"Yehey, hindi ka po scammer!" Aria cheered as Archie and I sat down on the table with them.
Naalala ko na naman tuloy ang pagiging scammer niya sa live selling ko dati! Hay nako, darkgray— you will always be famous. Scammer 'yan, Ari. Retired nga lang!
"Of course. I don't break my promises," Archie assured Aria.
Pabalik-balik ang tingin ni Sky mula sa akin at sa mag ama ko na aliw na aliw sa pag k-kwentuhan. Nananatili akong nakatingin sakanilang dalawa.
Hindi ko alam kung bakit ganiyan ang tiwala ni Aria sakanya dahil ang turo ko sakanya ay don't talk to strangers. Usually, sinusunod niya naman 'yon at talagang mataray siya sa mga 'di niya kilala. Iba siya kay Archie! Ewan ko ba, hindi naman mukhang mabait 'to si Archie, jusko, mukha ngang maldito!
"Ilang taon na po ikaw? Ako kasi six!" Ari interrogated.
Sasagot na sana si Archie ngunit dumating ang waiter para ihatid ang order. Si Sky na ang namili para sa amin ni Archie para raw mabilis at kakain na lang kami pag dating dito.
"I'm 24 na. When's your birthday, Ari? Let me guess, October?" Archie asked back gently.
Napatawa si Sky nang marinig ang sagot ni Archie. Let me guess, let me guess! Malamang, alam niya kasi naroon siya 'no. Siya pa nga ang unang nakakita kay Aria noon sa nursery habang nag papahinga ako.
"Ang galing! Birthday ko po, October 12! Ikaw po? Bibigyan ko po ikaw ng gift!" Magiliw na sabi ni Aria kay Archie.
Love language talaga ni Aria ang gift giving. Ang dami ko nang naipon na letters mula kay Aria dahil mahilig siya sa handmade gifts. Ang artistic niya pa! Maganda na kaagad ang penmanship niya at magaling na siyang mag kulay. Nakakapag drawing na rin siya pero 'yung madadali pa lang.
Mukhang namana niya kay Archie 'yang art art na 'yan dahil surprisingly, magaling naman pala talaga siya sa ganon. Kaya pala makapal ang mukha niya dati na mag suggest ng scale model para sa collab project namin, kaso ayun lang, tamad.
"July 15," simpleng sagot ni Archie.
Nag simula na kaming kumain at napansin ko na medyo kumakalat ang spaghetti sauce kay Ari. Pupunasan ko na sana ngunit naunahan ako ni Archie. Nag tinginan kami ni Sky nang dahil sa nasaksihan at marahang ngumiti sa isa't isa.
"Do you want anything for your birthday, Ari? You tell me ha, para I can give you everything you like!" Archie said, smiling at my daughter. Should I say our daughter?
"Ang wish ko lang po sa birthday ko, maging happy si mama. Lagi kasi akong inuuna niya maging happy," Aria smiled at Archie. Napalingon si Archie sa akin bago tumango kay Aria.
Teka, parang gusto ko tuloy maiyak sa naging sagot ni Aria! Hindi ko alam na napapansin niya pala lahat ng bagay na ginagawa ko para sakanya. I want to give Ari the best life possible. If I had to take a bullet for her, I would gladly do it. Gusto kong lumaki si Ari sa isang pamilya na pinakikinggan siya, inaalala, at minamahal.
"T-Then we'll make your mama happy," Archie stuttered.
Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko nang dahil sa narinig. Anong make me happy, make me happy?! Ikaw Archie, sinasabi ko sa'yo!
Time went by faster than I thought. Dumaan din kami sa isang kilalang mall dahil gusto raw ni Aria bumili ng mga bagong pang kulay. Todo bigay naman si Archie! Kulang nalang bilhin ang buong national bookstore. Pinigilan ko na nga lang dahil masyado nang marami!
Inabot na kami ng hapon sa pag iikot kaya napag desisyunan na naming umuwi. Archie insisted to take us home. Sakto dahil kailangan na ring mauna ni Sky dahil may usapan din pala sila ni Tita Tanya.
"Thank you po, kuya Archie! Hayaan mo po, babayadan ko ikaw kapag malaki na 'ko!" Aria assured Archie as we entered the living room. Yakap yakap ng anak ko ang paper bag na puno ng art materials na binili ni Archie.
"Don't worry about it, okay? Gusto mo turuan kita mag paint?" Ngumiti si Archie habang ginugulo ang buhok ni Aria. Nag liwanag naman ang mukha ng anak ko habang inilalabas ang art materials.
Sumalampak si Aria sa sahig at tinabihan naman siya ni Archie habang inaayos nila ang mga kakailanganin. Pinagmamasdan ko silang dalawa at palihim akong napapa ngiti mula sa kitchen island. Mag luluto ako ng gabihan para sa'min dahil alam kong na-miss ni Ari ang luto ko, at si Archie... baka miss niya na ring kumain ng Filipino food.
"Hala, ang galing mo naman po?!" Gulat na sambit ni Aria nang silipin niya ang maliit na canvas ni Archie.
"You're good at it too! Look oh, ang galing mo mag color," He pointed out. Archie's a whole different person with Aria. He's very gentle and he doesn't sound mean. Napaka lumanay ng boses niya pag dating kay Ari, at palagi siyang nakangiti!
Ilang sandali pa ay tinawag ko na sila para kumain nang maluto ang sinigang. Favorite ni Aria. Napuno naman ng kwentuhan nila ang hapag kainan na akala mo hindi bagong magkakilala at hindi magkasama buong araw. Ilang sandali pag tapos ng hapunan ay dinapuan na ng antok si Aria. Umakyat kami para ihatid na siya sa kwarto.
"Goodnight, kuya Archie! Balik ikaw po dito!" Sambit ni Aria na pumasok na sa kwarto bago pa man makasagot si Archie. Sinundan ko si Aria para mabihisan siya bago matulog.
It has been a long day for me. Alam kong hindi ko na maiiwasan si Archie at ang mga tanong niya pag tapos nang lahat ng nangyari ngayong araw. Hindi rin mabura-bura sa isipan ko kung paano ko maipapakilala si Archie kay Ari bilang tatay niya. Ang random kasi na bigla ko namang sasabihin na tatay niya 'yung naka salubong namin si airport, 'no.
Nang tuluyan nang makatulog si Aria ay dahan-dahan akong lumabas sa kwarto. Nasilayan ko si Archie na nakatayo sa balkonahe habang hawak ang vape na hindi na hindi naman niya ginagamit.
"Archie," Nahihiyang tawag ko sakanya na siya namang nakapag palingon sakanya.
"Can we talk?" Sambit ni Archie bago ko siya tuluyang sundan sa maliit na balkonahe sa gilid ng kwarto ni Aria.
Ito na. Hindi ko alam kung anong marapat kong maramdaman dahil sa loob ng halos pitong taon, ang araw na 'to ang pinaka hinihintay kong mangyari at siya ring pinaka kinatatakutan ko.
BINABASA MO ANG
Afterglow
FanficFrom different places with different timezones, what will happen if Roxy and Archie cross paths again after several years of losing contact? Will things finally work out this time? Would they choose to ignore each other... or will two lost people fi...