"Maria!!!" Sigaw ng isang babaeng may katandaan na habang hinahabol ang isang dalaga. "Manang bumalik ka na doon!!" Sigaw naman pabalik ng dalaga habang patuloy na tumatakbo papasok sa kakahuyan.
Buong araw akong nasasilid kahapon. Kailangan ko nang mahanap si Sham ngayon.
"Senyorita bumalik po kayo! Mapanganib sa kakahuyang 'yan!!" Napalingon ako nang marinig ang boses ng aming kutsero na si Mang Ador. Tumatakbo siya patungo sa aking direksiyon kaya mas binilisan ko ang pag takbo.
Kung hinayaan lang ako ng Donya niyong pumunta sa palengke edi sana hindi na'ko tatakas ngayon.
Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno dahil pagod at hinihingal na'ko. Sinilip ko si Mang Ador at nakitang pagod na rin ito at bakas din ang pag-aalala sa kaniyang itsura.
Nanatili ako sa likod ng puno habang minamanmanan si Mang Ador na patuloy na naghahanap sa'kin at sinisigaw ang pangalan ko. 'di nagtagal ay nakaabot na si Manang Asing. Ang inatasang magbantay sa'kin ngayong araw.
Sumilip ako at nakita kong nag-uusap ang dalawa hanggang sa umalis na ang mga ito. Nang masiguradong nakaalis na sila ay saka ako lumabas sa punong pinagtataguan ko.
"Phew! Kapagod!" Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad, ngunit, halos tumalon ang kaluluwa ko mula sa katawan ko dahil sa gulat nang biglang may nag salita sa taas ng puno. "Nakita ko 'yon." Tumingala ako at nakita ko ang isang lalaking may hawak na lapis at kuwaderno. Nakasuot ito ng sombrero de copa (isang uri ng sombrerong sinusuot ng mga indio o normal na mamayang Pilipino.), mahabang baro na kulay asul, at itim na saya-saya (uri ng pantalon.) at may hawak na cigarillo.
Humithit ito ng cigarillo bago itinaas ang sombrerong nakatakip sa kaniyang itsura. Ayon kay Manang Asing ang kasuotan ng lalaki ngayon ay ang kasuotang ginagamit ng mga indio. Ngunit, ang itsura ng lalaki ay mestizo. Kulay itim ang buhok nito ngunit iyon ay kulot base sa mga hibla ng buhok na hindi natakpan ng sombrero. Mula sa baba ay kitang-kita rin ang matangos na ilong nito, mapula-pulang labi, maputing kutis at maaninag din ang asul na mga mata nito.
"Tititigan mo nalang ba ako?" Saad nito. Inirapan ko siya at tinalikuran saka nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko naman ang marahang pagtawa nito.
"Hindi ka na makakabalik sa oras na nagpatuloy ka sa paglalakad sa direksiyong 'yan." Napatigil ako sa paglalakad at muling humarap sa lalaking bumababa na mula sa puno.
"Bakit naman?" Tanong ko rito. Pinagpagan niya ang kaniyang sarili nang tuluyan na siyang makababa mula sa puno at pinulot ang kaniyang mga gamit.
"Isang oras na paglalakad mula dito ay mararating mo na ang kuta ng mga rebeldeng kahit ang pamahalaan ay hindi sila kayang puksain." Humarap ito sa akin at naglakad papalapit sa'kin. Napatingin ako sa kuwadernog hawak ng estrangherong lalaki at nakita ko ang kaniyang iginuhit na larawan.
Itinaas niya ang kaniyang kuwaderno upang ipakita sa akin ng maayos ang kaniyang obra. "Iyan ang tanawin na makikita mo sa itaas. Ang ganda, hindi ba?" Tanong nito. Ibinalik ko ang aking paningin sakaniya at saka tumango bilang sagot sa tanong ng binata.
"Cristobal." Saad nito at inilabas ang kanang kamay na para bang nais nitong makikipag kamay sa'kin. "Maria." Sagot ko naman at kinamayan siya.
"Saan ka tutungo? Bakit papunta ka sa direksiyong 'yon? Ano ang ginagawa mo sa lugar na 'to?" Tanong ni Cristobal.
"Hindi ko alam na doon ang kuta ng mga rebeldeng grupo at tumakas ako mula sa aking mga serbidor sapagkat nais kong mahanap ang aking kaibigan na nagngangalang Tanya." Sagot ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
A Past To Fix
Ficção HistóricaIs it possible to go back in time? If you were given a chance to do so, what changes are you going to make? Two girls were forced by destiny to go back in time to fix what their ancestors broke and unravel the secrets that could save three clans and...