Chapter 4

813 38 16
                                    


"I'll get going," Archie said as he averted his gaze immediately before going out of the door right away.

Bakas sa ekspresyon ni Z ang pagka gulat at halatang halata rin sa mukha ko, hindi lang ang gulat, ngunit pati sakit mula sa sinabi niya.

"I don't believe him," Z stated. Napalingon ako sakanya na siya pa ring nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Archie.

Kahit naman ako, hindi naniniwala. I know it's been years since the last time we talk and the last time we've seen each other... but it's impossible to forget what we've had— o baka sa akin lang naman imposible na makalimutan siya?

"Hayaan mo na," Buntong hininga kong sabi kay Z nang inilipat na niya ang tingin mula sa pinto patungo sa'kin. Kinuha niya ang orange juice at dali-daling uminom nito na tila pinapa-kalma niya ang sarili niya.

"Seriously, Roxy, what happened between the two of you?" She interogated.

Nilalamig na naman ako sa tanungan nito ni Z. Bakit ba ayaw nalang niyang hayaan na hindi raw ako kilala ng kuya niya? Sabi na, mali 'tong talk show-talk showan namin nito ni Zyra eh. Paano ako mag kukwento? Anong ikukwento ko? Hanggang saan lang ba dapat? Paano ko ba sisimulan 'to ngayong hindi pa ako nakaka recover mula sa sinabi ni Archie?!

"We have a child," Sambit ko habang mariing naka pikit. Hindi ko na rin kasi alam kung paano ko sasabihin dahil ano pa bang meron kami ni Archie bukod sa anak? Wala naman, 'diba? Ni hindi nga naging kami.

Halatang halata mula sa mukha ni Z ang pagka gulat nang tumingin siya sa'kin na tila hindi ako kapani-paniwala. Mukhang fake news peddler pa ako sa utak nito ah!

"You're joking, right?" She said as she blinked her eyes continuously. Sana nga joking lang ako, 'no! Sana nga nag bibiro nalang ako na may anak kami ng taong hindi na raw ako maalala. Pero kasalanan ko rin naman kasi eh. Ako naman ang nag taboy sakanya, 'diba? Hindi lang isang beses— kundi paulit-ulit. Maybe, just maybe, I deserve it. Maybe I asked for it.

"Oh my god, no?! May anak kayo?! Nasaan? Please, I have to see my pamangkin!" Tuloy-tuloy na sabi ni Z. Halo-halong emosyon na ang pinapakita niya. Alam kong hindi pa rin siya maka paniwala pero ramdam ko rin ang pagka sabik niya na makilala si Ari. Wala naman sigurong masama roon, 'diba? Tita pa rin naman talaga siya ni Ari at the end of the day.

"Nasa bahay," Matipid kong sambit. Tumayo kaagad si Z at hinawakan ang kamay ko para igiya palabas ng pinto. Kinakabahan ako. Paano kung magulat si Ari? Paano kung hindi pala siya handa na malaman na may iba pa siyang pamilya bukod sa amin ng ate ko?

"But wait, Roxy," Tumigil si Z sa pag lalakad nang akma na sana kaming papasok sa gate ng bahay na tinutuluyan ng ate ko rito sa New York. Hindi naman kasi talaga sa'min 'to. Pinauupahan lang ng boss niya sakanya nang mas mura. Hindi pa naman kami kasing yaman nila Z para ma-afford ang isang buong bahay dito, 'no.

Tumingin ako kay Z habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Medyo nagsisimula nang dumilim ang palagid kaya unti-unti na ring mas lumalamig ang bawat pag salpok ng hangin sa akin.

"Care for a story time?" Z tried to ask. Hindi ako sumagot ngunit binuksan ko ang gate para sakanya at inihatid siya sa bakuran kung nasaan ang kaninang upuan at maliit na lamesang tina-tambayan namin ng kapatid ko. Nakakaloka, may part two pa pala 'tong talk show-talk showan namin ni Z!

"Ano bang gusto mong malaman?" Maiksi kong tanong. Hindi pa rin ako ganoon ka-kumportable kay Z kaya naman hindi ko maibigay ang pang malakasang communication skills ko.

"How did it start? I mean, you and kuya!" She seemed excited. The memories of us came rushing by as she asked the question.

How did it actually start? I tried to recall everything that had happened years ago, only for me to realize that Archie gave me hints about him, liking me, but never really verbalized it until after graduation, aka after Ari happened.

AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon