Chapter 10: Tinig

25 10 0
                                        


Habang naglalakad patungo sa talon ay naalala ni Tanya ang naiwang gitara sa karwahe. "May naiwan ako sa karwahe kuya! Kukunin ko muna." Saad nito kahit pa punong puno ang mga kamay niya ng mga gamit din.

"Bakit kasi ang dami nito Tanya at hindi pa tayo nagsama ng kasambahay." Reklamo ni Anna na may bitbit na basket at nirolyong tela.

"Hayaan mo na Anna." Saad naman ni Mateo. "Ako na ang kukuha." Dagdag pa nito.

"Ako na." Suhestiyon ni Maria saka ipinatong sa dalang basket ni Anna ang dalawang malalaking tinapay.

Ngumiti muna ito kay Anna bago nagmadaling umalis. Bakas naman ang inis sa itsura ni Anna dahil nadagdagan ang dala nito.

Habang naglalakad pabalik ay nakasalubong ni Maria ang kutsero na bitbit ang gitara. "Manong!" Sigaw nito para kunin ang atensiyon ng kutsero.

"Senyorita! Hindi na po sana kayo bumalik dito. Baka mapahamak po kayo." Saad ng kutsero na nagmamadaling naglakad papalapit kay Maria. "Sus! Ano ka ba manong anong akala mo sa'kin? Mahina?" Biro pa ni Maria. Inabot ng kutsero sakaniya ang gitara at nag alok na samahan ang dalaga sa pagbalik nito sa talon. Ngunit, tinanggihan siya ng dalaga dahil kayang kaya naman nitong bumalik sa mga kaibigan. Habang pabalik ay nakasalubong nito si Mateo kaya nagpaalam si Mateo na aalis na upang makapagsaya ang mga babae. 

Nang makabalik ay nakita nitong nakaayos na ang mga pagkain na nakapatong sa mahabang tela at nakaayos sa iisang lugar ang mga gamit nila.

"Thank you Ai-" Naputol ang salita ni Tanya nang makitang nakatingin sakaniya ang dalawa nang naka kunot ang noo. "Wikang Ingles 'yan hindi ba?" Tanong ni Anna kay Tanya.

"Ahh oo. Paano mo nalaman?" Tanong din ni Tanya.

"Nasa Amerika kasi ang nakakatandang kapatid kong si Kuya Cristobal. Ang mapapangasawa mo." Tumingin ito kay Maria at nakita nito ang pagkagulat sa itsura ni Maria.

"Hoy! Anong mapapangasawa ka diyan. Wala akong balak mag asawa rito noh at saka ang bata ko pa para mag-asawa." Natatawang saad ni Maria ngunit may halo itong gulat at pagtutol.

"Hindi mo pa pala alam? Ikakasal na kayo sa oras na umuwi ang aking kapatid at sa pagkakaalam ko ay uuwi siya sa Disyembre bago mag bagong taon. Uuwi siya sa susunod na buwan Maria." Dagdag pa nito.

"Naku baka ibang Maria ang mapapangasawa ng kapatid mo Anna. HAHAHA" Sabat naman ni Tanya. Nagkibit balikat nalamang si Anna ngunit alam nitong si Maria nga talaga ang mapapangasawa ng kaniyang Kuya.

"Hindi pa ba kayo maliligo? Nagsisimula nang uminit." Saad naman ni Leonora na nasa tubig na.

"Hindi masyadong malalim sa bandang doon ngunit kung mas malapit ka sa talon ay mas lalong lumalalim ang tubig." Saad nito habang kinukuha ang piraso ng telang panakip sa hubad nitong katawan. Saka napansin ni Maria na walang saplot si Leonora sa tubig at nakita rin nito ang damit ni Leonora sa malaking bato na maayos na nakapatong.

"Maliligo kayong walang damit?!" Bulalas ni Maria. Napatingin naman sakaniya si Anna. "Ano'ng sa tingin mo? Ang bibigat ng mga traje de mestizang (Baro't saya similar to Maria Clara.) ito." Sagot naman ni Anna. Tumayo na ito at kinuha ang piraso ng tela na tinatawag na Malong.

Tulad ni Leonora ay naghubad din ito at saka bumaba sa tubig. Nang tuluyang nasa tubig na ay hinubad na ng dalaga ang kaniyang malong at nag-umpisang maligo.

"Maghuhubad ka rin?" Tanong ni Maria kay Tanya.

Hindi batid ni Tanya kung bakit tila kampante itong maghubad at hindi naninibago sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa panahong ito kahit nag mula siya sa hinaharap. Ngunit nagpapasalamat rin siya sapagkat hindi siya gaanong nahihirapang umangkop sa uri ng buhay niya ngayon. Sakatunayan ay tila payapa ang kaniyang pakiramdam. "Oo naman. Wala namang ibang tao dito ehh at saka sinigurado ni Mateo na walang tao ang pupunta dito. Isa pa hindi naman makikita ang iyong katawan kapag nasa tubig ka na." Sagot naman ni Tanya.

Naliligo at nagkakatuwaan na ang tatlo ngunit, naiwan si Maria sa kanilang puwesto. Kinuha nalamang nito ang gitara at nag-umpisang patutogin ito. "Maria! Parinig naman ng kanta diyan!" Sigaw ni Tanya. Batid niyang maganda ang tinig ni Maria at marunong din itong gumamit ng gitara kaya nga nagdala ito ng gitara.

Napatingin naman sakaniya sina Leonora at Anna tumango nagpapahiwatig ng pagsang-ayon kay Tanya. Lumapit ang mga ito sa gilid ng ilog at nagtungo din doon si Maria. Medyo malayo ang talon sa kinaroroonan nila kaya hindi ganoon ka ingay sa kanilang pinaliliguan.

Pinatugtog ni Maria ang gitara at nag-umpisang kumanta.

"Hugis ng pananabik ang namumulaklak sa panimula
Ng isang panahon kung sa'n nais kong umalis
Ibig kong maibalik, lahat ng pangako at munimuni
Ng ating pagsama noon malamig ang gabi

Pa'no naman ako?
Lahat ay sinugal para dito"

Napangiti si Tanya nang marinig ang pagkanta ni Maria. Nanatili namang tahimik si Anna at taimtim na nakikinig nang may paghanga. Iba naman ang nararamdaman ni Leonora. Kumikirot ang puso nito na tila nais mag-unahan ng mga luha sa kaniyang mga mata.

"Di ko na kaya ang ika'y antayin
Sa aking paglisan ay paumanhin
Ang dilim sa balete, sana 'yong makita
Na ako'y 'tinadhana sa Bugambilya."

Tuluyan nang nilamon ng sakit ang sistema ni Leonora at hindi na nito napigilan ang mga luha kaya naghilamos ito upang itago ang pagluha niya.

"Ako'y dinala sa tabindagat nang halikan ng alon aking mga paa
At muling bumalik sa itinadhanang pag-ibig
At sa'king pagdayo'y ako'y napadpad sa piling ng Mayon kung sa'n nalilimutan
Lahat ng sakit tuwing kabalse ang araw.

Pa'no naman ito?
Wala nang ipagpapalit para dito."

Mula sa likod ng naglalakihang bato ay nakatago ang isang binata na nagmamatiyag sa magkakaibigan. Nang marinig ang pagkanta ng dalaga ay napangiti ito at umiling-iling. "Napakagaling Binibini." Bulong nito sa sarili.

"Malaki ang hakbang ng aking pagpasiya
Pangako, hindi ka na luluha pa
Ako na ang bahala sa iyong pagkalaya
'Yan ang sabi sa akin ng Bugambilya

Oh-oh, Oh-oh-oh-oh"

Nais pang manatili ng lalaki ngunit natanaw nito mula sa malayo ang papalapit na mga guwardiya sibil kaya nagmadali itong umalis. Naisin man nitong sumulyap kay Maria bago tuluyang umalis ay pinigilan niya ang sarili sapagkat labis na nirerespeto niya parin ang mga babae.

"Mary had a lover then, he went out to sail again
And when he left her dead and gone, she had nothiung to hold on
Mary wants to run away, she no longer wants to stay
Girls like her wait in the dark for someone who will save her heart.

Hugis ng pananabik ang namumulaklak sa panimula
Ng isang panahon kung sa'n nais kong umalis."

Nang matapos ang pagkanta ay nakaalis na ang binata sa likod ng mga bato at nakarating na rin ang mga guwardiya sa paligid ng talon.

Song title: Bugambilya By Belle Mariano
Link Below:  https://youtu.be/Z9lMnImerWo?si=07H7z1TxVeH6vffW

AN: Na-inlove ako sa lyrics ng song na 'yan kaya 'yan ang ginamit kong song cover sa chapter na'to. Stay tuned for upcoming chapters dahil magsisimula na ang exciting part! Happy Reading Iris's!

A Past To FixMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon