Kiwi's POV
"Lolaaaaaa" tatakbong sigaw ko ng makita siya.
Today is Sunday. Nandito kami sa mansion ng mga Montecarlos. Every sunday ay pinapayagan kaming umuwi dito. Para narin makabonding ko si Lola at Quinn. Naiwan ko si King na tulog sa kwarto niya sa condo. Ewan ko pero mula ng umamin siya sakin ay awkward na ang lahat. Di na ko makakilos ng normal sa harapan niya.
"Pasok apo. Tanghalian na." tuwang tuwa si Lola. Mula kasi ng sinira ni King ang phone ko ay di na ko nakatawag sa kanya.
"Ate Kiwi!" masayang bati ni Quinn. Sinalubong niya ko ng maganda niyang ngiti.
"Hi!" matipid na bati ko.
"Come. Samahan mo ko kumain." As usual ay magisa na naman siyang nakain. Nasa business meeting daw si Sir kaya solo lang si Quinn. Mayaman sila pero napakalungkot ng buhay nila.
"Kamusta ang school?" tanong niya. Napalalambing talaga ng batang to. Malayong malayo sa kuya niya. Bahagya akong napailing. Bakit ba si King na naman tong naiisip ko?
"Okay naman. Ang yaman ng mga studyante dun." ngumiti si Quinn.
"Sabi ni Kuya Kyle di ka na nasama sa kanya." nanlaki mata ko. Yes, mula kasi ng magiba ang utak ng King na yun ay di na makalapit si Kyle.
"Ha? Ah kase..."
"Lagi daw yung mga barkada ni Kuya ang kasama mo." natigilan ako.
"Oo. M-masyado kasing pasaway kuya mo kaya binabantayan ko mabuti." halos mautal ako sa pagdepensa.
"Girlfriend ka na ni Kuya, ate?" nakakunot ang noo niya, napapikit ako. Anong isasagot ko?
"H-ha?" umiling ako
"Yehey!" tumayo siya ay niyakap yakap ako.
"Ikaw lang gusto ko maging ate, wala ng iba! Wag mo na papakawalan si Kuya ha?" Whaaaat?
"Hindi Quinn. Teka" lalo niya hinigpitan ang yakap.
"Baka babalik na yung dating kuya King ko." natigilan ako.
"Wag mo siya sasaktan ate ha?" Teka lang ano bang nangyayari?
"Quinn, hindi ako-"
"Ngayon lang nagkaganyan ang kuya ko sa babae. Kinekwento sakin ni Kuya Kyle gano siya kasweet sayo. I never thought Kuya would be that tame pagdating sa babae." Pero di ako jowa ng mokong na yun.
"Quinn kase-"
"Daddy would be very happy." umiling ako
"No!" napasigaw ako. Natigilan siya.
"Quinn kasi, hindi naman ako-"
"Why didn't you wait for me?" nanlamig ang katawan ko when I heard a familiar voice.
"Kuya King!" ngumiti ng nakakaloko si Quinn. Omg.
"Ha?" ulit ko kahit narinig ko naman.
"Hindi mo ko inintay. I told you to wake me up diba?" napakamot ako sa ulo ko.
"Oooppps. Akyat lang po ako ah. Babush!" nagmadaling tumakbo si Quinn paakyat.
"Kiwi!" maotoridad na tawag niya. Nanlamig katawan ko. Sinilip ko ng bahagya ang mukha niya. Seryoso yun.
"Ayoko kasi maistorbo tulog mo."
"Sabi ko sayo wag ka basta aalis ng di ako kasama. Pano mo nalaman papunta dito?"