"WHO?" tanong ni Brett kay Dion.
Dion sighed and nodded. "Yes, Brett. Totoo ang sinasabi ko."
Umiling siya. "No. That's crazy, Di."
Sumeryoso ito. "I am just voicing out my opinions, Brett. Pero sa tingin ko tama ako sa hula ko."
Napabuntung-hininga siya. "Hintayin na lang muna natin ang results ng investigation. Atsaka kung tama man ang hula mo, Di.. kailangan pa rin natin ng ebidensiya."
Tahimik na tumango lang ito at lumabas na ng kwarto niya. Napapikit siya at napasandal sa headboard ng kama niya. Though ayaw ko mang aminin.. alam kong hindi malayong mangyari ang sinasabi ni Dion.. hindi ko lang alam kung bakit niya gagawin iyon.. Mahal na mahal niya ako.
Nagulat siya nang may biglang yumakap sa kanya ng mahigpit at hinalikan siya sa mga labi. "Brett ko." bulong nito sa kanya.
Agad niyang binuksan ang kanyang mga mata. He caressed her face gently. "Hi." he smiled sweetly.
She pouted. "Walang kiss? Hi lang?"
He chuckled. "Siyempre meron. Ikaw pa ba? Saan mo gusto?"
Ngumuso ito at nagtaas baba ang kilay nito. He smiled widely and kissed her fully on the lips. "Hay.. ang swerte ko talaga sa'yo." hindi mapigilang pinanggigilan niya ang pisngi nito.
"Ouch! Ikaw, maswerte sa akin? It's the other way around kaya." nahiga ito sa tabi niya at pinakinggan ang pagpintig ng puso niya.
"Bakit naman other way around?" tanong niya rito habang hinahaplos ang buhok nito.
"Hmmm. There's a lot of reasons.. Number one.. kasi gwapo ka. Seryoso ako dun. Akala ko tiyanak na lang ang papatol sa beauty kong ito. Number two, lagi mo akong pinapakinggan. It's not like you have a choice nung comatose ka. Hehe. Number three, you're always there for me. Number four.. Hmmm.. mabait ka. At number five.. I like the taste of your lips. Lasang Chuckie." she giggled.
Nakangiting pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "Ikaw talaga, Sarah! Pacute ka. Unang una ako ang maswerte dahil dumating ka sa buhay ko. Inalagaan mo ako nung maratay ako rito--"
She rolled her eyes. "Trabaho ko ho iyon--" he kissed her on the lips para putulin ang pagi-interrupt nito sa sinasabi niya. Agad naman na namula ito at nanahimik.
He chuckled. "Let me finish first, young woman." he kissed her forehead. "Alam kong trabaho mo na alagaan mo ako.." he held her hand and kissed it. "..pero ang trabaho mo lang ay alagaan ko. Yun lang. Hindi kasama doon na arugain mo ako na parang matagal mo na akong kilala. The way you handle me.. whether feeding me or injecting meds on my IV.. it's so gentle that it warms my heart. The way you speak to me na parang matalik mo akong kaibigan. The way you sing a soft lullaby before going to sleep. The way you read stories out loud to me kapag nagbabasa ka ng mga romance novels.. kapag kinikilig ka may kasama pang hampas sa binti ko. The way you encourage me na gumising na araw-araw kasi alam mong nasasaktan na ang pamilya ko. The way you.. touch me.. The way you care for me.. The way you show yourself to me.. Yung ipinapakita mo ang totoong ikaw. That's a lot for me. Hindi mo lang alam kung ilang beses na akong muntik nang sumuko.. kasi nahihirapan na ako.. but everytime I hear your hopeful and lively voice.. I decided to hold on longer and tighter. I decided to live again. Kasi gusto kitang makita. Gusto kitang makasama. Gusto kong ikukwento mo sa akin lahat ng nangyayari sa'yo. Daig mo pa kasi ang walking telenovela eh. Ang daming interesting na nangyayari sa'yo araw-araw. Never akong nabored habang kinakausap mo ako. Lahat ng sinasabi mo natatandaan ko. Simula nung unang araw na nagwapuhan ka sa akin.. hanggang sa.. hanggang sa inamin mong.." he cleared his throat. Fine. Not now. Maybe next time. Kapag maayos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)
Romance"Hindi ko na kailangan pang makita ka para masabi kong maganda ka. Dahil sa boses mo pa lang alam kong mabuti kang tao. Dahil sa boses mo.. unang nahulog ang puso ko." Sarah Joy was getting bored as a night shift nurse. Kahit na ang ospital pang pin...