Kakatapos lang niyang ayusin ang mga gamit niya sa isa sa dalawang kwarto sa bahay na ibinigay sa kanila ng amo ng Tita niya kasalukuyan siyang nakatunghay sa labas ng bintana ng kwarto niya. Turns out ay sa mismong village rin pala iyon at sa mismong street kung saan nakatira si Brett at Dion. Ang saya diba? Minsan talaga mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa ka nang magmove on ito naman ay lalo ka pang aasarin. Ugh! Tinulungan siya ni Dion na ilipat ang mga gamit niya at kaagad rin na umalis para pumunta sa ospital.
Nagpasya siyang lumabas at bumili ng mga stocks sa kitchen nila. Pagkakuha ng wallet niya ay agad siyang lumabas para magtungo sa grocery sa labas ng village nila.
It was a chilly morning. Alas tres na kasi ng umaga. Buti na lang at naka-sweatpants at jacket siya. Napabuntung-hininga siya. Nagpasalamat siya at maliwanag at maganda ang paligid ng village hindi katulad ng tinitirahan nila dati na parang laging may mangyayaring rambulan at saksakan sa labas.
AGAD siyang umuwi pagkatapos niyang mag-grocery. Alas kwatro na ng umaga nang makauwi siya. Marami rami rin ang mga pinamili niya pati ang mga kakailanganin sa pagluluto ay bumili na rin siya kaya naman nag-taxi na lang siya. Nag-aayos siya sa cupboards nang tumunog ang cellphone niya.
"Hello, sir?" sagot niya sa kabilang linya. Si Dion lang naman kasi ang tumatawag sa kanya ng ganitong oras para ipa-check sa kanya ni Brett.
"Sir ka diyan?"
Napakunot siya ng noo at tiningnan ang caller ID ng cellphone niya. "Omg! Sorry, Jaspy. Bakit ka napatawag ang aga aga pa ah?" isinalansan niya ang mga de lata sa cupboards.
She heard him sigh. "Pinag-alala mo ako. Ngayon lang kita na-contact. Anong nangyari sa'yo? Bigla ka na lang tumakbo at iniwan mo ako. May emergency ba? Ayos lang ba ang Tita mo?"
"Pasensiya ka na. Kakarating ko lang sa bahay. Nag-grocery kasi ako. Naiwan ko ang cellphone ko eh. Ahm.. medyo ano.. medyo may emergency nga pero okay na ngayon. Okay lang naman si Tita. Pasensiya na ah. Itetext talaga kita pero nakalimutan ko. Sorry ah pinagalala pa kita."
"Ayos lang. At least nalaman kong safe ka. Teka.. hindi ka pa ba papasok?"
Tiningnan niya ang orasan. "Mamayang gabi pa ako papasok. Nagpalipat na uli ako sa night shift para cool."
"May problema ba?"
Natigilan siya. "Huh? Out of the blue ka nanaman nagtatanong diyan. Magtigil ka nga. O sige na. Matutulog pa ako at magrereserba ako ng energy para sa shift ko mamaya. Kita kits!"
"Mag-ingat ka ah. Bye!"
Napasandal siya sa kitchen counter at tumingala sa ceiling. "Umayos ka nga, Sarah. Para kang siraulo diyan." halos mapatalon siya nang tumunog uli ang cellphone niya. She rolled her eyes and answered her phone. "Ano may nakalimutan ka bang sabihin, Jasper? Umayos ka at matutulog na ako!"
"Uhm.. Sarah si Brett ito."
Andyan nanaman ang pamilyar na pagkabog ng dibdib niya nang marinig ang boses nito. Napalunok siya. "B-Bakit ho?" nagpawis bigla ang kamay niya. Biglang uminit ang paligid.
"Pwede ba kitang maistorbo sandali? Nakalimutan kasi ni Dion na palitan ang IV ko kanina. Paubos na kasi. Tinatawagan ko naman siya pero hindi niya sinasagot."
Huminga siya ng malalim at pumikit. "Sige po. Papunta na po ako." binaba niya ang linya at nanghihinang napasalampak sa marmol na sahig ng kusina. "Kaya mo to, Sarah. Kaya mo to. Wag kang magpapadala sa emosyon mo. Please.. kahit ngayon lang."
PAGKATAPOS mag-ayos ni Sarah ay kaagad siyang nagtungo sa bahay ni Brett. Mahinang kumatok siya sa pintuan ng kwarto nito.
"Come in, Sarah."
BINABASA MO ANG
Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)
Romance"Hindi ko na kailangan pang makita ka para masabi kong maganda ka. Dahil sa boses mo pa lang alam kong mabuti kang tao. Dahil sa boses mo.. unang nahulog ang puso ko." Sarah Joy was getting bored as a night shift nurse. Kahit na ang ospital pang pin...