Two

9.6K 125 5
                                    


"I can't believe you Arking! Halos mabalian mo ng buto si Kiwi pero wala lang yun sayo? Anong klaseng utak meron ka!" galit na bulyaw ni Sir Lucas

"Di ko kasalanan kung tatanga tanga siya."

"You intentionally did that para masaktan si Ate Kiwi." maging si Quinn ay galit din.

Nakapwesto sa tabi ko si Lola at dinadampian ng cold compress ang leeg ko. Di ko maigalaw iyon dahil sa sakit.

"Okay lang po ako. Wag na po kayo mag-alala!" sabat ko sa kanila. Tumataas amg tensyon at dama kong mas nanlilisik ang mata sakin ni King.

"Hindi okay yan Kiwi. Kung ako nga lang sayo eh pinabaranggay ko na yang gagong yan." Napapikit ako. Bakit naiipit ako sa sitwasyon na ito?

"Pssh. Pavictim." mahinang bulong ni King pero rinig na rinig ko. Halos maluha na ko. Di ko alam bakit pati sakin ay may galit siya? Ako na nga ginanito niya. Hays hustisya.

"Okay na po ako."ngumiti ako. Tumayo ako at pumasok na sa aking kwarto

***

"Sir, excuse me po." Nadatnan ko si Sir Lucas sa living room habang nagcocoffee at nanonood ng football.

"Yes Kiwi?" 1AM na at di ako makatulog. Sakto namang nadatnan ko si Sir sa sala. Oras na siguro para kausapin siya.

"Sir pwede ko po ba kayo makausap?" medyo nag-alala ang mukha niya.

"Maupo ka hija." agad akong umupo sa couch beside him.

"Sir, nagpapasalamat po ako na binigyan niyo ko ng chance na makapagaral ng college. Bilang ulila, hindi ko po talaga alam kung kaya kong magtapos ng pagaaral kaya nga po nung binanggit ni Lola na tutulungan niyo po kami, napakasaya ko." he smiled.

"Go ahead." I know he has idea kung saan papunta ito.

"Sir, pangarap ko po maging isang magaling na Engineer. Kaya nga po talagang napakaswerte ko na kayo ang amo ng Lola ko."

"I don't consider myself as amo ni Manang Lita. Para ko na siyabg tunay na ina dahil sa pagaalaga niya sakin since 3 yrs old ako." napangiti siya

"Napakalaki ng utang na loob ko kay Manang. Kaya di ako nagdalawang isip na tulungan ka. Tandang tanda ko kung gaano siya kaproud sayo nung nagtapos ka ng junior at senior highschool."

"Salamat din Sir sa pagmamahak niyo kay Lola pero po...." lumunok ako

"Hindi ko po kaya ang ugali ng anak niyo. Kabaliktaran po siya ni Quinn at lalo na po ninyo. Hindi ko alam sir pero awang awa po ako sa sarili ko sa pangmamaliit niya sakin. Napagusapan po namin ni lola na uuwi nalang ako sa probinsya. Di na po ako magaaral ng kolehiyo. Magtatrabaho nalang po ako para makatulong ako kina tita" namuo ang luha sa mga mata ko.

"I know. Maging ako ay nagulat na naging ganyan siya. Hindi ko alam san ako nagkulang." ginusot ni Sir ang mukha niya.

"He was 7 when he was involved in a car accident. Naging traumatic ang experience na yun."

"May psychological effect po sa kanya iyon?"

"Yes. Namatay ang nanay nila sa aksidente na yun." nanlaki ang mata ko.

"Hija, buong buhay ni King paglaki ay sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ng Mommy nila. Ihahatid siya ng mommy niya sa school that time. Nasa conference ako sa Cebu during that time. Before, King was a sweet and clingy boy. Bago mangyari ang aksidente, he was kissing his mom sa mukha. Na-out of control ang sasakyan at bumangga sila sa poste. Dead on the spot ang asawa ko. Si King ang nakaligtas." medyo nalungkot ako. Yun ata ang dahilan bakit siya cold. Bakit parang galit siya sa mundo.

MY POSSESSIVE KING (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon