Twenty Three

194 6 0
                                    


"Welcome back po Sir King, Ma'am. Hello po. Tuloy po kayo" sinalubong kami ng dalawang di kantadaang babae at lalaki. Nandito kami sa hacienda nina Sir Lucas sa Ilocos Norte.

After what happened to me, they decided to send us here para sa bagong environment na titirahan namin. Napakaswerte ko at hindi ako hinusgahan ni King at ng pamilya noiya. Naintindihan din ni Lola ang nangyari.

"Masyado kang naculture shock sa Maynila. Dito, tahimik, province vibes at mababait ang mga tao. By the way eto sina Manong Boyet at Manang Vicky, sila ang katiwala namin dito sa hacienda. Ahm si Kiwi po, baby ko." Ngumiti ako sa kanila at binigyan din nila ako ng matamis na ngiti.

"Come, don sa taas yung kwarto mo." King grabbed my hand at umakyat kami sa napakahabang hagdan. Akala ko ay napakalaki na ng bahay nila sa Maynila. Di hamak na mas malaki pala itong hacienda nila.

Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto.

"This will be your room baby" napawow ako. Ang laki nito. Pinagmasdan ko ang buong silid. Napakaaliwalas at may sarili pa itong banyo. Mas malaki pa ito sa bahay namin sa probinsya.

"You like it? Pag naiinitan ka, you can use the aircon"

"Ah no need. Teka san ka magstay?" ngumisi siya

"You want me to stay here too? Ikaw talaga hinahanap hanap mo na presensya ko" sinamaan ko siya ng tingin

"Baliw. San ba room mo kasi?" tumawa siya

"Kidding. Dito to sa tabi ng room mo." Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa kwarto niya. Napawow din ako sa laki non. Napatingin ako sa malaking protrait sa may pader sa harap ng kama niya. Picture nilang mag-anak kasama ang mama niya. Napangiti ako.

"If only Mom's alive, she'll be proud that I am taking good care of an angel." nilingon ko siya. Nakatingala din siya sa portrait.

"Mom, meet the girl that I like, si Kiwi" hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Bigla lumakas ang tibok ng dibdib ko. Totoo ba ang pinapakita ni King? Lalong lumala ang trust issues ko after the scandal.

"Let's have a snack? Marami silang hinandang food." Ngumiti si King sa akin pero nakita ko na naman ang lungkot sa kanyang mga mata. Naalala ko ang kwento ng tatay niya sa akin. Namatay ang nanay ni King sa aksidente habang hinahatid niya ito sa school. Clingy si King at dahil sa paghalik niya sa mama niya ay naaksidente sila. Mula noon ay sinisi na ni King ang sarili niya.

I touched her chest with my right hand.

"I'm sure proud si Mama mo dahil unti-unti ng bumabalik yung anak nyang mapagmahal." sambit ko. Nakita ko namang tumulo ang luha niya. Niyakap niya ko.

"And you are the reason behind all of this. Please don;t leave me, Kiwi. Please no."


***

"Naku hija, ngayon lang ulit nakihalubilo tong si Arking sa amin. Tuwing uuwi yan dito ay laging may salampak sa tenga tas dotdot ng dotdot sa silpon" tatawa tawang biro ni Manang Vicky

"Totoo yun neng Kiwi. Nagulat nga kami at nakangiti kaming sinalubong. Ay halatang talagang inlove itong aming Arking" pagsangayon naman ni Mang Boyet.

Nandito kami sa likod ng bahay nila, sa ilalim ng puno at nagbuboodle fight. Ang sasarap ng mga pahkain lalo na ang sikat na Ilocos longganisa. Kasama namin ang iba pang mga trabahador

"Kayo ha. Binubuking niyo naman ako. People change guys. I'm sure ganyan ka din  nung nainlove ka kay Manang Vicky, Manong Boyet." biro ni King

"Naku sir. Sorry pero si Vicky tong baliw na baliw sakin. Siya tong habol ng habol. Ang kulit kaya sinagot ko na/"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY POSSESSIVE KING (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon