Chapter 2

11.2K 250 5
                                    

"Sarah, ipinapatawag ka ni Mr. Fidel. Ano nanaman bang kalokohan ang ginawa mo?!" pinandilatan siya ni Miss Minchin aka ang head surgical nurse nila.

"Wala naman po, ma'am. Baka po may sasabihin lang." wika niya rito habang nag-aayos ng gamit sa ibabaw ng desk niya.

"Eh ano naman ang sasabihin sa'yo ng boss natin, aber?" nakapamaywang na tanong nito.

She shrugged. "Magra-rounds na rin po ako pagkatapos namin mag-usap ni Mr. Fidel."

"Dapat lang!" taas noong lumabas na ito ng nurse quarter.

Napabuntung-hininga siya. Marami pa siyang dapat linawin kay Dion tungkol sa magiging sideline niya.

Agad siyang nagpalit ng scrub suit at isinabit ang stethoscope na leeg niya. Palabas na siya nang papasok naman si Jasper.

"Oh? Saan ka pupunta?" nakangiting inabutan siya nito ng ensaymada. Ibinulsa niya iyon.

"Diyan lang sa tabi tabi tapos magra-rounds na rin ako." dinampot niya ang tablet niya. "Mauna na ako ah. Salamuch sa tapay!" nakangiting lumabas siya ng nurse quarters.

Nagulat siya nang may mabangga siyang lalaking nakamahabang black coat at naka-shades. Hula niya ay nasa lampas anim na talampakan ang tangkad nito. Tinitigan siya nito. "I'm sorry, miss. I didn't see you."

"No, it's okay sir. Try niyo pong tanggalin ang sunglasses niyo po baka po makakita na kayo ng maayos." nakangiting suhestiyon niya rito.

He removed his sunglasses and smiled at her. "Thanks."

Ay! Wagi! Pangrampa naman pala ang lolo! Siguro nasa early thirties na rin ang lalaki. Gwapong gwapo ito at napakaganda rin ng ngiti. "Sige, sir. Mauna na ho ako." agad siyang sumakay ng elevator. Nagulat siya nang sumakay rin ito sa loob. Pinindot niya na ang 31st floor. Tumingin ito sa kanya.

"We're going on the same floor." ngumisi ito. Inilahad nito ang palad sa kanya. "By the way, I'm Fabio."

Tinanggap niya ang palad nito. "Nice to meet you po, Mr. Fabio."

"Fabio na lang.. uhm?"

"Ah! Sarah Joy po! Sarah na lang po for short." nakangiting pinisil niya ang palad nito at agad ding ibinawi iyon.

"May I ask why are you going at Dion's office? I mean If you don't mind."

"Sa totoo lang ho hindi ko rin ho alam eh. Bigla na lang ho akong ipinatawag." tiningnan niya kung nasaang floor na sila.

"Wag kang mag-alala. Hindi nangangagat iyon si Dion."

Natawa siya. "Alam ko ho iyon."

"Wag ka na ngang mag-ho diyan. Ramdam ko tuloy na kasingtanda ko na ang ninuno ng ninuno ko."

Napangiti siya. "Sige na nga. Nasanay na kasi ako eh."

Tumunog ang elevator na hudyat na nandoon na sila sa 31st floor. "Ladies first." nakangiting alalay sa kanya palabas ng elevator.

May mga buhay pa pala na mga gentleman.. akala ko 6 feet under the ground na. Hahaha. "Thank you."

Pagpasok sa opisina ni Dion ay nakatunghay ito sa labas ng floor to ceiling na window nito. Bakit kaya lahat ng nag-iisip nakatunganga sa labas ng bintana? Hmmm..

Fabio cleared his throat. Agad naman na inikot nito ang swivel chair nito at humarap sa kanila. "Ah! Sarah. I'd like you to meet--"

"We already met, Di." nakangising pagputol nito sa sasabihin ni Dion.

Iiling iling na ngumisi si Dion. "Wala ka pa ring kupas, Martin."

"Martin? I thought.." naguguluhang tumingin siya kay Fabio.

Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon