Seventeen

137 3 0
                                    


"Breakfast is ready" napahawak ako sa ulo ko. Wait? Nasa Batangas parin kami? Nilingon ko si King at may nakahandang food sa table.

"I can't cook so I ordered breakfast" napakamot siya sa ulo niya. Napahawak ako sa ulo ko, makirot yon. What happened last night. At teka? Ang natatandaan ko nakilala ko si Jolo and his friends. Nagiinuman kami so panong nasa kwarto na ko. Umupo ako at ginrab amng bottled water na nasa side table. Para kong uhaw na uhaw.

"Anong nangyari?" confused na tanong ko. Naging blangko naman ang ekspresyon ni King.

"Nilasing ka lang naman ng mga tarantado. Kiwi, di mo ba naiintindihan na babae ka, nasa resort tayo na iba't ibang lalaki at tao makakasalamuha mo. Di ko nilalahat pero marami dyan ang may masamang intention satin. Ganyan pa suot mo!" sermon ni King. Napatingin ako sa katawan ko. Shit. Lumabas ako ng ito lang red onepiece na to ang suot ko? Hibang ka na ba Kiwi?

Pero teka. Lumabas ako dahil sa isang rason.

***Flashback***

"Bwisit kang King ka!Sinasabi mong gusto mo ko pero nakikipagandian ka sa Clarence na yun!" inis na bulong ko

Saan ba ko pupunta nito? Nilingon lingon ko ang paligid, maglalangoy ba ko? Mataas pa ang araw! Baka masunog naman ako nito.

"I thought you're gonna rest? Asan si King?" napalingon ako sa pamilyar na boses. Sa dami dami namang makakasalubong bat tong Clarence na to pa!

"Oh hi?" sarcastic na bati ko. She smiled fakely

"Magsuswimming ako! Naiinitan ako eh" 

"At this time? The sun's like fire. Are you crazy?" tatawang tawang sabi niya. Aba! 

"Oo naman! Tamang tama wala akong kasama! Tara girl!" agad ko siyang hinila palapit sa tubig

"Wait no! I have meetings to do in 2 days and I don't wanna get burnt!" nagpupumiglas siya pero mahigpit ang hawak ko

"Meeting meeting! Hindiiii! Sumama ka sakin maglalangoy tayo!" 

"No please! I don't have my sunblock on, you bitch!" 

Nang makarating kami sa tubig ay agad ko siyang tinulak sa dagat.

"Oh noooo! I'm not even wearing my swimwear, you crazy bitch!" tinawanan ko siya ng malakas after seeing her na basang basa

Hinila naman niya ko sa buhok kaya napahiga din ako sa tubig

"Ouch! Get your hands off me!" sigaw niya after ko siya upuan sa tiyan at sinabunutan. Halos malunok na niya ang buong dagat kakangiwi

"Dapat lang yan sayo! Malandi ka!" Inis na sabi ko

"I hate you! You are such a crazy idiot!" sigaw niya.

Nagkalas naman ang sabunutan namin when someone grabs my waist

"Woah girls! Tama na! Tama na!" awat samin ng ilang lalaki

Tumayo si Clarence with a red face at bruhang buhok. Nagsmirk ako sa kanya. Nagpakilala lang naman ako sa kanya. Hinaharot mo si King ah? Bigla naman akong natauhan when I realized kung anong ginawa ko. Shit! Nanabunot ba ko ng babae dahil sa King na yun? No way!

"Di pa tayo tapos!" dinuro niya ko sabay walk out

Pinagpag ko naman ang sarili ko na punong puno ng buhangin.

"You okay Miss?" tanong ng lalaking umawat samin

"Ah oo. Di naman yun away. Normal saming friends yun hehe" palusot ko

"Jolo nga pala, mga barkada ko-sina Dwight, Mavs, Gino, Ivan at Leo" ngumiti ako sa kanila

"Ah sige, balik na muna ko sa room ko." aalis na sana ko when they blocked my way

MY POSSESSIVE KING (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon