Chapter 12

9.5K 242 9
                                    

"BRETT." bati sa kanya ni Dion.

"Uy! Dito ka na mag-dinner. Patapos na tong ginataang menek." nakangising wika niya.

Natawa ito. "Tamang tama. Tomguts na ako." nakangiting tiningnan nito ang niluluto niya. "Wow! Masarap yan ah." kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig. "Hindi pala ako pwede ritong mag-dinner, pre."

Napakunot noo siya. "Bakit naman? May date ka?"

Umiling ito. "Walang kasabay ang Papa mo."

He chuckled. "Nasa taas siya. Natutulog sa kwarto ko. Nakatulog sa sobrang daldal."

Natigilan ito. "Nagpakita ka na sa kanya?" di makapaniwalang sabi nito.

He shrugged. "Nabuko ako kanina nung pumasok siya sa bahay ko eh. Akala niya nga multo ako at may hindi ako nagawa sa mundo kaya andito pa rin ang espirito ko sa kwarto ko. Sa kapapanood niya to ng mga telenovela nakukuha eh. You should've seen his face." tumatawang wika niya habang hinahalo ang niluluto niya.

Dion laughed. "Siraulo ka talaga. Darating si Tita maya-maya. Ihahatid nila Caleb dito."

Tumango siya. "Oras na rin para matapos na ang lahat, Di."

"What do you mean?" nilingon siya nito.

"Oras na para lumabas na ako sa publiko. I can't stay like this. Kailangan ko nang malaman kung sino ang nagtatangka sa buhay ko. At para mangyari yun kailangan kong lumabas sa madla. Ayoko nang magtago. In the end, I have to face this. Ayoko na ring may iba pang madamay." pinatay na niya ang kalan at ipinatong sa mesa ang niluto niya.

"Sure ka ba, Brett?" seryosong tanong nito sa kanya.

Tumango siya. "Oo. I have to end this."

"Kahit na mamatay ka? Paano si Sarah? Hindi mo ba naisip na maiiwan mo siya kung sakaling mawala ka. Hindi mo ba naiisip ang mga magulang mo, kung anong mararamdaman nila? They've suffered enough, Brett. Nawala ka na sa kanila minsan.. nasaktan mo na sila. Maaatim mo bang saktan uli ang mga taong mahal mo?"

Napabuntung-hininga siya. "I have to do this, Dion. Kung hindi baka tuluyan nang mawala ang pamilya ko sa akin. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi nahuhuli ang kung sinumang hayop ang gustong pumatay sa akin at sa pamilya ko. Ayokong may madamay pang iba. If it's me they want, ako na lang."

Umiling ito. "No, Brett. Kumikilos na ang tauhan ni Caleb. If you'll do this.. baka matotoo nang mawala ka sa mundo. I can't let that happen. You're my friend. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo at sa pamilya mo. Sisiguraduhin nating wala nang ibang masasaktan."

"TITA, someone wants to see you. Andun siya sa kwarto ni Brett." narinig niyang wika ni Dion. Huminga siya nang malalim. After two years ay magkikita na sila muli ng ina niya. Masyado kasi itong naging busy nang magtayo ito ng negosyo sa America. Pumihit ang seradura ng pinto ng kwarto niya. He was sitting on his bed beside his father. Tinapik naman ng tatay niya ang balikat niya.

Nanigas ang ina niya nang makita siya. Hindi nito napigilan at sinugod siya ng yakap. "Brett! Anak ko! Sinasabi ko na nga at buhay ka pa! Nararamdaman ko iyon, anak ko."

Gumanti siya ng yakap sa ina. "I'm sorry, Ma."

"Ssh. You don't need to say sorry, my son. Wala kang kasalanan." hinaplos nito ang pisngi niya. "I missed you, anak."

Napangiti siya at pinunasan ang mga luhang walang patid sa paglandas sa mga pisngi nito. "Tahan na, Ma. Papanget ka niyan. Mas maganda ka kapag nakangiti." nakangiting biro niya rito.

Natawa ito. "Kahit umiyak ako maganda pa rin ako sa mata ng ama mo."

"I agree." nakangiting kinindatan ng ama niya ang ina niya.

Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon