Chapter 3: Tanya Lucianna Gonzaga

95 65 7
                                    


Bumukas ang pinto at pumasok doon ang Heneral na hanggang ngayon ay hindi nila alam ang pangalan.

"Narito na ang mga taong naghahanap ng kanilang mga anak na dinukot noong nakaraang araw." Pagpapaalam nito sakanila. "Tingnan niyo sa labas baka iyon ang mga magulang niyo." Dagdag pa nito at akmang aalis na nang magsalita si Sham.

"Anong petsa ngayon Heneral?" Tanong nito. "Araw ng Lunes, Ika-dalawa ng Nobyembre, Taong 1889." Sagot naman nito.

Halos hindi maipinta ang mga mukha ng dalawa mula nang malamang hindi lamang sila malayo sakanilang bayan kundi malayo sila sa mismong panahon na pinagmulan nila.

Tulala habang naglalakad si Sham at Ara nang makita nila ang isang matandang babae na maluha-luha pa ang mga mata at may hawak na panyong pamunas sa mga luha nito. Agad na lumapit ang matanda kay Ara at niyakap ito ng mahigpit.

"Ija ako ay labis na nagagalak na ligtas ka. Abot langit ang akig pag-aalala nang ibalita saamin ng kutsero ang nangyari iyo." Saad ng matanda na ngayon ay humahagulgol na.

Nilapitan naman ng isa pang matandang babae si Sham. 'di tulad ng naunang ginang, malamig at strikto ang babaeng lumapit sakanya at marahan siyang hinila palabas ng gusali, patungo sa isang karwahe sa 'di kalayuan.

Saka nagsalita ang babae nang makapasok na sila sa karwahe. "Hindi ka naman ba nasaktan?" Iyon ang unang tanong nito sa kaniya.

"Hindi naman po." Sagot ni Sham na nalilito sa mga nangyayari. "Mabuti naman kung gayon. Ngunit dadaan muna tayo sa pagamutan ni Ginoong Robles upang masuri ka nang mabuti." Saad nito. "Opo." Tugon naman ni Sham.

"Tila maayos ang iyong pakikitungo ngayon sa'kin Tanya. Hindi na ba masama ang loob mo ngayon?" Tanong ulit nito.

Bakit ba tanong nang tanong ito? Sino ba'to? Saka anong isasagot ko? Hindi naman ako iyong Tanya na tinutukoy niya. Bigla niya lang akong hinila.

"Ahh excuse me po. Sino po kayo?" Tanong ni Sham na ikinagulat ni Donya. "Bakit mo iyan tinatanong? Yo soy tú madre. Ito na ba ang iyong paraan ng pagrerebelde Tanya? Ang pagpapanggap na hindi mo ako kilala?" May sakit at galit sa tono ng pananalita nito. Malapit sakaniya ang anak na babae noon ngunit nagbago lamang iyon nang sabihin nila sa anak ang napagkasunduan na ikakasal siya kay Santiago. Ang heneral na hindi pa niya nakikilala sapagkat ang ama nito na lolo ni Tanya ang pumili sa mapapangasawa nito.

"Hindi. Nagkamali lang ho ata kayo ng anak na kinuha. Hindi po ako taga rito pati ang aking kaibigan. Iyong babae kanina." Pagpapaliwanag nito. Hindi naman siya pinaniwalaan ng Donya at mas lalo pa nga itong naguluhan sa sinabi nito. "Itikom mo na iyong bibig Tanya at ayokong nang makarinig ng kung ano pang mga kasinungalingan. Batid kong gagawin mo ang lahat makatakas lamang sa iyong nalalapit na kasal ngunit hindi ko batid na aabot ka sa ganito. At kailan ka pa naging kaibigan ng Maria na iyon? Hindi ba't kinamumuhian mo siya dahil sa ginagawa nitong pambubulas sa'yo?" Galit na bulyaw ng Donya kay Tanya. Nakaramdam ng takot si Tanya sa Donya at tumahimik na lamang upang hindi na madagdagan ang pagtatanong nito lalo pa at wala siya maisasagot.

Lumipas ang ilang minuto ng katahimikan. "Narito na tayo." Saad ng Donya na bumasag sa katahimikan sa loob ng karwahe. Tumigil naman ito sa harap ng isang bahay na may dalawang palapag at gawa sa kahoy. Hindi ito ganoon kalaki ngunit masasabing may marangyang buhay ang nakatira rito.

Bumaba si Donya Vagilidad at sumunod naman si Tanya. Pumasok sila sa bahay at sinalubong ng isang lalaking may edad na. Mga nasa trenta o kuwarenta na ito mukhang paalis ito dahil sa itsura niya. Maganda ang tindig ngunit may malaking tiyan at halos balutan na ng mga bigote at balbas ang mukha nito, may mahabang buhok din ito na halos pumuti na dahil sa tanda.

A Past To FixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon