Five

6.8K 121 7
                                    


Kiwi's POV

"Ouch" mahinang daing ko when I felt na medyo napadiin ang pagdampi ng cold compress sa braso ko. Bakas parin dun ang mahigpit na pagkakapisil ng kamay ng manyak na mamang yun. Bigla kong naipikit ang mga mata ko. Kung hindi dumating si King ay baka kung saan na lang ako pulutin.

Umiling ako. Kung hindi din dahil sa kanya ay di rin mangyayari yon. Bumalik ang inis sa katawan ko.

"Ang arte. Kung di ka tatanga tanga edi sana di ka magkakaganyan." Nakatingin ako sa ibang direction pero kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkakakunot ng noo niya.

Di ako umimik. Alam kong ilabg masasakit na salita na naman ang matitikman ko mula sa bwiset na to.

"Alam mong inutil ka, lalabas ka mag-isa." di parin ako umimik

Hinablot ko sa kamay niya ang cold compress at ako ang nagdampi sa braso ko.

Gusto kong maluha. Do I deserve this? Gusto ko lang naman ay makapagtapos ng pag-aaral, buuin ang pangarap ko dito sa Maynila pero bakit mula ng pumasok ako sa buhay ng lalaking to ay katakot takot na kamalasan ang naranasan ko.

Tumayo siya at padabog na isinara ang pinto. Napasulyap ako sa kama niya kung saan ako nakaupo ngayon. Dito niya ko dinala mula sa labas. Pinagmasdan ko ang kwarto niya. Napakakalat. Mula ng tumira kami dito ay ngayon lang ako nakapasok dito.

Napasulyap ako sa nakita ko sa sahig. Napalunok ako. May ilang piraso ng plastic na may lamang maputi at mukhang malagkit na bagay. Napairap ako. Oo probinsyana ako pero hindi ako inutil. Alam kong mga gamit na condom iyon.

Matapos ang ilang minuto ay muli siyang pumasok.

"Hey stupid let's eat." di ko siya pinansin. Inis na inis parin ako sa pagmumukha niya.

"I said let's eat!" medyo naging maotoridad ang boses niya. Kinakabahan na ko pero di ko parin siya pinansin. Tuloy lang ang pagdampi ko ng  cold compress sa braso ko.

"The fuck!" nagulantang ako ng hablutin niya ang bagay na iyon sa kamay ko at inihagis palayo.

"Kakain na sabi!" then he carried me. Napatili ako!

Sa laki ng katawan niya ay kayang kaya niya ko. Ano bang laban ng 5 flat na petite na tulad ko sa katawan ng bwisit na to.

"Ibaba mo ko!" di siya umimik. Bwiset talaga.

"Aray ko!" napahawak ako sa likod ko ng ibagsak niya ko sa upuan sa dining area.

"Now eat!" umirap ako at tumingin sa pagkain sa lamesa. Gusto kong matawa pero pinigilan ko.

"I can't cook so I just tried frying those." Sunog na hotdogs.

"Fry ba yan o inihaw?" di ko napigilang barahin siya. Napansin kong namula siya. Pahiya ata.

"Kakainin mo ba yan o hindi?" inirapan ko siya. Ayokong magtiwala sa mga konting kabutihang ginagawa niya. Baka paraan yan para kunin niya ang loob ko para itolerate ko siya sa mga katarantaduhan niya.

"Ayoko. Lasunin mo pa ko." tumayo ako. Bastusan na kung bastusan. Siya ang naunang maging ganyan.

Napatingin ako sa paligid, malinis na. Yung mga pinaginuman nila ng barkada niya ay nakalikom na.

Kumuha ako ng damit sa bagahe ko para magbihis. Hanggang ngayon ay suot ko parin ang uniporme ko. May pasok nga pala kami mamaya. Alas singko na.

Papasok na ko sa banyo ng muli siyang magsalita.

"Use my room." Tinitigan ko siya ng masama. No way.

Inirapan ko siya at pumasok ako sa banyo. No no no way! Alam ko na yang mga plano mong yan King!

MY POSSESSIVE KING (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon