Chapter 10

9K 261 4
                                    

AGAD siyang naghilamos at nagsuot ng jacket. Ang lamig lamig pa naman sa labas ng ganito ang oras. Kainis talaga yung lalaking yun. Kung hindi ko lang siya mahal.. HMP!

Dahan dahan siyang pumasok sa bahay nito at ini-lock ang pinto. Natagpuan niya ito sa kwarto nito at nakatulala sa labas ng bintana nito habang nakaupo sa kama.

Tinapik niya ito sa balikat. "Lock the door next time. Kahit na safe ang lugar rito hindi pa rin natin alam kung sino ang pwedeng makapasok."

Nginitian lang siya nito. "Opo, inay."

She glared at him. "Seriously, Brett? At three in the morning? Kwentuhan?" umupo siya sa tabi nito.

"Sorry." yumuko ito.

She sighed. "Hindi ako galit sa'yo, okay? Wala yun. Char char lang." siniko niya ito.

Tumango ito. "Did my father said anything to you?"

Tumingin siya sa labas ng bintana. "Yeah. He misses you a lot. He misses your smile the most."

She heard him chuckle. "Pacute talaga si Papa. Siguro nakikita ka niyang ideal na maging babaeng anak niya. Hindi na kasi nagkachance na magkaanak uli sila ni Mama pagkatapos kong ipanganak."

"Sabi nga ni Mr. Arana."

"Ano pa?"

"He was happy that you were born. You were the greatest gift God has given him. As a kid you were very bright and cheerful. You like colorful things. He also said that you were a very good man. Independent ka raw. At fifteen kinaya mo ang lahat. He's obviously proud of you, Brett."

He smiled. "My dad. He loves me a lot. Dapat hindi ko tatanggapin ang kumpanya pero idinahilan niya na tumatanda na siya. That old man tricked me. Sabi pa nga niya kapag hindi ko raw tinanggap ay ibebenta niya ang kumpanya. I won't let that happen. Pinaghirapan niya iyon kaya gagawin ko ang lahat para mapaunlad pa lalo ang pinaghirapan ng ama ko."

She smiled. "You're lucky to have your father. He adores you."

"Hindi niya pinapakita iyon pero I can feel it." he stared at her. "Ikaw?"

"Anong ako?" kunot noong tanong niya rito.

"How was your family like?"

"My family? Mom was a very beautiful and kind woman. She sacrificed her own life for me. Ako raw ang piliin sabi ni Mama kay Papa. She never even got the chance to hold me in her arms. She died after giving birth. Just like that. He told my dad na alagaan akong mabuti at mahalin ako. My dad said that mom was smiling when she died." she sighed. "Si Papa.. ayaw niyang isisi ko sa sarili ko ang pagkamatay ni Mama.. kahit alam kong nasasaktan siya.. wala akong magawa. Kahit na umiinom siya umaga hanggang gabi.. hindi niya ako pinabayaan. Siguro yun ang way niya para mabawasan kahit kaunti ang nararamdaman niyang sakit. He always tells me that I look like my mom a lot. Alam kong nasasaktan rin siya tuwing nakikita niya ako.. but I can't do anything about it. Ni hindi ko siya malapitan para kausapin." she held back the tears and closed her eyes tightly. "Papaiyakin mo lang pala ako. Tsk. Sana nainform mo ako para nagsulat na lang ako kay Charo." biro niya rito habang pinipigilan ang pagluha niya.

Nagulat siya nang yakapin siya nito at ibalot siya sa mga mainit na bisig nito. "Tsansing ka." tudyo niya rito pagkatapos hampasin ito sa braso.

"You can cry all you want. I'll be here for you, Sarah." masuyong wika nito habang hinahaplos ang likod niya.

Hindi na niya napigilan ang mga luha niya na maglandas sa pisngi niya. "I miss them so much, Brett. I miss them so so much. Kung pwede ko lang ibalik ang panahon na buhay pa ang Papa ko, gagawin ko.. pipigilan ko siyang uminom para hindi na siya nagkasakit at namatay ng maaga. Kasalanan ko ang lahat!" she can't help but cry harder nang higpitan pa ni Brett lalo ang yakap sa kanya.

Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon