ka nang makipag-date kay Jasper." kinindatan pa siya nito.

She rolled her eyes. "I'll try. Bukas na lang. Tinatamad ako. Baka busy rin yun eh."

He smirked. "Ang ilap naman pala ng puso ng isang Galban."

Hinampas niya ang braso nito. "Shattap! O sige na po. Ikaw nang bahala kay Boy Coma. Boborlogs na muna ako at nagbasa ako magdamag." nag-uunat na wika niya.

"Ng?" tanong ni Dion sa kanya.

"Romance novels." nakangiting niligpit niya na ang mga nakakalat na mga libro niya sa mesa.

"Ah. Akala ko erotic novels." biro nito.

She laughed. "Fifty Shades ang peg? Mahal yun eh. Ipon muna ako. Sa 500 ko marami nang pocketbooks eh dun isang libro pa lang yun."

"Ang sabihin mo kuripot ka lang. Ang laki laki ng sweldo mo eh. Kaya mo na ngang bumili ng bahay at kotse kung tutuusin."

She shrugged. "Siguro kasi hindi pa ito ang tamang oras? I don't know."

Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon