Chapter 4

9.4K 254 4
                                    

Mahigit isang linggo na ring inaalagaan ni Sarah Joy si Brett. Ito na rin ang nagsisilbing taga-pakinig sa lahat ng hinaing niya. Well.. it's not like he has a choice. Kung anu-ano lang naman ang ikinukwento niya rito. Tungkol sa mga librong nababasa niya, tungkol sa mga nangyayari sa ospital, tungkol sa mga pasyente niya at kung anu-ano pang kabalastugan sa buhay niya. Siguro paggising nito ay babatukan siya nito.

"Ay! Alam mo ba Sir Brett! Niyaya akong makipag-date ni Jasper! Nakuu! Akala ko talaga kaibigan lang ang tingin sa akin ng ugok na yun." in-adjust niya ang IV nito. "Out of the blue ba naman akong tinanong kung pwede daw akong makipag-date sa kanya? Jusme! Buti na lang walang ibang nakarinig."

"Jasper? Yung intern na doktor?" tanong sa kanya ni Dion na kakarating lang.

Namula ang mukha niya. "Opo, sir. Kanina pa ho kayo diyan?"

Ngumiti ito at tumango. "He's not that bad. Why won't you date him?"

Napabuntung-hininga siya. "Kasi naman.. kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Naging close ko kasi siya kakapasok ko pa lang sa ospital. He's been the best guy friend of mine. Na-shock lang talaga ako kanina. Parang kuya ko na yun eh." napakamot siya sa batok niya.

Natawa si Dion. "Edi sabihin mo yun sa kanya." ginulo nito ang buhok ni Brett.

"Nasabi ko na po kanina.. pero hindi raw po siya susuko hangga't wala pa po akong boyfriend."

Saglit na nag-isip ito. "Edi sabihin mo meron na."

Napakunot-noo siya. "Eh ang pagkakaalam po talaga niya ay wala pa ho. Kung sasabihin ko naman po yun.. sasabihin niya na ipakilala ko sa kanya."

"Mahirap nga yan. Makipag-date ka."

"Ayoko po siyang paasahin.." nakayukong saad niya.

"Hindi mo naman siya papaasahin. Tell him all the things you want to tell him. It's not that hard." he patted her hair lightly. "Don't overthink things. Sige na matulog ka na muna. Ako nang bahala rito kay Boy Coma." nakangiting pinisil nito ang pisngi ni Brett.

Natawa siya. "O sige po. Pakigising na lang po ako kapag aalis na kayo." tumango ito at umupo sa couch.

MAHINANG yugyog sa balikat niya ang gumising sa kanya. Gumulong gulong muna siya sa kama niya at humikab.

"Gising na, sleepy head. I have to tell you something." narinig niyang wika ni Dion.

Dahan dahan siyang bumangon at pilit na binuksan niya ang mga mata niya. "Po?"

"I have to go to a conference at Macau. I'll be there for two days. Kaya mo bang alagaan si Brett?"

Inaantok na tumango siya. "Kaya ko po yun."

Napangiti ito. "Thank you. I already filed you a 3 days leave."

"Three days po?" nakakunot-noong tanong niya.

"The last day will be your day off pagkarating ko." ginulo nito ang buhok niya.

Tumango siya at naghikab uli. "Paalis na po ba kayo ngayon?"

"Mamayang gabi pa. Sige na. Matulog ka na uli. Pupunasan ko lang si Brett."

Tumango siya at humilata uli sa kama niya. Ilang sandali pa ay hinila uli siya ng antok.

"AY! Brett! Tinext nanaman ako ni Jasper! Ano nang gagawin ko?" di mapakaling sambit ni Sarah habang minamasahe niya ang mga braso ni Brett. "Siguro nga susundin ko na lang si Dion. Makikipag-date na lang ako!" natigilan siya nang maramdaman niyang gumalaw ang braso nito. Baka imagination ko lang.. "Kawawa din naman kasi siya. Halos dalawang taon na rin yun na siya ang nag-aalaga sa akin. Nagre-remind sa akin na kumain na ako.. magpahinga ako.. gumigising sa akin. Sobrang bait kasi niya. Ano nang gagawin koooo?" napayukyok siya sa kama nito. Tiningnan niya ang oras. Alas siyete na ng gabi. Malamang nasa airport na si Dion.

Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon