Alas-sais ng umaga nang makarating ako sa aking paaralan at ngayon ang unang araw ng klase. Ako si Aekiesha Jazmine Santiago isang Grade-12 HUMSS student sa paaralan ng Esperanza National Highschool. Ang paaralan naming ito ay mayroong kung ano-anong kuwento. Una, sinasabing ito raw ay dating simenteryo. May narinig din akong usap-usapang mayroong multo sa paaralang ito, may mga nasasapian at mga espiritong nanggagambala sa paaralan.
Isa sa sikat na naging usap-usapang narinig ko ay ang patungkol sa isang batang estudyante na alas-tres palang daw ng umaga ay nakita nang nakaupo sa library. Iyon ay base sa sinabi ng isa sa mga guro.
Maliban doon ay naging sikat na chismis rin ang tungkol sa dalawang kaluluwang gumagala-gala at madalas na nagpapakita sa balkonahe ng white building na nasa harap mismo ng aming main gate. Isang babaeng nakasuot ng baro't saya at isang lalaking naka barong Tagalog. Ayon sa usap-usapan ay ang mga babae lamang ang nakakakita sa lalaki at mga lalaki lamang ang nakakakita sa babae. Pareho daw itong puno ng dugo at hindi gumagalaw, sadyang nakatitig lamang sa mga nakakakita at hindi naman nananakit.
Madalas daw na nagpapakita ang mga ito tuwing alas-tres ng madaling araw sa mga dumadaan sa harap ng aming main gate.
Isa sa mga nakakita sa mga kaluluwang iyon ay ang aking kaibigan na si Aira at ang kaniyang kasintahang si Kristan nang mapadaan sila dito ng alas-tres mula sa isang sleep over. Nagbibisikleta umano sila at nakita ng aking kaibigan ang lalaki na agad niya namang ipinaalam sa kaniyang kasintahan na ang nakita naman ay isang babae.
Tuwing naalala ko ang mga iyon ay kinikilabutan ako lalo na at nasaksihan ko rin habang papauwi ang isang estudyanteng nagwawala dahil nasapian umano ng isang espiritu. Kitang kita ko iyon habang papalabas kami ng gate alas-sais ng hapon matapos ang ginanap na intramurals sa aming paaralan.
Kasalukuyang hapon na at kakatapos lang ng aming practice para sa gaganaping Kalimudan Festival.
"Snap out of it Sham! Matatakot ka nanaman mamaya!" Bulong ni Aekiesha sa kaniyang sarili habang naglalakad sa hallway ng ENHS. Alas-sais na ng hapon at madilim na ang paligid, wala nang masyadong tao sa paaralan maliban sa isang grupo ng estudyanteng pawis na pawis at kakagaling lamang sa isang dance practice.
"Sham! Bilisan mo madilim na!" Sigaw ng isang babae kay Aekiesha. "Papunta na Aira." Sagot naman ni Aekiesha sa kaibigan niya.
Oo, siya si Aira ang kaibigan kong nakakita ng isang multo sa white building kasama ang kaniyang jowang si Kristan.
"Shet! Hanggang ngayon tumataas parin ang balahibo ko tuwing nakikita ko 'yang white building na 'yan kapag madilim." Sambit nito habang nakapulupot ang kaniyang kamay sa braso ng kaniyang kaibigan si Aekiesha.
"Tigilan mo na nga ako! Nananakot ka lang eh." Suway naman ng dalaga. "Anong nananakot?! 'di ba puwedeng traumatized lang?!" Sagot naman ni Aira sakanyang kaibigan.
"Ija, maari niyo bang ihatid ito sa Imec office?" Pagtawag sakanila ng isang lalaking may katandaan na.
"Si Sir Delfin! Ang principal natin!" Bulong ni Aira sa kaibigan.
Nilapitan nilang dalawa ang kanilang Principal at kinuha ang kahon ng mga papeles dito. "Saan po banda ang Imec Office Sir?" Tanong ni Aira sa matanda.
"Ahh sa white building sa bandang kanan sa second floor naroon ang Imec Office. Nariyan sa kahon ang susi at pakibalik nalamang ang susi sa guard house." Magalang at nakangiting saad ng Principal.
"P-po? Sa white building po?" Tanong ulit ni Aira na pinipilit nalamang ang pag-ngiti. "Oo ija, maraming salamat." Saad naman ng matanda Saka hinawakan ang balikat ng dalawa at tinapik ito ng tatlong beses.
"Sige po, walang ano man po Sir. Magandang hapon." Saad na ni Aekiesha nang mapansing nagmala-bato ang kaniyang kaibigan.
"Halika na Aira" pag-aya ni Aekiesha sa kaniyang kaibigan at marahang hinila ito palapit sa white building.
Habang lumalapit ay mas tumitigas naman ang paglakad ni Aira kung kaya'y kinailangang itulak siya ni Aekiesha ng may kalakasan.
"Sham, natatakot ako." Saad ni Aira sa kaibigan. Kasalukuyang silang paakyat sa ikalawang palapag mula sa kaliwa. "Huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano at bilisan mo na nang makaalis na tayo kaagad." Marahang pagpapakalma ni Aekiesha kay Aira, ngunit sakabila noon ay nanginginig din ang kaniyang kalamnan sa takot.
Agad silang tumakbo sa Imec Office nang makita nila ito sa kabilang dulo ng hallway. "Ang susi?" Natatarantang tanong ni Aira. "Andito." Sagot naman ni Aekiesha at itinaas ang susi na agad namang dinampot ni Aira at binuksan ang silid. Nilapag nila ng mabilisan ang kahon at agad na isinara ang silid.
Pagharap na pagharap nila ay natanaw nila sa di kalayuan ang isang babaeng naka baro't saya. "Shet! Shet! Shet! Alas-sais palang! Pa'nong nagpapakita na 'yan?!" Takot na takot na saad ni Aira.
"Pero hindi ba't babae yan? We're also women. How come?" Tanong ni Sham habang nakayakap sa kaibigan. Nanginginig ang parehong tuhod nila at tila napako sa kanilang kinatatayuan habang pabilis nang pabilis ang paglapit ng babae.
Pareho nilang ipinikit ang kanilang mata nang maramdamang nasa harapan mismo nila ang sinasabing multo. "Hmm? Mga binibini? Nakikita niyo ba ako?" Tanong ng babaeng naka baro't saya.
"Shet! kinakausap tayo ng multo!" Bulong ni Aira sa tenga ng kaibigan. "Tumahimik ka!" Pabulong na suway ni Sham kay Aira.
"Hmmm, naririnig niyo nga ako at siguradong nakikita niyo rin. Ngunit, paano nangyari 'yon?" Saad ng babae.
"Cristobal! Cristobal! Halika't tingnan mo 'to!" Natutuwang sigaw ng dalaga at marahang tumatalon-talon pa. Dahil sa kuryusidad ay binuksan ni Sham ang kaniyang mata at imbis na nakakatakot na babaeng naka suot ng baro't saya ang inaasahang niyang makita ay taliwas ito sakanyang nasasaksihan ngayon. Ang babaeng nasa harapan niya ay isang napakagandang dalaga, maputi at nagliliwanag sa puti ang dalagang nakasuot ng dilaw na baro't sayang may burda ng puting gumamelang yari sa diyamante. Matangos at talagang nakakahumaling ang ganda ng itsura nito at idagdag pa ang dalawang biloy sakaniyang pisngeng nagpapaganda sakanya lalo, mayroon din siyang mahaba at maalon na buhok abot hanggang tuhod ang haba no'n.
Matapos sumigaw ng mesteryosang dalaga ay agad niyang nakita ang isang lalaking bigla lamang lumitaw mula sa kung saan. Tulad ng dalaga ay sumisigaw ng kaguwapohan ang itsura ng binata. Nakasuot ito ng polo na kulay puti at (trouser) na kulay tsokolate, maputi rin ito at tulad ng dalaga ay nagninigning sa puti, matangos ang ilong, masingkit ang mga mata, mapupula ang labi, may magandang gupit ng buhok, matangkad at may napakagandang tindig. Kitang-kita ang ganda ng katawan niya kahit nakadamit ito.
Huminto sa tabi ng dalaga ang lalaki at tumingin sa dalaga. "Ano 'to? Babaeng na-estatwa sa takot?" Tanong ng binata. "Nakikita nila tayo! Natutuwang saad ng dalaga. Sila na nga! Sila na ang magpapalaya sa'tin! Sila ang sagot sa aking dalangin." Natutuwang saad ng dalaga.
"Sham? Ano daw?" Nakapikit na bulong ni Aira. "I don't know, but open your eyes." Sagot naman ni Sham.
Binuksan ni Aira ang mga mata at nakita ang dalawang taong puno ng dugo at ang isa ay putol pa ang kamay.
"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!" Matinis na sigaw ni Aira bago kumaripas ng takbo pababa ng hagdan ngunit bigla itong natapilok at nahulog.
"Aira!!" Sigaw naman ni Sham at sinundan ang kaibigan, nakita niyang malakas ang agos ng dugo mula sa ulo nitong tumama sa pader at gilid ng hawakan ng hagdan. Tumakbo ito papunta sa kaibigan nang maramdaman niya ang malakas na puwersang tumulak sakanya na naging dahilan din ng kaniyang pagka-hulog.
Bago tuluyang mawalan ng malay si Sham ay narinig pa nito ang pagtawa ng lalaki, ang nag-aalalang tinig ng babae at isa pang tinig ng kararating lamang na lalaki.
"Bakit mo tinulak?!" Nag-aalalang tanong ni Leonora. "Iyon ang nararapat kong gawin. Ngayon ay simulan mo na ang dapat mong gawin." Sagot naman ni Sebastian. Mga salitang kaniyang narinig bago tuluyang mawalan ng malay si Sham.
BINABASA MO ANG
A Past To Fix
Historical FictionIs it possible to go back in time? If you were given a chance to do so, what changes are you going to make? Two girls were forced by destiny to go back in time to fix what their ancestors broke and unravel the secrets that could save three clans and...