Hindi na alam ni Aira kung saan nagpunta si Sham at hinahanap niya ito ngayon. Iniwan niya ang Donya sa loob ng gusali habang nakikipag-usap sa Heneral.
Oh my gosh Sham! Nasaan ka na? Bakit mo'ko iniwan dito? Naiiyak na'ko di ko alam ang gagawin dito ehhh!!!!
Napansin ng binatang guwardiya sibil ang paikot-ikot na si Aira kaya nilapitan niya ito. "Binibini, baka ikaw ay mahilo sa ginagawa mo. Kanina ka pa riyan ikot nang ikot. May hinahanap ka ba?" Tanong nito sa dalaga. "Nakita mo ba 'yong babaeng kasama ko kanina?" Tanong ni Aira sa lalaki. "Ahh. Si donya Tanya? Umalis na ehh. Kinuha siya ng kaniyang Ina." Sagot nito. Nanlaki naman ang mata ni Aira iniisip na baka dinukot ang kaibigan.
"Donya Tanya?! Alam mo bang hindi naman Tanya ang pangalan nun? Siya si Aekiesha. Aekiesha!! At anong Ina?? Antanga mo kuya ni wala ngang nanay yun dito ba't mo naman hinayaang kunin nila?! May pagkatanga pa din naman yun kuya pag yun dinukot ulit sasapokin talaga kita!" Pagsisigaw nito sa guwardiya sibil na nakatulala lamang sa dalagang patuloy na tumatalak sa harap niya.
"Saan ka ba nagpunta Sham!" Napapadyak sa inis si Aira at galit na tiningnan ang gulat na guwardiya sibil sa harap niya at padabog na bumalik sa loob ng gusali.
Nakita nitong kausap parin ng Heneral ang babaeng yumakap sakaniya ngunit nagmadali itong lumapit sa dalawa at hinila ang Heneral palayo sa Donya.
"Anong ginagawa mo Binibini?! Nakakahiya sa iyong Ina!" Galit na kinuha ng Heneral ang kamay nito mula sa pagkakahawak ng dalaga. Tumingin ito sa direksiyon ng Donya sa 'di kalayuan at kitang-kita nito ang gulat at galit na ekspresyon sa mukha ng Donya.
"Ina?! Hindi ko nga kilala 'yan ehh. Nawawala ang aking kaibigan. Kailangan ko siyang mahanap ngayon din para makahanap na kami ng paraan para makauwi sa'min." Balisa si Aira at naiirita na rin.
"Ang iyong kaibigan ay kinuha na ng kaniyang pamilya. Kaya ikaw, sumama ka na sa iyong Ina." Dinuro pa nito ang dalaga dahil sa inis.
"Hindi ko nga 'yan Nanay. Puwede ba? Makinig ka sa'kin! Kilala ko ang mama ko at sigurado akong hindi siya 'yan." Sigaw ng dalaga sa inis.
"Nasisiraan ka na ng ulo. Siguro nabagok 'yang ulo mo nang dukutin ka at naalog 'yang maliit mong utak kaya ka nagkakaganiyan."
"Gago ka ba?! Eh kung 'yang ulo mo ang ibagok ko nang ma-realize mong wala kang alam sa buhay ko kaya huwag mong ipilit sa'kin na nanay ko 'yan kasi hindi ko nga nanay 'yan. Nasa malayong lugar ang mama ko."
"Minura mo'ko? Kababae mong tao ganiyan ang bunganga mo? Ang ingay-ingay mo pa. Umuwi ka na nga!" Tinalikuran ng Heneral ang inis na inis na si Aira.
"Buwesit ka!!!" Sigaw ni Aira na umalingawngaw sa buong lugar. Sinundan din agad iyon ng isang kalabog nang tumama ang libro sa ulo ng Heneral. Librong dinampot lamang ni Aira mula sa maliit na mesa sa tabi niya.
"Maria Leonor!!" Iyon ang sumunod na umalingawngaw sa establisimyento. Ang unang beses na sumigaw ang ina ni Maria. Galit na galit itong naglakad papalapit kay Aira at marahas na hinila ang kamay nito. Naiwan namang pakamot-kamot sa ulo ang Heneral dahil sa sakit ng pagkakatama ng libro.
Nagpumiglas ang dalaga ngunit mas malakas at mahigpit ang pagkakahawak sakaniya ng kaniyang ina. Halos kaladkarin niya na anak dahil sa ginawa nito. Nang makalabas sila ay nagsitinginan sakanila ang mga dumadaang tao at nagsimulang magbulungan.
"Hindi ba't iyan si Donya Segunda at si binibining Maria? Bakit tila galit na galit ang Donya?"
"Ano kaya ang naganap sa loob? Bakit may nag sigawan?"
"Hindi ko rin alam."
"Binato raw ni binibining Maria ng libro ang Heneral."
Nagpalinga-linga sa paligid si Aira dahil sa mga naririnig niya. Mga tsismosa! Mag t-tsismis nangalang rinig na rinig ko pa. Mga tanga.
BINABASA MO ANG
A Past To Fix
Historical FictionIs it possible to go back in time? If you were given a chance to do so, what changes are you going to make? Two girls were forced by destiny to go back in time to fix what their ancestors broke and unravel the secrets that could save three clans and...