Twenty

121 1 0
                                    


"As a student of this university, you must be decent and responsible with everything that you do. Isang kahihiyan ang pinagagawa mo Kiwi. Kahit stakeholder si Mr. Montecarlos sa paaralan na ito ay hindi namin kayang itolerate ang scandal na ginawa mo. Kindly come back tomorrow with your parents..." paliwanag ni Ma'am Francisco, ang aming prefect of Discipline

"W-wala na po akong parents Ma'am. And please listen to me po" pakiusap ko

"Wala po kong maalala sa mga pangyayari ng gabing yon Ma'am. Hindi ko rin po alam na may masamang balak po ang lalaking yan. Nagblack out po during our conversation. i guess he put something sa drink ko. Ma'am please, help me po. Hindi ko po ito ginusto at hindi ko rin po gustong mawalan ng scholarship. Lola ko lang po ang kasama ko sa buhay and wala na pong ibang opportunity para makatapos ako ng pag-aaral kundi ang offer nina Mr. Montecarlos. Ma'am hindi po ako pwedeng makick out. Marami po akong pangarap. Tulungan niyo po ako mahanap yang lalaking yan. Gusto ko po magfile ng legal case." una-unahang tumulo ang aking mga luha sa mga mata. Paano ko sasabihin kay Lola? Hindi ko kaya...

"For now Kiwi umuwi ka na muna. Bumalik ka bukas with your lola. Ako narin ang tatawga kay Mr. Montecar-'

"Ma'am give me 1 week po para isolve tong problema ko. Papatunayan ko po sa inyo na marangal akong babawe art di ako tulad ng ibang babaeng nasa isip niyo. Please Ma'am, 1 week. Just 1 week po." pakiusap ko habang hawak ang kamay niya

"The scandal has spread around. Other students and their parents will get mad pag nalaman nila na di ka napunish with your offense. Okay. I'll give you 1 week. Just avoid showing yourself here sa campus. Just 1 week Kiwi and after that, kapag wala kang nakuhang solution with this, pasensyahan na tayo."

"Thank you Ma'am. I'll do everything para malinis po ang pangalan ko."


***

"Hindi pumapasok si King?" pagaalalang tanong ko

"Hindi, 4 days na since the viral photos. I'm sure nakita na niya yun. Pero sana naman wag siya basta maniwala. Kung totoong gusto ka niya, dapat cinocomfort ka niya instead na pagdudahan ka."

"Iba ang way ni king magcope sa mga ganitong issue. I wanna call him pero natatakot ako Bea."

"Magiging okay din lahat, Kiwi okay? Come here" niyakap ako ni Bea at wala akong nagawa kundi umiyak na lang. 

"Thank you , Bea. Salamat" hagulgol ko





It's 11PM and lumabas ako mag-isa. On the way ako pabalik sa bar kung saan naganap yung trauma na nararanasan ko. Hindi ako nawawalan ng pag-sa na mahanap ang hayop na Gio na yun.

Pagdating ko sa bar ay nakatingin sakin ang lahat dahil narin sa suot ko. I am wearing Bea's jogging pants, hoodie at nakamask at shades ako. Nakacover ang pagkatao ko para walang makakilala sakin.

Pumasok ako sa loob at umikot ikot. Sinusubukan kong hanapin si Gio pero nakailang ikot na ko ay wala talaga. Sabagay, kung ako ang manyak ay di na ko babalik dito sa lugar na to dahil mahuhuli ko lang siya. Baka mapatay ko pa pag nagkataon pero syempre sarcasm lang yun.

Umupo ako sa gutter sa labas ng bar. Nakakasuffocate sa loob

Napaluha na naman ako matapos maisip ang mga mangyayari.

MAWAWALAN AKO NG SCHOLARSHIP

MADIDISAPPOINT KO SI LOLA

NAKAKAHIYA KAY QUINN AT SA PAPA NIYA

MY POSSESSIVE KING (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon