Nang makalabas ang mga guwardiya sa gubat ay agad silang naghanap ng karwaheng sasakyan ng dalawang dalaga sapagkat hindi kanais-nais sa mga mata ng madla kung makikita ang dalawang binibini kasama ang isang hukbo ng mga guwardiya.
Nasa loob ng isang karwahe si Sham at Aira patuloy na iniisip kung pa'no sila napunta sa lugar na iyon at kung pa'no makakabalik sa kanilang pinagmulan.
"Sham! Hindi ko alam kung napansin mo but, look at their clothes. Ang weird diba? And ok lang naman na nakasakay sila sa kabayo sa gubat. But come on, why kalesa? Wala ba silang car?" Reklamo ni Aira sa loob ng kalesa saka ito tumingin sa labas.
"At least, the place is refreshing. Puno ng mga punong kahoy. Away from the chaotic city. Right?" Wala sa sariling sambit nito habang nakadungaw sa bintana ng kalesa.
"Mga señorita narito na tayo sa bayan." Saad ng kutsero sakanila. Agad namang sumilip ang dalawa upang tingnan ang bayan at nagulat ang mga ito sa kanilang nakita.
Agad na bumalik sila sa loob. "Puta, Sham! Ano 'to? Saang sulok ng bansa na'to?" Bulalas ni Aira. "Hindi ko din alam Aira. Pero kailangan nating makahanap ng paraan para makabalik sa bahay." Tanging sagot ni Sham.
"Pero paano ngayon? Saan tayo pupunta beh wala tayong kilala dito. Pa'no tayo mabubu-" naputol ang sasabihin ni Aira nang biglang bumukas ang pintuan ng kalesa at bumungad ang mukha ng Heneral.
"Baba." Malamig na saad nito sakanila. Akmang bababa na sila nang makitang mataas ang karwahe at kulang sa tangkad si Sham habang maayos namang nakababa si Aira mula sa kabilang pinto.
"Bilis." Naiinip na Saad ng Heneral kaya agad na tumalon si Sham pero aksidenteng naapakan nito ang paa ng Binata.
"¡Ay! ¿Por qué no tienes cuidado?" "Aray! Bakit kasi hindi nag iingat?" Naiinis na saad nito. Napayuko naman si Sham pinipigilan ang luha dahil sa hiya. Unang beses pa lamang niyang naranasan ang sigawan ng ganoon sa harap ng maraming tao.
"S-sorry" mahinang saad ni Sham. Agad namang sinampal ni Aira ang Heneral dahil sa init ng ulo nito. "Hoy! Alam kong may utang na loob kami sa iyo pero wala kang karapatang sigawan ang kaibigan ko ha!" Galit na sigaw ni Aira na siya namang nakakuha ng pansin ng mga dumadaan na napatigil pa sa gulat dahil sa ginawa ni Aira.
Nagulat din ang Heneral sa kapangahasang ginawa ni Aira ngunit matiim niya lamang itong tinitigan. "Ikaw kaya ang apakan sa paa?" Saad niyo bago inapakan ang paa ni Aira.
"Aray!" Daing naman nito dahil sa sakit ng pag-apak ng Heneral sa kaniyang paa. Galit niyang tiningnan ang Heneral na tinaasan lang siya ng kilay bago umalis at kinausap ang isang guardiya sibil. Sa isip ng dalaga ay unti-unti niya nang pinapatay ang Heneral na pumasok na sa isang gusali.
Nilapitan ng guwardiya sibil ang dalawa at inihatid sakanila ang sinabi ng Heneral. "Mga binibini, sabi ng Heneral ay hintayin niyo na lamang sa himpilan ng mga guwardiya sibil ang inyong mga magulang na pinuntahan pa ng Alperes upang ipaalam na narito kayo sa aming bayan." Saad nito sa dalawang dalaga.
"Magulang? Ano bang pinagsasabi mo kuya eh diba nga wala tayo sa Manila? Paano aabot ang mga magulang namin dito? Susko naman kuya nagsumbong pa talaga kayo!" Padabog na sambit ng Aira dahil tiyak siyang mapapagalitan siya at mapapalo kapag nalaman ng mga magulang niyang ubod ng higpit.
"Ang alam pa naman nila ay nasa school ako, tapos sabi ko pa sakanila magagabihan ako ng uwi dahil mag p-practice pa kami tapos malalaman nilang nasa kung saang parte na'ko ng planeta." Paikot-ikot ito sa harap ni Sham at ng guwardiya. Matapang si Aira at walang inuurungan liban nalamang sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang mama na ubod din ng tapang.
"Pumasok nalang din po kayo mga binibini at nang maka-upo at makapagpahinga kayo." Alok nalamang ng guwardiya sibil sakanila.
"Sandali lang kuya, tinawag ni Alperes
ang mga magulang namin upang ipaalam na narito kami sa inyong bayan? Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ito ang bayang tinitirhan namin? at sigurado naman akong hindi din ito ang kabilang bayan na alam namin." Tanong ni Sham habang sumusunod sa guwardiya papasok sa gusali na tila isang himpilan ng pulisya sa dami ng mga guwardiya sibil na kaparehas ng police sa kasalukuyang panahon."Opo binibini. Nakatanggap ako ng ulat kani-kanina lamang mula sa kabilang bayan patungkol sa dalawang dalagang magkahiwalay ng dinukot ng mga tulisan habang papauwi mula sa kanilang kumbento. Agad ko namang ipinaalam iyon sa aking Heneral nang makita kayong dalawa na ganyan ang itsura. Inisip ko na lamang na baka kayo ang dalawang dalagang nawawala kaya din agad na umalis ang Alperes sa utos ng Heneral na ipaalam sa mga naghahanap na may dalawang dalagang natagpuan sa gubat at 'yon nga ay kayong dalawa." Mahabang paliwanag ng guwardiya. Narating nila ang silid kung saan ang opisina ng Heneral na nakita naman nilang naglalakad patungo sa kabilang direksiyon.
"Assumera ka kuya." Saad ni Aira. "What if hindi kami yun? Naku ikaw talaga!" Dagdag pa nito saka komportableng umupo sa isang upuan.
"As-yu-me-ra?.. ano ang ibig sabihin no'n? Saka wat-ip? Kakaiba ang mga lenguwaheng sinasaad mo binibini saan mo 'yan natutunan?" Tanong ng guwardiya na ikinalito naman ni Aira. Samantalang si Sham ay unti-unti nang naiintindihan ang sitwasyon at pinigilan sa pagdadaldal si Aira.
"Ang mga salitang iyon po ay imbentong salita lamang namin na ang ibig sabihin ay mapanghinala po o malakas ang loob maghinala at ang what if naman po ay wikang Ingles na ang ibig sabihin ay paano kung. Masama ho maging assumera baka ikapahamak niyo kuya o baka maghatid ng maling interpretasyon sa ibang tao naku po mag ingat kayo. Iwasang maging assuming ahh?" Pabirong pananakot ni Sham sa guwardiya na nakitaan ng ng pagkabigla.
"Ahh, opo binibini salamat sa paala at pasensiya na sa aking pagiging assumera." Paghingi ng paumanhin ng guwardiya na dahilan ng pigil na tawa ng dalawa.
"Tama yan kuyang guard." Patawang sambit ni Aira kaya agad naman siyang siniko ni Sham dahilan ng pagtigil nito. Umalis naman na ang guwardiya sibil at hindi na nagtanong tungkol sa salitang guard.
"Bakit???" Tanong ni Aira kay Sham na seryosong tinitingnan siya. "Feeling ko alam ko na ang nangyayari ngayon Aira kailangan ko nalang i-confirm."
"Ha? Eh anong nangyayari?" Dagdag na tanong naman ni Aira. "Hindi ba at iba ang damit ng mga lalaking 'yon? pero para silang mga pulis, tapos gumagamit sila ng kabayo at kalesa imbis na motor at kotse, tapos nasa bayan na tayo pero parang hindi naman ganito ang bayan. Kahit saang lupalop ka ng Pilipinas kung nasa panahon natin tayo tiyak na may makikita tayo kahit sira-sirang motor lang. Pag-isipan mo Aira." Paliwanag ni Sham sa kaibigan. Napaisip naman si Aira dahil dito.
Bumukas ang pinto at pumasok doon ang Heneral na hanggang ngayon ay hindi nila alam ang pangalan.
"Narito na ang mga taong naghahanap ng kanilang mga anak na dinukot noong nakaraang araw." Pagpapaalam nito sakanila. "Tingnan niyo sa labas baka iyon ang mga magulang niyo." Dagdag pa nito at akmang aalis na nang magsalita si Sham.
"Anong petsa ngayon Heneral?" Tanong nito. "Araw ng Lunes, Ika-dalawa ng Nobyembre, Taong 1889." Sagot naman ng Binatang Heneral.
BINABASA MO ANG
A Past To Fix
Historical FictionIs it possible to go back in time? If you were given a chance to do so, what changes are you going to make? Two girls were forced by destiny to go back in time to fix what their ancestors broke and unravel the secrets that could save three clans and...