Chapter 7: Pagbabalik tanaw ni Mateo

53 35 1
                                    

Nang makabalik sa tahanan ng mga Gonzaga ay agad na inihatid ng magkapatid si Leonora sa isang bakanteng silid upang makapag-pahinga ito lalo pa at magdidilim na.

Matapos ang paghahatid kay Leonora ay agad na naglinis ng katawan si Tanya dahil sa pawis nito mula sa paghahanap hanggang sa paghabol nito kina Leonora at Mateo. Matapos magbihis ay agad na bumaba si Tanya upang hanapin ang kaniyang mga magulang ngunit sinabi sakaniya ng mga katulong na hindi pa ito nakakauwi mula sa trabaho. Hindi alam ni Tanya kung ano ang trabaho ng mga magulang niya kaya napagpasiyahan niyang magikot-ikot sa bahay at alamin iyon. Ang alam lamang ng dalaga ay maaga pang umaalis ang mga magulang liban sa mga piling araw tulad ng linggo at gabing-gabi na umuuwi ang mga ito.

Napatigil sa paglakad si Tanya nang mapadaan sa silid ni Mateo na nakabukas ng kaunti. Sumilip ang dalaga at nakita ang kaniyang kuya na lumuluha sa harap ng mga liham na nakalagay sa isang kahon. Napagpasiyahan nitong huwag muna istorbohin ang kaniyang kuya kaya naglakad ito pabalik at nang mapadaan sa silid ni Leonora ay narinig din nito ang mahinang paghikbi mula sa loob. Nilapitan niya iyon at idinikit ang tenga sa pinto. Nang marinig muli ang paghikbi ng Leonora ay napagpasiyahan niyang kumatok at tanongin ang dalaga.

"Pasok po." Mahina ngunit rinig na saad ng dalaga mula sa loob. Binuksan ni Tanya ang silid at nakita ang dalaga na agad na pinunasan ang luha nang makita siya.

"Senyorita. Bakit niyo ako hinuli? Batid niyong wala akong kinuha sa inyo." Lumuha muli si Leonora kaya agad na lumapit si Tanya at niyakap siya.

"Wala kang kinuha. Batid ko iyon. Paumanhin sa ginawa namin ngunit nais kitang makausap tungkol sa isang bagay. Paumanhin kung natakot ka namin." Saad nito habang hinihimas ang ulo ng dalaga at pinapakalma ito.

"Senyorita hindi ako maaring magtagal rito. Hinihintay ako ni Antonio at batid kong nag-aalala na iyong ngayon." Mangiyak-ngiyak na saad ni Leonora. Bigla naman silang may narinig na kalabog mula sa labas ng pinto at kasunod niyong ay bumukas ito at pumasok si Mateo.

"Antonio?! Sinong Antontio?" Pasigaw na tanong nito. Bakas rin ang galit sa boses ng binata. Nagulat naman ang dalawa dahil sa biglaang pagpasok ni Mateo.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Mateo?" Tanong ni Tanya. "May hindi ba ako alam sa inyo?" Dagdag nito. Natigilan naman ang dalawa at kumalma na si Mateo. Nagkatinginan sila bago tuluyang hilahin ni Mateo si Tanya palabas ng pinto at patungo sa balkonahe ng kanilang bahay.

"Anong nangyayari kuya Mateo?" Tanong ulit ni Tanya. Napabuntong hininga naman si Mateo at saka ito umupo sa isang silya.

"Si Leonora ay ang aking dating kasintahan. Apat na taon na ang nakalipas nang malaman ni Ama ang aming relasyon at pinagbantaan ako na kapag hindi ko iniwan si Leonora ay hindi na ako makakatanggap ng ano mang suporta mula sakaniya." Tumigil ang binata sa pagsasalita at huminga ng malalim, pinipigilan sa pagtulo ang mga luha. "Handa na akong umalis sa pamilyang ito nung mga panahong 'yon kahit hindi pa'ko nakapag tapos. Nagbalak kaming magtanan ni Leonora noong ika-labing siyam na anibersaryo nina ama at ina. Noong mga panahong iyon ay kasama ni Leonora ang kaniyang pinagsisilbihan na si Agnes na dumalo sa pagdiriwang. Hindi namin inasahan ang biglaang pag anunsyo ni ama na ikakasal ako kay Anna. Iyong babae kanina." Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pilit na itinatago ni Mateo. Naawa si Tanya kaya inabutan niya ito ng panyo at marahang hinimas ang likod nito.

"Matapos ang gabing iyon ay hindi ko na muling nakita si Leonora. Liban nalamang ngayong araw." Pinunasan ni Mateo ang kaniyang mga luha.

"Sigurado akong may dahilan si Leonora sa pag-alis niya kuya Mateo. Pero hindi magtatagal ay uuwi na sina ama at malalaman nila ang tungkol kay Leonora."

"Si mang Tomas, Aling Nene at Teresita lamang nakakita kay Leonora. Binilin ko sakanila na huwa ipaalam sa ibang katulong at sa ating mga magulang ang tungkol kay Leonora. Bukas na bukas din ay maghahanap ako ng lugar na maaring niyang lipatan."

"Kuya Mateo, mahal mo parin ba si Leonora?" Tanong ni Tanya na nagpatigil kay Mateo. Apat na taon na ang lumipas at ito ang unang beses na may nagtanong sakaniya nun.

"Apat na taon na ang nakalipas. Hindi ko batid kung ano ang nararamdaman ko ngayon Tanya. Naghalo ang lungkot, galit at mga tanong sa aking utak, ngunit, nangingibabaw ang tuwa sa aking puso. Sa loob ng apat na taon hindi ako nagkaroon ng pagtingin sa iba. Para bang sinama niya sa kaniyang pag-alis ang aking kakayahang magmahal ng iba." Napangiti si Tanya sa sagot ng kapatid at narinig nito ang marahang pagtawa ng kaniyang Kuya.

"Tila may naalala kang masayang pangyayari Kuya." Saad nito. Tumingin sa kalangitan si Mateo at napahinga ng maluwag.

"Masarap sa pakiramdam na may mapag kuwentohan ng bagay na ito. Hindi ko akalain na bukas ang iyong pag-iisip sa mga ganitong usapin lalo pa at batid kong ayaw na ayaw mo ng mga bagay na may kinalaman sa pag-ibig." Natawa ang kaniyang Kuya inaalala ang nangyari nang sabihin kay Tanya na ikakasal siya sa isang Heneral.

"Noong ipaalam ni ama sa iyo ang tungkol sa iyong pagpapakasal ay ang unang beses na nakita kong nagalit at sumigaw ka dahil sa pagtutol. Sabi mo pa nga ay hindi ka mag-aasawa at mas gugustohin mo pang mamatay mag-isa kesa sa magpakasal sa hindi mo naman kilala. HAHAHAHA" Asar ni Mateo sa dalaga. Ngumiwi naman si Tanya dahil sa sinabi ng kaniyang Kuya. "Oo na, naalala ko." Saad nito kahit hindi naman talaga sapagkat hindi siya si Tanya. Siya ay si Sham na nagmula sa hinaharap. "Kesa naman sa iyo kuya na apat na taon na ang lumipas pero hindi parin nakapag move on! HAHAHAHAHA" Halakhak ni Tanya sa banat niya ngunit napakunot lamang ang noo ni Mateo. "Mob on?" Tanong nito. Natigilan naman si Tanya at napakamot sa ulo.

"Hindi pa nakausad o nakalimot sa nakaraan. Iyon ang ibig sabihin ng hindi pa nakapag move on." Paliwanag nito. Napangiti naman si Mateo at gano'n din si Tanya. Nagpatuloy sa pagkukuwento si Mateo tungkol sa karanasan niya sa Manila nang papuntahin siya doon ng kaniyang ama dahil nga sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Leonora.

Mula sa malayo ay nakatingin sa magkapatid si Leonora. Natutuwa ito sa kasalukuyang nakikita. Gumaan din ang kaniyang loob nang malaman na siya lamang ang babaeng minahal ni Mateo sa loob ng apat na taon. Naisin man niya ay hindi siya maaring magtagal sa tahanan ng mga Gonzaga dahil sa mangyayari sa hinaharap. Pinipigilan siya ng kaniyang pagmamahal kay Mateo sa pag alis kaya bumalik ito sa kaniyang silid at ikinandado ito.

Pagsisihan ko man ito sa huli, ang mahalaga ay makabawi ako sa aking nagawa. Tutulungan ko silang maiwasan ang nalalapit na kalbaryo ng kanilang pamilya. Ngunit hindi ko ipapaalam ang tungkol sakaniya.

-Leonora.

A Past To FixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon