Prologue

807 22 3
                                    


"How long has it been since senior high? Six? Seven?" Archie chuckled as he drank directly from the beer bottle.

Kasalukuyan kaming nakatayo sa balcony habang pareho kaming may hawak na beer sa aming mga kanang kamay. Ngayon lang yata ako ulit nakatikim ng alak. Ngayon ko lang din yata nakausap nang ganito ka-ayos at kalalim si Archie.

"Halos pito," sagot ko sakanya.

Reminiscing senior high's a bit overwhelming for me. Sobrang daming nangyari— ang daming panibagong pagkakaibigang nabuo, ang daming nawala, maraming nasaktan, maraming nahirapan, at maraming napag tripan ng tadhana. Pucha, quota yata ako sa lahat ng uri ng alaala noong senior high!

Sandaling tumahimik si Archie habang hinahayaan ang malamig na hangin na dumampi sa aming mga mukha. Napansin ko ang malalim niyang pag hinga bago bumwelo muli ng sasabihin.

"Roxy... can I ask you something?" Sabi niya habang direktang nakatingin sa'kin. Si Archie lang naman 'to pero bakit ba kinakabahan ako?


"Kanina pa tayo nag uusap, 'diba? Ngayon mo pa naisipang mag paalam," Sagot ko bago siya irapan nang pabiro.

It heavily reminded me of the old times. Archie and I used to fight and tease each other a lot— and I honestly used to hate him. I used to hate those memories with him... but somehow, it became one of my fondest ones from Northford.


"Sungit, 'wag na nga," Sambit niya na tila may pag tatampo sa tono. Natawa na lamang ako sa inakto niya. OA pa rin si Archie after all those years! Some things never change talaga, 'no? Malas lang dahil 'yung pagiging OA pa ni Archie ang hindi nag bago.

"Ano nga?!" Sagot ko na tila napipikon na sakanya dahil ang tagal tagal niyang mag tanong.

I saw him take deep breathes as he try to compose himself. His expression suddenly changed. His eyes turned a little darker and he once again, avoided my gaze. Mula sa kaninang mapaglaro ay sumeryoso ang mukha ni Archie.

"When I told you six years ago that I'll come back for you, naniwala ka ba? Kahit konti lang?" He asked.

"Hindi," Mabilis na sagot ko. Nalungkot din ako sa sarili kong sagot. May mga araw na napapa isip ako na paano nga kung pinang hawakan ko 'yon? Paano kung naniwala akong babalik siya? Pero ang pinaka malaking tanong ay paano kung hinayaan ko lang siyang manatili? Gaano na kaya kami kalayo?


"Hindi, kasi syempre, si Archie ka eh," I added. I never believed that he liked me kasi si Archie 'yon eh. Sanay ako na palagi niya akong pinaglalaruan, kaya hanggang sa mga sandaling seryoso at totoo na siya, hindi ko pa rin magawang paniwalaan siya.


Nakita ko naman na parang na-offend si Archie ngunit agad din namang nakabawi. Umaayos na talaga siyang mag react at makipag usap ngayon. Ano kayang mayroon sa hangin nila sa America? May kasama bang communication classes 'yung hangin nila doon?


"I'm sorry, Roxy. I was so fucked up. Shit, sorry. I understand why you had a hard time believing in my promises. Kasalanan ko rin naman kung bakit," Archie smiled sadly as his eyes watered.

Ngumiti na lamang ako pabalik dahil hindi ko na alam kung ano pang isasagot. Paano ko ba sasabihin sakanya na nakita ko rin naman siya noon sa paraang gusto niya pero huli na 'ko? Dapat pa bang aminin 'yon?

Natigilan ako nang tumungga muli si Archie sa beer na kanina niya pang hawak bago kuhanin ang bote mula sa'king kamay at inilapag ito sa side table kasama ng sakanya. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya. Hindi pa naman ubos parehas 'yon, ah?

Bumalik siya kaagad sa tabi ko. Dahan-dahang kinuha ni Archie ang mga kamay ko at tumingin muli nang malalim ay direkta sa akin. Ito na naman—kinakabahan na naman ako.

"Is it too late to make it up to you, Roxy?" Archie tried his luck as he smiled genuinely at me.

AfterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon