One

18.1K 162 7
                                    

Wala ng epilogue! Chapter one na agad 😂

***

Kiwi's POV

"Lika na apo. Nandun na ang mga anak ni Sir." Si Lola, isa siyang cook ng mga Montecarlos, sila ang may-ari ng MC Corp., isang malaking business sa buong Pilipinas.

Ako si Kiandra Wyneth Dagasdas, mas kilala ako bilang Kiwi. I am 18, years old. Matapos ang Senior High sa aming probinsya ay agad akong kinuha ni Lola dito sa Maynila. Inofferan siya si Sir Lucas na pag-aaralin ako. Gumraduate ako ng Senior High with High honors kaya nang malaman ng amo ni Lola, agad niya akong inofferan ng scholarship sa unibersidad kung saan stockholder ang kanilang pamilya. Bata pa lamang si Sir Lucas ay naandito na si lola kaya talaga namang close na close na sila.

"Opo, la." agad kong inayos ang buhok ko at lumakad papunta sa dining area. Kagabi lamang ako nakarating at si Sir Lucas lamang ang nakilala ko.

"Hey... Have a seat hija."

"Po?" Nagulat ako.

"Sabayan niyo kami ni Manang Lita sa breakfast." Tumingin muna ako kay lola saka umupo sa tabi ng isang babaeng napakakinis ng balat.

"Kiwi, eto ang mga anak ko." Tumingin ako at ngumiti.

"This is Quinn, my youngest." Lumingon sa akin ang magandang babae at ngumitin. Napanganga ako ng magningning ang mapuputi at kumpletong set niya ng ngipin.

"Hi." mahinang sabi niya then itinukloy ang pagkain.

Medyo nagigting ang panga ni Sir Lucas ng humarap sa isa pang tao sa hapagkainan. Napalingon ako sa lalaki sa kaliwa niya. Nakasuot ito ng earphones at nakahood pa sa harap ng pagkain.

"This is my eldest...King" lumingon ako sa kanya at ngumiti pero tuloy lang siya sa pagkain.

Nagusot ang mukha ni Sir Lucas at hinila ang nakasuksok sa tenga niya.

"Have some manners King!" marahang saway ni Sir Lucas. Napalunok ako.

"Damn!" tumayo si King at aktong tatalikuran niya ang kanyang ama.

"I don't know what's wrong with you! Wala kang karespe-respeto" Natigilan si Sir King at ibinaling ang tingin sa akin. Napayuko na lamang ako.

"Why do I have to say HI sa mga katulad niya? Katulong lang siya dito diba?" Malamig na banggit niya.

"Hindi siya basta katulong lang dito. Apo siya ni Manang Lita! Classmate mo siya at personal tutor mo rin!" namilog ang mata ko.

Sumama ang tingin sakin ni Sir King.

"Tutor? Anong alam ng probinsyanang tulad niyan!" Para kong nanliit sa kinauupuan ko.

"Don't you dare underestimate Kiwi, King. From now on, lahat ng kilos mo sa school ay malalaman ko na." Ngumisi si Sir Lucas. Uh-oh! Ano ba itong pinasok ko?

He walked out.

"Hindi ko na alam ang gagawin sa batang yan! Masyadong matigas ang ulo." Naikuyom ni Sir Lucas ang kamao niya.

"But I'm serious Kiwi. Nakikiusap akong tulungan mo ko sa pagdidisiplina sa batang iyan." Ako? Panong ako?

"S-sige po Sir."

"Pasensya ka na ah. By the way, I have to go. Manang pakiready na po nung packed meals ko." Agad tumayo si Lola. Naiwan kami ni Quinn sa dining table.

"Kuya really has to find someone na magpapatino sa kanya. Kung di lang kami stockholder sa mga schools na pinasukan niya, matagal na siyang kicked out. This time, bilang college baka lalo na siyang magrebelde." Mahinahong banggit ni Quinn. Ganun ba talaga kalala ang lalaking yun?

"So can I call you Ate Kiwi?" Ngumiti ako. Buti na lamang ay mabait ang tatay at kapatid niya. Bakit kaya ganun ang ugali niya?

"Sure."

"Welcome here. Wag kang mahihiya." nakaramdam ako ng comfort kay Quinn. Sana all pretty na, kind pa.

"Next week na yung start ng classes. Nakabili ka na ba ng school things mo?" bigla akong nahiya. Actually ay di pa ko nakakabili. Wala parin kasi akong pera. Bata pa lang ay ulila na ko sa magulang. Lumaki ako sa mga tita ko. At ngayon ay kay Lola naman. Wala akong inaasahang pagkukunan ng pera kaya napakswerte ko na may nagoffer sakin ng pagpapaaral sa college. Sobrang swerte ko.

"Ah. Ano k-kase..."

"Shopping tayo later?" Namula ang mukha ko. Wala akong pera to buy my things

"Don't worry about the expenses. Daddy gave me money para sa school supplies natin."  may kinuha siya saglit sa taas at agad din akong binalikan sa hapag kainan.

"Here." Iniabot siya sakin ang ilang lilibuhin. What?

"F-five thousand? Ang dami naman nito?" umiling ako at isinauli sa kanya ang pera.

"That's what Dad told me. Magagakit yun sakin pag di mo to tinanggap."

"Pero ang laking halaga po nito Ma'am Quinn"

"Just call me Quinn. Sige na. Take that. Let's take a bath na para makapunta na tayo sa mall." Tumayo siya at iniwan ako mag-isa.

Tinitigan ko ang pera at napalunok. Ang laking pera naman nito? Itinupi ko ang tatlong libo.

***

After ko maligo ay agad ako umakyat upang puntahan si Quinn. Kanina pa kasi nagpaandar ng kotse si Kuya Benjo.

Pag akyat ko ay agad kong nilingon ang malalaking frames na nakasabit sa dingding. Napatingin ako sa malaking larawan na nakasabit sa dulo ng corridor.

Si Sir Lucas, si Quinn na parang nasa 2-3 years old pa lamang, si King na nakangiti sa picture at isang napakagandang babae na may itim na itim na mata at makinis na balat. Ito siguro ang nanay nila. Napakaganda ng pamilyang ito. Maganda ang ngiti doon ni King. Sayang lamang at parang pinagsakluban siya ng langit at lupa ngayon.

Naglakad ako palapit sa mga pintuan ngunit mayroong anim na pinto. Saan kaya dito ang kwarto ni Quinn?

"Quinn?" mahinahong tawag ko.

Inilakad ko pa ng ilang hakbang ang mga paa ko.

"Quinn, ready na si Kuya Benjo..." ngunit walang nasagot.

"Qui- Ahhhhhhh!!!!" naipikit ko ang mata ko ng maramdaman kong unti-unting pabagsak ang katawan ko sa sahig.

Napahawak ako sa leeg ko ng maramdaman ko ang mahinang paglagutok noon.

"Aray ko!" paiyak na ko habang nakahawak sa leeg ko

"Ate Kiwi?" Alalang alalang nagtatakbo sakin si Quinn.

"What happened?"

Naramdaman ko ang madulas na likido sa aking katawan. Napalingon ako sa pigurang nakatayo sa unang pintuan. Masama ang tingin niya sa akin. Para niya aking kinukutya sa mga tingin niya. Umiwas ako ng tingin.

"Who put oil here?" panic si Quinn. Maging si Lola at si Kuya Benjo ay nagtatakbo palapit sa akin.

MY POSSESSIVE KING (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon