"Don't tell me tinototoo mo na yang sa inyo ni Kiwi, King?"- WilferTiningnan ko siya ng blangko. Napansin naman niyang di ko nagustuhan yung sinabi niya kaya napazipper siya ng bunganga
"Are we paying 20K each na ba ha bro?" -Axel
"Teka, di pa tapos ang laban. Kayo na ba? Hindi pa naman diba? May pagasa pa ko sa 80k." Sabat ni Keith. Nagiinit ulo ko sa mga to pero tinatamad ako magsalita. I dont know what to say.
"Di pa tapos laban. May nangyari na ba sa inyo? Just take a video gagawin namin 50k ezch ang bet" hamon ni Keith. Nagigting ang mga panga ko.
"Just leave Kiwi alone" pagbabanta ko
Those are the only words came out of my mouth. Nakita ko namang nagsensyasan sila. Nandito kami ngayon sa bahay nina Axel. Madalas kami maghang out. Nagbibilliards sila habang nagshoshot ng brandy.
I checked the time, 5:30pm na.
I typed a message and sent it to the stupid girl.
Me: WYD?
Kiwi: Ano?
Natawa ako. This stupid probinsyana. Inutil talaga kahit kelan
Me: WHAT YOU DOIN? Stupid.
Kiwi: Secret. Kelangan ba kita iupdate?
Me: Are you not gonna tell me or magpapapunta ako ng pulis diyan telling na may nagshashabu sa unit natin? 😁
Kiwi: Walanghiya ka talaga! Nagluluto ako ng dinner natin!!!
Me: Sasabihin din pala. Dami pang arte.
Kiwi: Maya nalang busy ako.
I smiled then called her sa messenger. Nakakailang ring na pero di parin sumasagot
Me: Calling the police in 3....
Napasmirk ako when her picture flashed on my screen.
Kiwi Montecarlos is calling you...
Lumabas ako ng play area nina Axel. Napansin kong nakasunod ang tingin nila sakin
"Sabi ko sayo sumama ka nalang sakin eh"- I said
"Busy ako sa pagluluto istorbo ka" Umirap siya. She placed the phone sa side ng sink para makita ko ang ginagawa niya.
"Make sure masarap yan. Baka lasunin mo ko." I joked
"Edi wag ka kumain" she rolled her eyes again
"What do you want? Im gonna take out some dessert"
"Wala."
"Cookies and cream Ice cream?"
I noticed biglang nagliwanag ang mukha niya. Naexcite ata sa narinig. Tong probinsyana nga naman, masyadong mababaw
"H-Hindi wag na. Utang na loob ko pa sayo yun. Baka ako pa lasuni-"
She stopped when the doorbell rang.
"Wait"
Agad siyang naglakad papuntang front door. Mula sa pinapatungan ng phone ay kitang-kita ang view ng entrance door. I was waiting kung sino ang papasok.
Biglang nag-igting ang panga ko when a familiar figure went inside.
.
.
..
.
.
.