"Take care, okay? Contact me if you need anything, ha!" Bilin ni Zyra.Kasalukuyan kaming nasa airport dahil pabalik na kaming muli sa Pinas. Tapos na ang New Yorker era namin ni Ari— oras na para bumalik sa QC. From winter to araw-araw summer! Hindi ba 'ko magkaka sakit sa init-lamig na 'yan? Charot.
Nag paalam na kami kina ate Ria at Z bago tuluyang mag board. Zyra insisted to take us to the airport, at pumayag naman ako dahil mukhang tuwang tuwa si Aria sakanya. Nagulat nga ako na ang bilis nilang maging close kagabi. Gamay na gamay agad nila ang trip ng isa't isa!
"Mama, when will I see tita Zyra again?" Ari asked as we finally sat down on the plane. Napangiti naman ako sa tanong niya. Natutuwa ako na mayroon kahit isa man lang sa side ni Archie ang kilala niya. Z instantly loved her too! Bukod siguro sa nakakatuwang bata talaga si Ari, ay naramdaman din ni Z na tita na siya. Mabait siyang tita, in fairness! 10/10 ang rating ko sakanya, would recommend!
"Baka matagal pa, pero promise ni mama, mag kikita kayo ulit!" I raised my right hand, as a pledge and seal to my promise. Ngumiti lamang si Ari sa naging sagot ko bago siya hilahin ng antok.
Going back to Manila means going back to reality. Sembreak lang naman namin kaya ako nakahanap ng tyempo na bumisita kay ate. Nag simula na kasi akong bumalik sa pag aaral ngayong school year. Swerte rin na communications ang gusto kong program kaya hindi naman ganoon kalaki ang oras na kinukuha nito mula sa'kin kaya nababantayan ko pa rin si Ari. Kapag wala naman ako ay si Sky ang umaantabay. Best ninang award 'yon si Sky!
Mabilis na lumipas ang oras. Unti-unti na rin akong hinila ng antok nang dahil na rin siguro sa pagod. Saktong pag gising ko ay ilang sandali na lamang bago lumapag ang eroplano. Balik Manila, balik initan na naman!
"Ari, wake up na, anak," Marahang pag gising ko kay Ari. Ginising ko na agad dahil ayaw niyang binibigla siya sa umaga. Para rin mahimasmasan muna siya bago kami tuluyang bumaba.
Aria slowly opened her eyes and smiled lazily at me. She encircled her arms to my neck, pulling me into a hug. She's a really sweet kid— I think, she got it from her dad.
Back in senior high, Archie has always been a fan of sweet gestures. Halimbawa nalang ay 'yung promposal niya na tinanggihan ko. Who would've thought that we would see Archimedes Aguerro, holding flowers and a banner in his hands just to ask a girl out? Ang ganda ko, 'no? Roxy lang 'to, uy!
Naalala ko rin 'yung customized corsage na binigay niya noong araw ng prom. Itinabi ko 'yon! Hindi ko rin alam kung bakit, pero it felt special.
Lowkey pa lang siya noong senior high!When he moved to the US, Archie would send just because flowers almost every other day. Napaka weird! Sabi niya noon, we could be friends daw who calls and texts each other everyday. Pucha, tropa premium pala!
When he went back to the country when I gave birth to Ari, he would cook for me everyday. He'd give me whatever I want. Isang beses ay nag nag bigay 'yon ng customized film roll na may lamang 100 things I like about you, at ang huling strip ay may nakasulat na "I can't wait to get to know Aria more". Itinago ko rin 'yon kasi aminin mo ate, sweet siya don! Grand gesture awardee siya sa part na 'yon, ate ko.
"Tawag na tayo yata, mama!" Napahinto ako sa pag babalik tanaw sa mga pa-ganap ni Archie nang mag salita si Aria sa tabi ko. Lumapag na ang eroplano at napansin niya siguro na nag aayos at tumatayo na ang iilan.
Ilang sandali pa ay nakababa na kami ni Aria sa eroplano. Tuwang tuwa na naman ang bata nang maramdaman ang hangin ng Pinas! Kasalukuyan naming iniintay si Sky dahil nag presinta siyang siya na raw ang susundo sa amin ni Ari. Ang tagal ni Sky! Kanina ko pa gustong mag cr pero hindi ko naman pwedeng iwanan ang mga bagahe at si Aria!

BINABASA MO ANG
Afterglow
FanfictionFrom different places with different timezones, what will happen if Roxy and Archie cross paths again after several years of losing contact? Will things finally work out this time? Would they choose to ignore each other... or will two lost people fi...