"I didn't know you live here na pala!" Z said with excitement as we entered her home. It was nice and spacious. Minimalist din ang disenyo kaya ang linis sa paningin.
"Hindi! Bumisita lang," Nahihiya kong sabi habang nananatiling nakatayo sa gilid. Ang awkward naman nito! Never naman kaming naging close noon at never din naman kaming nag usap nang maayos. Puro sigawan at bangayan lang yata ang tanging interaction namin. Siguro pinanganak talaga ako para makipag bangayan sa mga Aguerro!
"Who? Omg, new boyfriend?!" Nanlaki ang mata ni Z kaya agad naman akong natawa sa reaksyon niya. Sana nga, boyfriend, Z! Makaranas man lang ng boyfriend na tiga-New York, 'no!
"Kapatid ko," Matipid na sagot ko bago niya ako iginiya na umupo sa isang kulay gray na couch. Ang ganda nung couch, ha. Mukhang bagay sa talk show ang atake! Hindi girly ang interior, ah? Parang hindi tuloy si Z ang nakatira.
"K-kamusta?" I awkwardly asked. I wanted to start a conversation to lessen the dead air around us. Mukhang wala rin kasing maisip na sasabihin si Z kaya inunahan ko na. Mapanindigan ko man lang ang madaldal na Roxy na nakilala niya noon.
Inilapag ni Z ang dalawang baso ng orange juice na kinuha niya bago ngumiti at umupo sa tabi ko. Ang weird sa pakiramdam! Never ko naman kasing na-imagine na magkaka talk show na atake kami nito sa buong buhay ko.
"Better! So much better than I was years ago," She smiled genuinely. Kahit na 'di kami close, masaya ako na maayos na siya. Zyra went through a lot during our senior year. Bully si Z noon pero sa totoo lang, hindi niya deserve lahat ng nangyari sakanya.
Ang sama-sama ng tingin ko noon kay Z. I hated her. A lot. But as I grew older, I realized that she and Archie just came from a very problematic household. Now that I am a parent, I realized that the character you show your children at home would reflect on who they are going to be. Ingat na ingat ako sa harap ni Ari dahil gusto ko siyang lumaki sa maayos na environment. Ayaw kong maramdaman niya na may mali o kulang sa kanya o sa pamilya namin.
"How was the... therapy?" I hesitantly asked. Parang mali nga yatang tanungin 'yon dahil baka ayaw niyang pag usapan. Alam mo, Roxy, ewan ko sa'yo.
"It was— wait, bakit mo alam?!" Gulat niyang tanong. Napa harap pa siya ng upo sa direksyon ko. Did I really make her uncomfortable? No one else knew about the therapy besides their family. Naging usap-usapan noon ang pag alis nila pero agad ding nawala dahil ang sabi-sabi ay balak siyang gawing model ng nanay niya rito sa America. Hindi ko rin alam kung bakit pinaniwalaan 'yang balita tungkol sa model-model. I mean, gets ko naman na trip 'yon ng nanay niya, pero sa dami ng nangyari noon sa Northford, tingin ba nila uunahin ni Z mag gaganon?!
"Sabi ni Archie," I simply said.
"Oh it was kuya lang pal— si kuya?!" Gulat na naman niyang sagot. Shet, hindi niya ba alam? Wala pa 'kong thirty minutes dito, mukhang mapapa-overshare na 'ko. Pucha, magiging tungkol pa yata sa'kin ang usapan na 'to.
"Nag paalam siya noong graduation. Aalis na raw kayo kasi, ayun nga, kailangan mo raw," Pag k-kwento ko kay Z.
"I was right about kuya liking you all along. I mean, he wouldn't bid goodbye if you weren't special, 'diba?" Z smiled at me.
Ibig bang sabihin ay hindi niya rin alam ang tungkol kay Ari? Archie didn't tell her anything? Kahit 'yung part na crush niya ako?! That's strange. Knowing the two of them, they literally share everything to each other. Wala namang sikreto sa pagitan nila dahil silang dalawa nalang naman ang magka sangga sa buhay. Ride or die sila, eh.
"I saw him before kaya! He was watching your live selling, and you know what? Naka smile siya the whole time! Kaso nahuli ko siya then he said he was just scamming you," Pag susumbong ni Z.
Napatawa ako nang maalala ko si darkgray. Username 'yon ni Archie noong bumibili siya sa live selling ko. Loyal customer ko 'yon, 'no! Ngayon ko lang nalaman ang back story ng scam era ni darkgray, my favorite customer. Binayaran niya rin naman lahat ng pinag ma-mine niya dahil tinakot ko siya!
Kinuha ni Z ang orange juice na kanina pang naka lapag sa lamesa at sumimsim dito bago tumingin nang direkta sa mga mata ko. Grabe naman tumitig 'to, hanggang sa kaluluwa ko yata umabot ang tingin niya!
"Did you like him back?" Pinaningkitan ako ni Z ng mata. Bakit naman ako hina-hot seat sa talk show-talk showan namin? Dapat sex or chocolates lang ang tanungan dito!
"Bakit mo tinatanong?! Pero alam mo o—" Napairap si Z nang maputol ang sasabihin ko dahil may biglang pumasok sa main door. Agad kong nilingon ang pigura at agad ding nag haramentado ang puso ko. Ganito pala siya sa malapitan. Ganito na pala si Archie kapag harap-harapan.
Nakita ko ang gulat mula sa kanyang mga mata pero agad niyang binawi 'to.
"I left something lang, Z. Kunin ko lang," Sambit ni Archie habang tuloy-tuloy na nag lakad patungo sa lamesa para kunin ang disposable vape na kanina pang naka patong dito kasama ng mga orange juice.
"Won't you say hi, kuya?! Oh my god, don't you remember this girl?!" Sambit ni Z na tila hindi maka paniwala na hindi man lang ako pinansin ni Archie. Ni hindi na niya ako tinapunang muli ng tingin.
"No? Why? am I supposed to know her?" Archie said as he finally laid his cold stare at me. He still had the same set of mesmerizing eyes... but he doesn't look at me the same way anymore.
![](https://img.wattpad.com/cover/360849494-288-k940491.jpg)
BINABASA MO ANG
Afterglow
FanfictionFrom different places with different timezones, what will happen if Roxy and Archie cross paths again after several years of losing contact? Will things finally work out this time? Would they choose to ignore each other... or will two lost people fi...