Chapter 2

624 26 7
                                    


"Para talaga akong tumitingin kay Archie kapag nakikita ko si Ari," Puna ni Ate Ria habang pinagmamasdan namin ang anak ko na abalang abala sa pag lalaro ng kanyang mga stuffed toy dito sa yard habang nakaupo sa mat na inilatag ko para sakanya.

Bumaling ako kay ate Ria at nakitang naka ngiti siya habang nakatingin kay Ari. Ang saya na makitang masaya si ate para sa'kin at kay Ari. Parang achievement para sa'kin na tanggap na tanggap niya kung anong mayroon ako.

Hindi niya ako kinibo ng isang linggo nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko noon. Naiintindihan ko naman— sinakripisyo niya 'yung sarili niyang pangarap para sa'kin pero anong ginawa ko, 'diba? Nagalit siya sa'kin, pero mas nagalit siya nang malaman niya kung sinong ama.

"Wala talaga akong mauuto na hindi si Archie ang ama, 'no?" I chuckled lightly.

Aria looks like a brighter version of him. They look really identical, but unlike her father, Ari has never been grumpy. She smiles and talks a lot, mukhang sa'kin niya naman nakuha 'yon. Thank you, lord, nag mana siya sa'kin.

Dalawang beses lang yata akong nginitian ni Archie nang totoo at sinsero sa loob ng ilang taong pagkaka kilanlan namin: una, noong prom, at ang pangalawa naman ay nang makita niya sa Ari.

"Mare-realize kaya ni Archie na anak niya si Aria kapag nakita niya lang somewhere? Obvious naman na kamukha niya pero medyo slow kasi 'yon eh. Ganon ba kapag repeater?" Pagbibiro ni Ate Ria.


Naging inside joke lang naman namin ni ate ang pagiging repeater ni Archie, pero sa totoo lang, matalino 'yon.

Archie being Archie, ginagawa niya talagang past time ang pakikipag suntukan kaya ibinagsak niya ang character education dahil sa tuloy-tuloy niyang offense. Academically, repeater lang naman pala siya dahil sa PE! Akala ko pa naman seryosong subject ang ibinagsak niya, jusko, PE?!

Tinanong ko kasi sakanya 'yon noong speaking terms pa kami. Sobrang curious ako kung bakit siya nag repeat! Hindi naman kasi talaga siya mukhang bobo. Tamad, pwede pa. Kahit siya, natatawa kapag naaalala niyang sa PE siya bumagsak. Wala raw kasi talaga siyang athletic bone, kaya inis na inis rin siya sa ideya na ipapasok siya sa military school.

Oh, edi naalala ko na naman? Ang aga pa para mag relapse sa greatest what if, Roxy, wala pang alas dyis, huy!

"Mag kikita pa kaya sila?" Wala sa sariling tanong ko. Saan galing 'yon?! Kasalanan talaga 'to ni Sky. Sa kakatanong niya, parang bigla ko tuloy naaalala si Archie. Tama, isisisi ko kay Sky ang relapse na 'to.

"Wala ka bang balak na i-contact man lang si Archie? Habang iisang hangin pa ang hinihingahan niyo," Ate Ria encouraged.

Natatakot ako sa posibleng mangyari kapag nag harap-harap kaming tatlo. Si Archie pa naman ang tipo na mukhang mag tatanim ng galit. Siguro naging puno na ang galit sa'kin non ngayon!

I took five long years from him and Ari. I wanted Archie to succeed on his own—he was young and getting somewhere. Hindi dapat siya hadlangan ng responsibilidad niya sa'min ni Ari.

Mali. Kay Ari lang siya may responsibilidad dahil wala namang kami, eh. Hindi naman naging kami.

"Para saan pa? Kaya naman namin," Sagot ko habang nakatingin kay Ari. Narinig ko ang buntong hininga ni ate. Ang lalim, ah.

"Roxy, alam mo kung gaano kahirap lumaki nang walang magulang, 'diba?" May pag aalala niyang tanong sa akin.

"Ako. Nandito naman ako, ah? Parang ikaw sa'kin!" Sagot ko nang may kaunting ngiti sa mga labi. Alam ng diyos kung gaano kalaki ang pasasalamat ko sa kapatid ko. Simula nang mawalan kami ng mga magulang, si ate ang umako sa lahat ng responsibilidad. Pinakain niya 'ko, dinamitan, dinamayan, lahat yata ay nagawa niya para sa'kin. Superhero ko 'to si ate!

Napansin ko ang pag babago sa ekspresyon ni ate Ria na tila nakakita siya ng multo.

"Si Archie! Rox, siya 'yon! Siya 'yon!" Tuloy-tuloy niyang sambit habang tila natatarantang kumukulbit sa'kin. Sinundan ko ang tingin niya at agad ding nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaki na kakalabas lang mula sa kapitbahay.

Hindi pala multo ang nakita ni ate, kundi maligno! Pero papasa rin naman siyang multo— multo ng nakaraan ko, pucha. Bakit nandito 'yan?! Na-manifest kami ni Sky!

"Te, itago mo 'ko!" Nag pa-panic kong sabi sa kapatid ko na parang tumigil ang mundo habang patuloy na pinagmamasdan si Archie.

He was wearing a black long sleeves polo na naka tiklop hanggang sa kanyang siko, habang tine-ternohan ito ng itim na slacks. Archie's hair remained the same, it was still styled perfectly to compliment his features just right. Wala namang pinagbago, gwapo pa rin!

He looked nice... and happy, to be honest. Lumapit si Archie sa naka paradang sasakyan sa harap ng bahay. It was a black tesla, way too different from the bmw that he used to drive back in senior highschool.

"Oh, ano? Tulala?" Napabalik ako reyalidad nang punahin ako ni ate Ria. Panira naman 'to, oh! Hinampas ko lang siya at ibinalik ang tingin kay Archie na ngayon ay sumasakay na sa sasakyan niya. Umiiling na tumayo si ate Ria para kunin si Aria at papasukin na loob dahil nag uumpisa nang dumilim.

Archie rolled his windows down before driving away when someone from the house called him. It was his sister. Si Z!

Z wasn't able to attend our graduation years back dahil sa lahat ng gulong nangyari sa Northford na apektado siya. She looked better now. She looked happier.

The car finally drove away. Makakahinga na 'ko nang maluwag, sa wakas naman! Parang sampung minuto akong 'di nakahinga nang makita ko ulit si Archie.

Archimedes Aguerro became more intimidating now. He looked clean, successful, and professional. Hindi ko na siya reach! I bet he's one of the most notable ones in the industry now. I smiled at the thought of him, being successful. The pain, the pining, and the years we've spent apart were all worth it, if that's the case. I will always be here to support him from afar, anyway.

"Roxy? Roxy!" Napa balikwas ako nang marinig ko ang tumawag sa'kin. Napapikit ako nang mariin noong mapagtanto ko kung kanino galing ang boses. Dapat pumasok na 'ko, eh! Tingin-tingin pa kasi kay Archie!


Anong ginagawa ni Z sa tapat ko, hoy? Aria, nandito ang tita mo huy, humingi ka ng pamasko! Good for five years na pamasko!

"Kuya just left. Sayang, hindi mo naabutan!" Sambit niya. Anong sayang don, Z? Buti na nga lang!

"Uy, Z! Kamusta?" I answered awkwardly. She smiled at me. Mukhang nag character development na rin siya dahil hindi na siya nag susungit ngayon. Nabanggit ni Archie noong graduation na dito na mag papa-galing si Z. Mukhang naging maayos naman ang kinalabasan nito ayon sa nakikita ko mula sakanya, na siyang nasa harapan ko.

Zyra Aguerro looked prettier than ever. From her iconic long curly hair, she now has this mid-length with gray balayage hair. Her features stayed the same. Maganda naman na talaga noon pa si Z, pero iba siya ngayon. Mukha kasi siyang masaya kaya tila ibang-iba ang aura niya.


"Let's catch up?" Aya ni Z na sigurado akong hindi ko matatanggihan.

AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon