"Father thing lang," I corrected.Kakabalik ko lang muli sa balcony dahil bago ako sumagot ay nag paalam muna ako kay Archie na kukuha lang ulit ng beer. Mahaba-habang kwentuhan pa 'to.
Hinila ko ang maliit na upuan dahil medyo nakakapagod din palang tumayo. Mukhang hanggang ala una ng madaling araw pa kami rito ni Archie dahil mukhang marami pa kaming kailangang pag usapan... nang kalmado. Nang pilit na isinasantabi lahat ng nangyaring sakitan sa pagitan namin para kay Aria. Para sa anak namin.
"Right. Father thing," Archie nodded.
Umupo si Archie sa isang foldable chair na kagaya rin ng sa akin. Hawak niya nang muli ang disposable vape na kaninang ibinulsa niya. Akma na siyang hihipak ng usok mula rito ngunit naputol siya ng tanong ko.
"Nag gaganyan ka pa rin pala 'no," Puna ko. Archie used to smoke back in senior highschool. Lahat yata ng uri ng bisyo ay nasubukan niya noon; Alak, usok, pera—maliban sa babae. Bago pa man namin siya maging kaklase, wala naman akong nababalitaan na may nali-link sakanya. Hindi naman sa updated ako pero 'diba nga, famous-famous silang mag kapatid dati sa Northford!
"Ayaw mo pa rin ba?" Dahan-dahang ibinaba ni Archie ang disposable vape at muling itinago sa bulsa niya.
"Bakit mo tinago? Baliw, ayos lang!" Natataranta kong sabi nang bigla niyang itago ito. Nag tatanong lang naman ako!
"No, sorry. Nawala lang sa isip ko na you aren't comfortable when someone smokes around you," Archie said, remembering what I told him back in the days.
Todo reklamo kasi ako sakanya noon kapag nakaka amoy ako ng usok ng sigarilyo o ng vape, particularly kay Kenjie. Ginawa kasing delivery guy ni Archie noon si Kenjie ng mga gusto niyang ibigay sa'kin!
Nakita kasi nila ang isa't isa accidentally nang mag bakasyon sa states si Kenjie para mag hanap daw ng sarili. Si Archie ang ginawa niyang tour guide! In return, siya ang inuutusan ni Archie para dalhan ako ng kung ano-anong mga pinabibigay ni Archie.
Matagal din silang nag kasama sa states kaya may nabuo silang pag kakaibigan. Who would've thought? They remained in touch even if Kenjie went back home already. Miss na miss nga lang niya lagi si Archie kaya ginagawa niya nalang kapitbahay ang states! Ayun, siya tuloy ang nauutusan ni Archie para mag dala ng mga pasalubong at kung ano-ano rito!
"Ikaw, crush mo pa rin siguro ako," Biro ko kay Archie nang maalala niya pa rin ang isa sa mga bagay na ayaw ko. Muntik na niyang makalimutan pero sabi ng delusional self ko, atleast naalala niya pa rin.
"And if I say yes?" Archie raised a brow at me.
Bakit biglang ang gaan? Akala mo hindi nag sagutan kanina... may crush-crush na namang nalalaman ang mga chikiting!
"Sus, 'kala ko ba you don't know me? Ganon ang atake mo sa new york, 'diba!" Pag babalik ko sa inakto niya roon. Masakit 'yon ah! Buong byahe yata pauwi ay ayun lang ang laman ng isip ko. Ewan ko sa'yo, Archie.
"What were you doing there, anyway?" He asked. Tignan mo 'to, si iiwas na naman.
"Oh bakit, bestie kami ni Z? Hinatid pa nga kami ni Ari sa airport," Pag yayabang ko sakanya.
Napatingin sa akin si Archie at halata sa mga mata niya ang gulat sa sinabi ko. Hindi siguro nito tanggap na mas nauna pa ang kapatid niya na makitang muli si Aria.
BINABASA MO ANG
Afterglow
FanficFrom different places with different timezones, what will happen if Roxy and Archie cross paths again after several years of losing contact? Will things finally work out this time? Would they choose to ignore each other... or will two lost people fi...