Kiwi's POV"Akin na yan." hinablot sakin ni King yung bagong phone. Itinapat nya ito sa mukha nya at maya maya ay may kinalikot.
"Better." Iniabot nya sakin at napalunok ako mg makita ang screen, ginawa niyang wallpaper ang picture nya.
"Wag mo aalisin yan kundi hahalikan ulit kita!" maauthority na sabi niya. Nanlaki ang mata ko.
"Bastos!" itinago ko sa bulsa iyon.
"Nandito na po tayo." banggit ni kuya Benjo. Nasa tapat na pala kami ng gate ng school. Di ko na napansin dahil buong biyahe ay ang clingy ng lalaking to.
Namula ang pisngi ko ng maramdaman ko ang kamay ni King sa kamay ko. Dahan dahan niya ko hinila pababa ng sasakyan. Habang naglalakad ay nakayuko lang ako. Napakaraming tao. Ayokong makita ang panghuhusga sa mga pagmumukha nila.
Napahawak ako sa noo ng mauntog ako sa likod ni King. Tumigil siya sa paglalakad. Hindi parin ako tumitingala. Ano bang katangahan ng lalaking to? Gusto ko na makapasok sa classroom. Kanina pa kong pigil na pigil sa paghinga.
Kita kong unti unting humarap si mokong sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Unti unti niyang iniangat ang ulo ko.
Matalim ang titig niya sa akin. May pagaaalala sa mukha.
Napapikit ako ng idampi niya an labi nya sa nga labi ko. Isang malakas na kalabog ang naramdaman ko sa dibdib ko.
What the heck?? Lalo ata akong ipapahamak ng mokong na to!
Narinig kong may mga napamurang tao sa paligid namin. Gusto ko ng lamunin ng lupa. Ngayon na.
Pagpasok namin ng classroom ay agad ko siyang kinurot sa tagiliran.
"Awww. What the fuck???" napangiwi niya. Sinamaan ko siya ng tingin!
"Anong ginagawa mo ha? Nasa eskwelahan tayo. Di mo ba naisip na pwede tayong masanction sa kalokohan mo?" Gigil na gigil ako.
"Why??? They don't care." umirap siya sabay hawi ng buhok.
"Porket malakas ang kapit mo sa school na to. Malakas na loob mo? Pano naman ako ha?"
"Nobody can hurt you. Hanggat gusto kita walang makakagalaw sayo." biglang namula yung pisngi ko. Bwisit na lalaking to. Masyadong sarili lang iniisip.
---------
"Di ko gets yung number 2" bulong ni King sakin. We are doing a seatwork in Differential Calculus.
"Hay nako. Subukan mo kasi. Mangongopya ka na naman eh" inis na sabi ko.
"Dali na. Ako na maghuhugas plato mamaya" Biglang nagningning mata ko.
"Talaga?" paninigurado ko
"Oo nga. Basta turuan mo-"
"Excuse me po Maam Silverio. Pinapatawag daw po sa Dean's office sina Mr. Montecarlos at Ms. Dagasdas. Thank you po"
Biglang nanlamig yung buong katawan ko. Sinamaan ko ng tingin si King. Bwisit kang lalaki ka.
--------
"Have a seat students" itinuro ni Maam Macalintal ang upuan sa harap niya.
Kabado akong umupo. Ramdam ko ang pamamawis ng aking kili-kili. Ang daming pumapasok sa isip ko. Pag ako naexpel, hindi ko mapapatawad ang lalakong to.
"So, I have heard the incident about the two of you this morning. Mr. Montecarlos and Ms. Dagasdas, don't you know that what you did was against the school protocol. That was obviously and act of Public Display of Affection."