Chapter 1

841 30 11
                                    


"Kailan ka ba uuwi? Miss ko na si Ari!" Sky said over the screen.

Kasalukuyan akong nakaupo sa living room nang tumawag sa facetime si Sky. Akala ko naman emergency dahil gabi na sa pinas!

"Alam mo, napaka oa mo! Isang linggo palang kami dito huy!" Pag irap ko kay Sky sa screen. Nasa US kami para bisitahin si ate pero hindi naman kami dito titira. Ayoko nga! Tama na 'tong bisi-bisita lang.

Halos pitong taon mula ngayon, matapos kong ipanganak si Ari, nakapag abroad na rin si ate Ria. She didn't want to leave but I pushed her to do it. Pangarap niya 'yon eh. Naisip ko noon na siguro panahon na para unahin naman niya ang sarili niya. Besides, Ari and I can manage. For the past five years, kinaya naman. Kaming dalawa lang.

"Ano, hindi mo pa rin ba talaga nakaka salubong diyan?" Napairap naman akong muli sa tanong ni Sky. Isang linggo na niyang inaabangan na makasalubong ko si Archie rito na akala mo ang liit-liit ng New York para sa aming dalawa.

Almost seven years ago, during our graduation, I told him that I was pregnant. Hindi ko naman gustong humingi ng tulong sakanya noon. Ipinaalam ko lang naman dahil deserve niyang malaman dahil siya ang ama. Siya ang sperm donor 'no! Ayoko namang masali pa kami sa listahan ng mga napa bilang sa taguan ng anak trope!

"Hindi nga, Sky. Bakit ba gustong gusto mong magkita kami ni Archie?!" I said.

Sky chuckled on the other line.

"Gusto ko kasing malaman ang reaksyon niya kapag nakita niya si Ari ngayon! Kamukhang kamukha niya kasi, pero 'yung pormahan ni Ari, ikaw na ikaw! Puro butterfly tuloy sa ulo!" She exclaimed as I chuckled.

Hindi ko talaga pwedeng i-deny na si Archie ang ama. Ari's features were heavily gotten from the Aguerros. Thank you nalang din sa panginoon dahil ang ganda ng lahi nila. Mas maraming nakuha si Ari mula sakanya kaysa sa'kin. Ang daya! Ako ang nag hirap pero si Archie ang kamukha?


Aria Celestine. I named her Aria Celestine. Gusto ko kasi na malapit ang pangalan niya kay Archie. Kung alam ko lang na makukuha niya ang features ng tatay niya, edi sana Roxy number 2 nalang ang inilagay ko sa birth certificate niya. Kahit pangalan man lang sana. Walang nakuha sa'kin, beh! Ako pa tuloy ngayon ang lugi!

Pero bukod doon ay may mas malalim na meaning din naman! Arc. Derived from the first few letters of Aria and Celestine. Ari was like a beginning of an arc and an era for me. Siya ang plot twist na hindi ko talaga inaasahan pero hinding hindi ko pagsisisihan.

Masyado akong pre-occupied kaya tila nakalimutan ko na nasa harapan ko pala ang laptop ko at kausap si Sky. Tanong tanong pa kasi 'to eh, naalala ko na naman tuloy!

"Lalim niyan, ah?" Sambit ni Sky nang mapansin na tila wala ako sa wisyo. Napapaisip na rin talaga ako na paano nga kung maka salubong ko rito si Archie? Anong gagawin? Mag he-hello ba ako o ano?

"Kainis ka kasi! Archie ka kasi nang Archie eh, napapa isip na rin tuloy ako ngayon kung anong sasabihin ko sakanya after kong makipag laro sakanya ng dedma-dedmahan for five years," I sighed. Sky looked worried. Mula sa ekspresyong mapang asar ay biglang sumeryoso si Sky.

"If that happens, ready ka ba na harapin siya? Paano mo ipapaliwanag lahat 'yon, Rox? You robbed him five years," Sky said seriously.

Archie was willing to become a father. Una palang, noong graduation palang naman, sinabi na niyang kaya at gusto niya akong panindigan. Pero ako ang tumanggi. Archie didn't stop there, though. He used to call every night to check up on me even if he's miles across the country already. He was helping me financially too, pero binabalik ko sakanya. Ayokong tanggapin dahil baka kung ano pang masabi sa'kin, lalo na ng nanay niya. Nag iingat lang.

The last time we've seen each other personally was when I gave birth to Ari. I was shocked when he suddenly went back home. Hindi ko alam kung paano o kanino niya nalaman, pero Archie being Archie, sumulpot na naman siya sa buhay ko nang walang pasabi noong araw na 'yon.

He was there to take care of me. He was there to tell me how much he still wanted to build a home with me— and whenever I used to reject him, he'd offer me to choose from either friendship or companionship.

"I did what's best for the three of us, Sky. Tsaka, kaya naman namin, 'diba?" Mapait kong ngiti kay Sky. Alam kong maiintindihan niya dahil nariyan siya simula sa umpisa.


"Ikaw naman 'yan at the end of the day, Rox. Gusto ko lang na ready ka kung sakali man. Hindi biro ang limang taon 'no," Sky smiled sadly at me. We had few more conversations before she ended the call.


Archie and I remained in touch until Ari's first year. Nakita ko lahat ng effort ni Archie for Ari. For me. For us. He proved himself even if he's miles away from where we were. Unti-unti ring lumambot ang puso ko noon para kay Archie. Hindi na siya maligno sa mga mata ko. I started from seeing him as Ari's father, but slowly, I began to see him as someone that I might spend my life with.

Sa tingin ko, naramdaman ni Archie 'yon. He became more persistent. He wanted to come home to us. Gusto ko naman, eh. Gustong gusto. God knew how I wanted him to come home, but I knew that he was already doing great.

He took up film for college. Noong mga panahong 'yon, nakikilala na ang mga gawa niyang short film kahit na estudyante palang siya. He was so happy about it, and I didn't want to be selfish and take that happiness away from him.

I started drifting away from him. Ayokong pumagitna na naman sa pangarap ng isang tao, kagaya nalang ng nangyari kay ate.

After several months of drifting apart, sinabi ko kay Archie na tantanan na niya 'ko at 'wag na niya akong kakausapin kahit kailan. I even lied about finding another guy who can stand as Ari's father. Para sakanya rin naman 'yon eh. Hindi siya makaka move on kung palagi kaming mag kausap. Hindi siya makakapag focus doon kung ang laman ng isip niya ay umuwi rito para sa amin.

"Mama! Let's eat po!" Naagaw ang atensyon ko at napalingon kay Ari na may dalang tinapay para sa aming dalawa. Agad akong napangiti bago tanggapin ito at yakapin siya.

This is what life looks like now for me and Ari. I don't know how it looks like for Archie now, but I hope it's worth what I sacrificed.

AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon