Chapter 1 : Unang araw

96 68 12
                                    


Nagising si Aekiesha dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa mga dahon ng matataas na punong nakapalibot sa kanila.

Bumangon ito at inilibot ang paningin sa paligid kung saan ay nakita niya ang isang paa ng tao kaya nilapitan niya ito at nakita ang kaniyang kaibigan.

Dahil sa labis na pag-aalala dahil sa nasaksihan bago sila mapadpad sa lugar na iyon ay agad itong tumakbo papalapit sa walang malay na kaibigan at sinuri ang ulo nitong tumama sa simento noong araw na nahulog ito sa hagdan.

"Aira!" Marahang pag-gising nito sa kaibigang wala paring malay. Nabawasan ang pag-aalalang nararamdaman ni Sham dahil sa kung anong dahilan ay nawala na ang sugat ng kaibigan at wala ring bakas ng dugo sa suot nito.

Marahang inimulat ni Aira ang kaniyang mata nang marinig ang kaniyang kaibigan sakabila ng pananakit ng kaniyang ulo.

"Sham? Nasaan tayo?" Tanong ni Aira nang makita ang paligid na puno ng matataas na puno. "I don't know. when I woke up we were already here." Sagot ni Sham habang marahang pinapatayo si Aira.

"Don't tell me dinala tayo ng multo dito?" Tanong ni Aira. "Hindi ko talaga alam Ai, pagkagising ko nandito na tayo." Malungkot na sagot ni Sham sa kaibigan.

"Halika, subukan nating maglakad-lakad baka makakita tayo ng daan pabalik sa school." Dagdag naman nito at saka tinulungang bumangon si Aira na sumasakit parin ang ulo.

Walang tigil silang naglakad ng halos dalawang oras nang mapagpasiyahang magpahinga muna dahil sa pananakit ng paa at pagod sa paglalakad. Sumandal sila sa ilalim ng isang malaking puno ng akasya upang magpahinga.

"Saan ba tayo napunta? Sa Amazon forest? Walang katapusang kagubatan 'to kanina pa tayo naglalakad eh pagod na pagod na'ko sumasakit pa ang katawan ko!" Pagrereklamo ni Aira habang nakaupo at nakasandal sa puno habang napahiga naman si Sham dahil sa sakit ng ulo at pagod.

"Ayos ka lang Sham?" Tanong nito sa kaibigan nang makitang nakahawak ito sa tiyan at namamawis.

"Sobrang...sakit.." tanging sagot ni Sham habang hawak-hawak ang tiyan na namimilipit sa sakit.

"Oh gosh!!! Hindi ka pa pala kumakain. Ang ulcer mo!!!" Natatarantang napatayo si Aira. "Maghahanap ako ng pagkain, namumutla ka na. Hintayin mo ako ah?" Hinubad ni Aira ang suot niyang jacket at pinatong ito sa katawan ng kaibigan maging ang bag nito ay ginawa niyang unan para sa kaibigan.

"Teka may pagkain ba sa bag mo?" Tanong nito, nagbabakasakaling may dalang kahit anong pagkain ang kaibigan. At tumango naman si Sham bilang tugon.

Agad na hinalungkat ni Aira ang bag ni Sham at nakita ang isang biscuit ng Rebisco at konting tubig.

"Ito muna ang kainin mo, may pagkain ka naman pala bakit hindi mo pa kinain kanina?!" Tinulungang niyang umupo ng maayos si Sham at binuksan ang Rebisco para mas madaling makain ng kaniyang kaibigan.

"Dito ka lang maghahanap ako ng pagkain o tulong, huwag kang aalis at maging alerto ka sa paligid." Paalala nito sa kaibigan at tinugunan naman siya ng tango.

Naglakad nang naglakad si Aira halos labing-limang minuto itong naglakad dahil ayaw niya namang malayo sa kaibigan.

"TULONG!!!! TULONG!!!! TULONG!!!" paulit-ulit na sigaw ni Aira, nagbabakasakaling may makarinig at sumaklolo sakanila.

"MAY TAO BA DIYAN??? TABI-TABI PO ULIT!!! KAILANGAN LANG TALAGA NG TULONGG!!!" sigaw nito.

Sa 'di kalayuan ay narinig ng hukbo ng mga guwardiya sibil na pinamumunuan ng isang binata ang sigaw ng isang babae.

"¿Mujer? ¿Cómo había una mujer en este lugar? (Babae? Paano magkaroon ng babae sa lugar na ito?)" Tanong ng binatang nakasakay sa puting kabayo.

"No lo sabemos, señor. (Hindi po namin alam señor)" sagot naman ng isang lalaki.

"Vayamos hacia él pero tengamos cuidado o los grupos rebeldes podrían hacerlo. (Puntahan natin siya ngunit mag-iingat kayo at baka kagagawan ito ng mga rebeldeng grupo.)" Paalala ng binata sa mga kasamahan at naglakad patungo sa kinaroroonan ng tinig.

"TULONG!!!!! TULONGG!!! MAY TAO BA DIYAN?!! TULUNGAN NIYO KAMI!!!" patuloy na sigaw ni Aira.

Habang papalapit sa direksiyon na pinagmumulan ng tinig ay itinaas ng mga guwardiya ang kanilang mahahabang rebolber at naghahanda kung mayroon mang aatake sa kanila.

Sa di kalayuan ay nakita nila ang isang babaeng nakasuot ng kakaibang damit at gulong-gulo na ang buhok. Sakabila ng magulong itsura ay mas umaapaw ang angking ganda ng dalaga na pumukaw sa atensiyon ng binata.

Lumingon ito sa direksiyon nila at agad na tumakbo. Na-alarma ang mga guwardiya sibil kaya itinutok nila ang kanilang rebolber sa babae na napatigil sa pag takbo at napataas ng kamay dahil sa gulat at takot.

"Wait! Kalma lang po. Please, tulungan niyo po kami ng kaibigan ko." Saad ng dalaga habang nakataas parin ang kamay sa ere.

"¿Quién eres y qué haces en este lugar? (Sino ka at anong ginagawa mo sa lugar na'to?)" Tanong ng binata.

"Ha? Hindi ko gets. Puwede tagalog nalang?" Saad ng dalaga.

"Sino ka at anong ginagawa mo sa lugar na'to?" Ulit ng binata.

"Ako si Aira Gonzales at kasama ko ang aking kaibigan. Hindi namin alam kung paano kami napunta sa lugar na ito basta pagka-gising namin ay nandito na kami sa lugar na ito. Kailangang kailangan na talaga namin ng tulong kase ang kaibigan ko ay inaatake ng kaniyang sakit." Tarantang paliwanag ng Aira. Agad nitong hinawakan sa kamay ang isang guwardiya sibil at hinila sa kinaroroonan ni Sham na siyang ikinagulat ng iba pang guwardiya maging ng binatang heneral na hindi inaasahan ang kapangahasang kilos ng dalaga.

Nakahiga sa ilalim ng malaking puno si Sham habang namimilipit sa sakit ng tiyan ngunit na alarma ito nang marinig ang kaluskos ng dahon at yapak ng mga tao. Pinilit nitong umupo sakabila ng sakit ng tiyan at kumuha ng isang patpat upang gawing pamalo.

"Sham!" Tawag sakanya ng kaibigang si Aira na ikinagulat ng dalaga. "Hali kayo dito!" Sigaw nito at agad na lumapit ang mga guwardiya sibil saka binuhat si Sham at isinakay sa kabayo kasama si Aira na siyang umaalalay sa kaibigan at ang kabayo naman ay hila ng isang guwardiyang naglalakad na lamang.

"Ayos lamang ba kayo mga binibini?" Tanong ng heneral na tinugunan ng tango at ngiti ni Aira at Sham.

AN: First time ko mag sulat at pasensiya sa mga maling paggamit ng mga salita o typographical errors.

Maraming salamat sa pag-unawa! :>

A Past To FixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon