Habang naglalakbay sa bayan ng San Diego ay napansin ni Tanya ang isang kainan na punong-puno ng mga tao. "Kuya nagugutom ako, huminto muna tayo dun at kumain. Dalawang Leonora nalang naman ang hahanapin natin ehhh." Pag-aaya ni Tanya sa kaniyang kuya."Nagugutom ka na rin pala. Mang Tomas kumain muna tayo sa panciteria ni aling Ana." Saad ng binata sa kutsero. "Sige po Senyor Mateo." Sagot naman ng kutsero.
Nang makarating sa kainan ay agad silang binati ng isang binibini na may bitbit na platón. "Magandang umaga mga Senyor at Senyorita!" Magiliw na bati nito. Maingay ngunit maayos ang loob ng panciteria at maliban sa pancit may madami rin silang pagkain na ibinebenta. "Kayong dalawa lang po ba? at ano'ng gusto niyong kainin?" Tanong nito sakanila.
"Apat ho kaming kakain at hintayin nalamang natin ang mga kasama namin bago po namin sabihin ang order namin." Sagot ni Tanya. Napatingin naman sakaniya ang dalagang trabahante at ang kaniyang kuya. "order?" Tanong ng kaniyang Kuya Mateo.
"Ibig kong sabihin ay ang mga pagkain." Palusot naman ng dalaga. tumango ang isa pang dalagita at muling ngumiti saka sila hinatid sa isang bakanteng mesa. Nang makaupo sila ay agad ring nakarating ang guwardiya sibil na nagngangalang Carmelo at si Mang Tomas. "Sigurado ho ba kayo na ayos lamang na sumabay kami sa inyo sa pagkain senyorita?" Paniniguradong tanong ni Carmelo na tananguan ni Mang Tomas.
"Oo naman po. Maupo na kayo nang makapili na rin kayo ng pagkain. Si Kuya Mateo ang magbabayad siyempre HAHAHAHA" Saad ng dalaga. Natuwa naman ang dalawang lalaki maging ang dalagang trabahador ng panciteria ay natuwa dahil sa bait ng dalaga. Sa panahong ito kasi ay hindi maaring sumabay sa amo ang mga katulong o trabahador.
"Anong gusto niyong kainin mga senyor at senyorita?" Magiliw na tanong nito. "Anong gusto niyong kainin Carmelito at Mang Tomas?" Tanong ni Tanya.
"Adobo, Pansit, Tinola at inihaw na manok po." Sagot ni Mateo. Napatingin naman sakaniya ang mga kasama niya. "Kakainin mo yun lahat kuya?" Tanong ni Tanya. "Para sa'tin na yun. Tig tatlo po nung sinabi ko at walong kanin." Dagdag pa nito. "Sige po Senyor." Sagot ng dalagita.
Habang naghihintay ng pagkain ay nagpaalam si Tanya na magbabanyo muna. Nang papunta ito sa banyo ay nabangga nito ang isa pang dalaga. Maganda ito, magarbo at matangkad. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Mataray na tanong nito. Likas na mabait si Tanya kaya nagpakumbaba ito. "Pasensiya na po binibini." Pagpapaumanhin ng dalaga. Ngunit tinarayan siya ng babae bago ito tuluyang umalis.
Nang makabalik mula sa banyo ay nadatnan ni Tanya ang babae sa mesa nila nakikipag-usap iyon sa kaniyang kuya. Nang lumapit si Tanya ay tiningnan siya ng babae ng mapanglait mula ulo hanggang paa. "Manang, nasaan na po ang order namin?" Tanong nito sakaniya. Ngunit hindi nalamang siya pinansin ni Tanya at naupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Mateo. Nagulat naman ang babae dahil sa ginawa ni Tanya.
"Siya nga pala Anna, Ito ang aking nag-iisang kapatid na si Tanya." Patawang saad nito ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang inis na tinatago. "Hi Anna." Nang-iinis na bati din ni Tanya sa gulat na gulat na Anna.
"Narito na po ang pagkain." Saad ng dalagang serbidora kaya nabaling sakaniya ang atensiyon ng lahat. Nang matapos ilapag ang mga pagkain ay nag-umpisa na silang kumain at nakisabay na rin sakanila si Anna.
"Bakit kayo narito Senyor Mateo?" Tanong ni Anna.
"May hinahanap kaming babae." Sagot ni Mateo.
"Sinong babae at bakit niyo siya hinahanap?" Dagdag na tanong ng dalaga.
"Leonora ang pangalan ng hinahanap namin." Sagot naman ni Tanya. "Ang dahilan kung bakit namin siya hinahanap ay isang lihim." Dagdag nito.
"May kilala akong Leonora. Isa siya sa mga katulong ko. Nasa labas siya at mula siya sa Manila. Kahapon lang siya nagsimula at ang alam ko ay kalilipat lang nila noong nakaraang araw. " Saad nito kaya napatingin sakaniya ang magkapatid.
"Maari mo ba siyang tawagin?" Sabik na tanong ni Tanya. Ngunit mataray na tiningnan ito ni Anna at hindi pinansin. "Anna, maari ba namin siyang makita?" Tanong ulit na Mateo. Ngumiti ang dalaga "Oo naman." Sagot nito at agad na tumayo upang tawagin ang kaniyang katulong.
"Kuya ang sungit niya. Pa'no ka ba niya nakilala?" Tanong ni Tanya.
"Isa siya sa mga binibining nagkakandarapa sa aking magandang itsura." Mayabang na sagot nito.
"Mukha kang unggoy Kuya HAHAHA" Asar ni Tanya.
"Edi mukha ka ring unggoy?" Banat naman ni Mateo.
Nagtawanan ang apat ngunit naputol ito nang tumikhim si Anna mula sa likod nina Mateo at Tanya. Humarap ang dalawa at nanlaki ang mga mata ng mga ito.
"Leonora?" Wala sa isip na sambit ng mga ito. Nagulat din ang dalaga nang makita ang dalawa. Akmang tatakbo ito buti nalamang at hawak parin siya ni Anna na ngayon ay naguguluhan sa mga nangyayari.
"Paumanhin mga senyorita ngunit aalis na po ako." Agad na tumakbo si Leonora at bago pa man makatayo ang kutsero at guwardiya sibil ay nauna nang tumakbo si Mateo upang habulin si Leonora. Agad ding sumunod si Tanya at dahil sa hilig nitong pagsasayaw at basketball ay likas na mabilis kumilos ang dalaga.
Kahit pa mabilis si Tanya ay nawala sa paningin niya si Leonora at Mateo dahil sa dami ng tao sa loob at labas ng panciteria. Hinanap ng dalaga ang dalawa at nakita an g mga ito sa likod ng simbahan kung saan ay maraming puno at walang maraming tao. Nagtago ang dalaga sa pader at pinakinggan ang dalawa na seryosong nag-uusap.
"Bakit ka umalis?" Seryosong tanong ni Mateo. Ngunit nanatiling tahimik si Leonora. Hawak na siya ngayon ni Mateo upang pigilan ito sa pagtakbo.
"Sagutin mo'ko Leonora." Galit na ang boses ng binata. "Bakit bigla ka nalang nawala?" Dagdag nito nang may sakit.
"Hayaan mo na'ko Mateo. Palayain mo na'ko, pakiusap. Ayaw kong madamay sa problema-"
"Anong nangyayari?" Pagputol ni Anna na nakitang hawak ni Mateo si Leonora. Agad namang lumabas si Tanya sa pinagtataguan niya.
"Pinipigilan lamang ni Kuya Mateo si Leonora sapagkat balak nitong tumakbo." Si Tanya na ang sumagot kay Anna.
"Bakit niyo ngaba hinahabol ang aking katulong?" Tanong ulit ni Anna.
"Mayro'n siyang kinuha sa akin." Sagot naman ni Mateo. "Kaya kung maari Anna. Maari ko bang hiramin ang iyong katulong upang maimbestigahan?" Dagdag nito. Nagulat naman si Anna sa sinabi ni Mateo at maging si Tanya at Leonora ay nagulat din.
"Hindi. Hindi po iyon totoo senyorita Anna. Huwag mo'kong iwan sakanila, pakiusap." Pagmamakaawa ni Leonora sa kaniyang amo ngunit inirapan lamang siya ng dalaga. "Maari mo nang kunin 'yan. Hindi ko gustong may umaaligid na magnanakaw sa akin at sa aking tahanan." Sagot ng dalaga kay Mateo. Umalis na si Anna at naiwan ang lima sa likod ng simbahan. Tinalian ng guwardiya sibil si Leonora na ngayon ay humihikbi at isinakay sa karwahe. Nang maiwan sina Mateo at Tanya ay seryosong tinanong ng dalaga ang kaniyang kuya.
"Ano'ng pinag-usapan niyo kanina bago pa man ako makarating?" Tanong nito. Hinarap naman siya ng kaniyang Kuya at saka ito ngumiti sakaniya. "Nagbaka-sakali akong sasabihin saakin ni Binibining Leonora ang inyong pag-uusapan." Sagot nito ngunit mas lalong lumaki ang hinala ni Tanya ngayon ay batid niyang may inililihim sakaniya ang dalawa. Naghinala na ito nang makita niya ang reaksiyon ng dalawa nang makita ang isa't-isa at nang marinig niya ang pag-uusap dalawa ay naguluhan ito. Nakumpirma niyang magkakilala sila, at base sa itsura ng kaniyang kuya ay malalim ang relasyon nila.
Sino si Leonora sa buhay mo Kuya Mateo? Ano'ng namamagitan sa inyong dalawa? Ano ang problema ni Leonora sa ating pamilya? Napakaraming tanong at mas gumugulo ang sitwasyon. Si Leonora ang babaeng multo at may kinalaman ang pamilya ni Tanya sakaniya dahil kay Mateo. Ang gulo!! Kailangan kong makausap agad si Aira at Leonora.
![](https://img.wattpad.com/cover/360187080-288-k273652.jpg)
BINABASA MO ANG
A Past To Fix
Historical FictionIs it possible to go back in time? If you were given a chance to do so, what changes are you going to make? Two girls were forced by destiny to go back in time to fix what their ancestors broke and unravel the secrets that could save three clans and...