Nang makarating kami sa loob ay agad na may mga serbidorang kumuha ng mga gamit na pinamili ng binata. "Ahh Tess hindi parin ba nakakauwi sina ama at ina?" Tanong nito sa isang dalagang may bitbit na basket ng mga prutas.
"Hindi pa po Senyor Mateo. Ang sabi ni Melchor ay ipinatawag ng Gobernador Heneral ang iyong mga magulang at mayroon silang liham para sa inyo ni Senyorita Tanya." Sagot ng dalaga. Ngumiti si Mateo at nagpasalamat.
"Nasaan si Tanya?" Tanong ko rito.
"Halika, hanapin natin." Sagot naman niya.
Habang naglalakad ay sinabi ni Mateo ang tungkol sa plano nina Tanya ngayong araw na maligo sa ilog. Dinala niya ako sa isang silid ngunit walang tao doon nang buksan niya kaya nagtungo kami sa kanilang hardin.
Mula sa malayo ay tanaw ko ang dalawang babaeng nagkakape. Seriously?? Alas diyes na ata nagkakape? May ganito din pala sa panahong 'to?
"Senyor Mateo!" Sigaw ng dalagang nakaharap sa'min. Nang tumalikod ang isa pa ay agad akong nadismaya.
"Hindi naman yan si Tanya." Saad ko kay Mateo. Ngunit hindi niya ako pinansin at naglakad lamang kami papalapit sa mga babae. Hindi pa kami tuluyang nakakalapit ay may babaeng lumabas mula sa kusina at iyon nga si Tanya.
"Sham!!!" Sigaw ko at agad na tumakbo palapit sakaniya. Nagulat naman ito at nahulog pa ang dalang baso nang makita ako. "Aira!! Huhu." Agad akong niyakap ni Tanya nang makalapit na'ko sakaniya at napatalon pa nga kami sa tuwa.
"Anong nangyayari sakanila?" Tanong ni Mateo sa dalawang dalagang nakaupo sa mesa. Habang nakatanaw sa dalawang dalagang nagtitilian, nagyayakapan at tumatawa na parang naiiyak.
"Hindi ko rin alam ngunit tila natutuwa lamang silang makita ang isa't-isa." Sagot ni Leonora.
"Ha? Sigurado kang hindi sila nasasapian o nababaliw?" Tanong ulit ni Mateo.
"Hindi ako sigurado pero.. Hindi, natutuwa lang 'yang nga 'yan." Sagot nitong muli at uminom ng kape.
Napapalibutan ako ng mga baliw. -Anna.
Matapos nga ang pagyayakapan ng dalawa ay nagtungo ang mga ito sa mesang inuupuan nina Leonora at Anna. Umupo rin sa gitna ng dalawa si Mateo.
"Nakakatuwang makita na magkaayos kayong dalawa." Nakangiting saad ni Mateo saka ito sumipsip ng kape. Ngunit hindi ito pinansin ng dalawa.
"Kuya Mateo, Leonora, Anna. Paumanhin at mag-uusap muna kami ni Maria sapagkat mayroon akong mahalagang sasabihin sakaniya. " Pagpapaalam ni Tanya at agad na hinila si Maria na kukuha pa sana ng tinapay kahit may laman na ang bibig nito. Habang ang dalawa pang dalaga ay gulat na nakatingin kay Maria.
"Siya ba ang Mariang anak ng pinakamayayamang tao dito sa inyong bayan?" Tanong ni Anna kay Mateo. "Oo, siya nga si Maria Leonor ang unica ija ng pamilya Santos." Sagot naman ni Mateo habang nakatingin sa kapatid na hinihila ang kaibigan.
"Aira! Iyong isang babae kanina siya ang babaeng multo sa white building nung araw na napunta tayo dito. Tingin ko ay sila ang nagdala sa'tin sa panahong ito." Saad ni Tanya. Napatigil naman sa pagkain si Maria at sumeryoso ang mukha. Matapos lunukin ang pagkain sa bibig ay nagsalita rin ito.
"Hindi, hindi sila ang nagdala sa'tin dito. Ang matandang iyon, sa tingin ko ay siya ang nagdala sa'tin sa panahong ito." Sambit ni Maria. Nasa loob sila ng silid ni Tanya at nakaupo sa kama nito.
"Sinong matanda? At paano mo naman nasabi?" Tanong ni Tanya.
"Ang principal natin Sham. Nung araw na dinala ako sa tahanan ng mga Santos ay nakita ko ang apo ng matandang iyon. Siya mismo ang nagsabing mayroon tayong isang taon upang itama ang pagkakamaling sa panahong ito naganap at kapag daw hindi natin naayos iyon ay makukulong tayo sa panahong ito habang buhay. " Tugon ng dalaga.
BINABASA MO ANG
A Past To Fix
Narrativa StoricaIs it possible to go back in time? If you were given a chance to do so, what changes are you going to make? Two girls were forced by destiny to go back in time to fix what their ancestors broke and unravel the secrets that could save three clans and...