Chapter 5: Paghahanap sa Babaeng Naka-puti

75 51 6
                                    


Tatlong araw na mula nang mapunta sa taong 1889 sina Aira at Sham. Nagpatuloy sa pagpapanggap na si Tanya si Sham matapos itong mahimatay.

Pagbabalik-tanaw sa naganap kay Tanya

Nasaan ako? Anong lugar ito?

Sinuri ko ang paligid ngunit tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Malamig at madilim ngunit panatag ang aking loob. Nakarinig ako ng mga yapak ng paa mula sa malayo. Hindi ko alam kung saan ito nagmumula ngunit ang yapak ay unti-unting naglalaho hanggang sa tuluyan na nga itong mawala. Kasunod nun ay umihip ng malakas ang malamig na hangin.

"May tao ba riyan?" Umalingawngaw ang aking boses ngunit walang sumagot. "Narinig ko ang mga yapak ng isang tao kanina. Nasaan ka? Hello?!" Sigaw ko ngunit walang sumagot. Nanahimik ako at nang matapos ang alingawngaw ng huli kong sinabi ay may nakita akong babaeng nakatingin sa'kin.

Nilapitan ko ito at saka ito nagsalita. "Leonora ang aking pangalan. Hayaan niyo akong tulungan kayo." Saad nito. "Leonora, paano mo kami matutulungan?" Tanong ko rito. Akala ko ay nakatingin ito saakin kanina ngunit nagkamali ako sapagkat patuloy itong tumitingin sa direksiyon na pinanggalingan ko kanina, napaka pamilyar ng kaniyang itsura at sigurado akong nakita ko na ito ngunit hindi ko lamang maalala kung saan.

"Gumising ka at hanapin mo'ko" Sambit nito habang patuloy na nakatingin sa malayo. "Saan kita hahanapin?" Tanong ko sakaniya ngunit "Gumising ka at hanapin mo'ko" lamang ang paulit-ulit na sinasabi nito. Tiningnan ko ng mabuti ang babae at naalala ko na kung saan ko ito nakita.

Ikaw ang babaeng iyon. Ikaw si Leonora ang white lady sa white building.

Bigla itong tumingin sa akin kung kaya ay nagulat ako at napasigaw nang itulak ako nito ng malakas. Naramdaman ko ang pagkahulog ng ilang minuto at nagising sa silid ni Tanya.

Nakahiga na ako sa kama nang magising ako at agad akong tumayo. Wala na ang babaeng duguan sa aking silid. Agad akong bumangon at binuksan ang malaking aparador. Siniguradong walang tao sa loob nun. Pagkabukas ko ay wala namang tao sa loob kaya napahinga ako ng maluwag.

Pagtatapos ng balik-tanaw

 

Naglalakad ako ngayon sa labas ng aming tahanan. Patuloy akong nagpapanggap na Tanya at dalawang araw nang hinahanap si Leonora. Sinabi ko rin sa nakakatanda kong kapatid na si Kuya Mateo ang tungkol sa aking paghahanap kay Leonora maging si Aira ay hinahanap ko rin na napag-alaman ko kay Ina na Maria ang pangalan ngayon.

Napalingon ako nang tawagin ng aking Kuya ang pangalan ko. "Tanya!" Sigaw nito mula sa malayo habang tumatakbo. Napatingin naman sakaniya ang mga kasambahay namin at pati na rin ang aking mga magulang.

Nang makarating sa harap ko ay hinihingal pa si Kuya Mateo. May hawak itong maliit na papel at binigay ito saakin. "Iyan ay ang tahanan ng mga babaeng may pangalan na Leonora dito sa ating bayan at sa tatlo pang kalapit na bayan. Maari natin silang lahat na papuntahin rito kung iyon ang nais mo." Sambit nito sa pagitan ng kaniyang mga paghinga. Nang matapos ay tumayo na ito ng matuwid at seryosong tumingin sa'kin. "Tungkol naman kay Maria. Hindi pa siya nakikita mula nung araw na sinundo siya ng kaniyang ina sa tanggapan ng mga guwardiya sibil." Saad nito.

"Bakit mo naman hinahanap si Maria anak?" Tanong ni Don Rafael. Ang ama ni Tanya. "Nais ko lamang po siyang makausap at nais ko ring magpasalamat sa pagtulong niya sa'kin noong nasa gubat pa kami ama." Sagot ko naman. Hinarap ko ang aking kuya at ngumiti ako sakaniya. "Maraming salamat sa pagtulong sa akin sa paghahanap kuya Mateo. Huwag na nating abalahin ang mga binibining ito at tayo nalamang ang magtungo sakanila. Kinakailangan ko lang naman na makita ang kanilang itsura upang matukoy kung sino ang Leonora na aking hinahanap." Saad ko rito. Ngumiti din ito saakin pabalik at marahang pinalo ang aking balikat.

A Past To FixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon